Chapter 5

10 2 0
                                    

Hindi ko alam kung may nararamdaman ba 'ko kay Lucas o wala. I'm confused right now. Hindi din ako sigurado kung sila ba ni Elize o nag-aassume lang talaga ako.

"Ary, halika na." Sabi sa akin ni Lucas. Ngayon ko na sila mapapanood kumanta at makikilala ko na din ang mga kabanda niya.

Pagkadating namin sa restobar kung saan sila magpeperform ay sinalubong na kaagad kami ng mga kabanda niya.

"Pare!" Tawag nila kay Lucas. Dalawa ang mga lalaking dumating. Ang isa pa sa kanila ay may hawak na gitara.

"Si Athena nga pala, yung kasama ko sa studio." Agad akong pinakilala ni Lucas sa mg kaibigan niya. Sa totoo lang, nahihiya ako sakanila kahit mukhang mababait naman sila.

"Hi Athena! Zeph!" Siya yung may hawak ng gitara kanina. Nakalong sleeve siya na checkered at nakablack na pants. "Hello!" Sabi ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko ba sila kakausapin dahil nahihiya pa din ako.

"Hi! I'm Zayn! Bassist ng grupo." Sabi naman nung isa pa niyang kasama. Ngumiti lang ako sakanila at pinaupo muna ako ni Lucas doon sa table. May inaantay pa daw kasi silang isang kabanda nila.

Nakatingin lang ako sa may entrance ng restobar habang nag-aantay na puntahan ako ni Lucas dito. Nag-uusap kasi silang tatlo tungkol sa setlist nila mamaya.

May dumating na lalaking nagmamadaling pumunta kina Lucas. Ayon ata yung isa nilang kabanda na iniintay nila. Nakawhite shirt, black pants siya with black shades and cap. Kita kong parang nagagalit ang iba niya kabanda sakanya dahil late na ata dumating.

"Ano ba yan, Brent! Baka hindi na tayo makapagpractice. Pa-late pa kasi." Sabi ni Zayn.

"Sorry na, may dinaanan lang ako." Sabi naman nung lalaking kakadating lang.

Habang nakikipag-usap siya sa mga kabanda niya ay bigla bigla siyang tumitingin sa may gawi ko. Ako ba yung tinitingnan niya? Wala pa namang ibang tao dito kaya sino naman titingnan niya dito diba?

Nag-usap lang ulit at tinext ako ni Lucas na magpapractice daw muna sila sa stage at maghintay muna raw ako dito. Naeexcite akong panoodin silang tumugtog.

"Ready na... in 1...2...1...2...3..." sabi nung nakawhite na shirt. Siya ata yung bokalista nila.

"Ito na ang ating huling sandali
Hindi na tayo magkakamali
Kasi wala nang bukas
Sulitin natin, ito na ang wakas
Kailangan na yata nating umuwi
Hawakan mo aking kamay bago tayo maghiwalay
Lahat-lahat ibibigay, lahat-lahat"

His voice is dreamy.

Bigla siyang tumingin sa akin at hindi ko alam kung bakit nahuhulog ako sa mga tingin niya, hindi ko pa naman siya tunay na nakikilala.

"Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Sa ating huling sayaw"

Umiwas na ako ng tingin sa bokalista, tiningnan ko nalang kung paano magdrums si Lucas. Ang galing niya at ang cool tingnan ng pagdadrums niya. Sa twing titingnan ko naman siya ay naguguluhan pa din yung puso ko kung gusto ko ba talaga siya o wala lang tong nararamdaman ko.

Natapos silang magpractice at agad na pumunta sa may table na inuupuan ko ang banda nila, kasama yung bokalista.

"Sino yan?" Tanong nung bokalista kay Lucas at tinuro ako nito. Bigla akong napatayo at ngumiti lang sa kaniya. Magpapakilala na sana ako ng biglang magsalita si Lucas.

"Si Athena, kaibigan ko. Athena, si Brent nga pala." Sabi niya.

"Ah kaibigan, baka naman jowa mo na yan, tol." Sabi naman ni Brent.

"Hindi ah." Agad na sagot ko sa kanya.

"Ah okay. Sabi mo eh." Umupo siya doon sa tabi ko at nagcecellphone lang siya. Sina Lucas naman ay umorder ng makakain.

Ang awkward dahil kaming dalawa lang ang magkatabi dito. Ayaw ko namang makipag-usap sa kanya dahil nakakaintimidate siya.

"Saan kayo nagkakilala ni Luke?" Tanong niya sa akin. Nagulat ako at hindi maproseso sa utak ko na kinakausap ako nitong Brent na to. Parang maayos naman siyang tao at may itsura siya pero natatakot pa din akong kausapin siya.

"Ah may common friends kami." Sabi ko.

"Ni Elize?" Tanong niya.

"Oo. Kilala mo si Elize?" Tanong ko din sa kanya. Paano naman niya nalaman na si Elize yon.

"Oo. Magkaibigan din kami non. Actually siya yung dahilan bakit naging magkakilala kami nito ni Luke." Sabi naman niya. "Pamilyar ka nga sa akin eh. Ikaw yung isa sa may ari nung The Move diba?" Tanong ulit niya sa akin.

"Oo" sabay tawa ko. Natutuwa ako kapag minemention nila yung studio, ibig sabihin non alam nila na may studio kami and pwede nilang irecommend yon sa mga kakilala nila. For promotion na din.

"Bakit ka natawa?" Tanong niya. "Natatawa ka na ikaw may-ari ng studio?". Napakapilosopo naman nito. Hindi ba pwedeng masaya lang ako ngayon? Hindi ko na siya sinagot dahil walang kwenta naman yung tanong niya. Maya-maya pa'y bumalik na kaagad sina Lucas papunta saamin.

Hindi nalang ako nagsalita at kumain nalang ako pero naririnig ko yung usapan nilang magkakaibigan. "Ano na Brent, asan na yung kasama mo last week na babae dito?" Tanong ni Zayn.

"Kaibigan ko nga lang yon." Sabi naman ni Brent.

"Ano yon iba't ibang kaibigan sinasama mo bawat linggo?" Tanong naman ni Lucas sa kanya.

"Bakit bawal ba yon? Kaibigan lang naman." Sabi niya habang nagbibiro. Halata naman kay Brent na bad boy type siya tapos si Lucas yung parang lowkey lang. Ang pogi sana ni Brent kaso base sa mga pinagkekwentuhan nila, mukhang madami na siyang napaiyak na babae.

"Ikaw Athena, may boyfriend ka na ba?" Biglang nilipat sa akin ni Zeph ang usapan. Bakit naman ako pa yung tinanong nila, busy nga ako sa pagkain ko eh.

"Wala." Sabi ko. Parang gulat na gulat sila na wala akong jowa ah.

"Bakit wala?" Tanong ulit ni Zeph sa akin. "Ayaw mo pa?" Sabi niya. Hindi sa pagiging asyumera pero gusto ba ako ni Zeph? Masyadong madaming tanong 'to eh.

"I'm just too busy. Not my priority."

Nagtinginan sila ni Lucas pagkatapos non tapos nakita kong sabay silang naglabas ng cellphone nila at nagtext. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain ko. Iniistorbo nila ako.

Nagsimula nang magprepare sina Lucas sa mismong performance nila nang nagdatingan na ang mga tao. Mas buhay 'tong restobar kapag gabi, madaming tao ang dumating at nakikita kong ang iba pa nga ay kilala na ata nila Lucas.

Umupo ako sa pinakalikod na upuan, ayokong makita ako ni Lucas habang nagpeperform siya. Nahihiya ako. Nakaready na si Lucas para tumugtog sa drums niya but I was shocked when he stand up and go down the stage.

Unti-unti siyang pumunta sa may inuupuan ko at tumigil sa harap ko. "Doon ka sa manood sa harap" he then smiled. Nakatingin na lahat ng tao sa amin at parang pinag-uusapan na nila kami. I just smiled at him and follow him. Pinapunta niya ako doon sa upuan sa pinakaunahan and I just sat there.

He came back to the stage and they began to play "Huling Sayaw" by Kamikazee. Kahit na narinig ko na 'to kanina ay iba pa din talaga ang galing nila sa pagtugtog. Habang tumutugtog ng drums si Lucas ay maya't maya siyang natingin sa akin at ngumingiti. Those smiles are so precious. Tinamaan na ba ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling Sayaw Where stories live. Discover now