"Good morning Ma'am!" Sabi sa akin ng mga estudyante ko. Natapos na namin ang steps sa sayaw at time na para ituro 'to sakanila."Good morning! We're gonna perform the swan lake in Division. Alam kong kaya niyo 'yan and I hope na inaral niyo yung mga sinabi kong skills na kailangan niyong aralin." I said.
Halos limang oras kaming nagpractice ngayon pero ni wala pa sa kalahati yung natatapos namin. Kailangan ay matapos kong ituro sa kanila ang buong sayaw sa loob ng dalawang linggo para sa mga susunod na linggo ay madali na lang.
"Huwag kang masyadong mastress. Matagal pa yan." Nandito ako sa may lobby nagcecellphone, nang biglang tumabi sa akin si Lucas. May dala siyang pagkain at inabot niya ito sa akin.
"Hindi ka kumain ng dinner." Sabi niya.
"Diet ako." Palusot na sabi ko nalang sa kanya. Hindi ko namalayang dinner na pala. "Madami kang natapos?" Dagdag ko.
"Wala pa din sa kalahati, pero 'wag kang mag-alala dahil kakayanin naman naming tapusin 'to by next week." Sabi niya.
Magkasabay ulit kaming umuwi gamit ang sasakyan ko. Nakatulog na si Lucas habang nasa byahe pauwi. Napagod na din ata sa pagtuturo niya kanina.
"Thank you." I said even though he won't hear me.
Kinabukasan, pumunta si Elize sa studio. Nagleave siya ngayon sa kaniyang trabaho para daw tingnan ang progreso ng mga performances.
"Wala pang progress. Umalis ka na dyan." Pabirong sabi ko sa kaniya para umalis na din siya. Naiilang kasi ako kapag may nanonood sa akin habang nagtuturo sa mga estudyante ko.
"Mayroon namang progress ah. Small progress is still a progress." She said.
Umalis na din siya at sinabing pupunta siya kay Lucas. Panigurado ay tutulungan nito sa Lucas na magturo.
"Kamusta naman kayong dalawa? Are you getting along? Hindi ko na kayo nakakausap. Kapag nasa bahay tayo hindi na naman tayo nagpapangbot." Tanong sa amin ni Elize. Nilibre niya kami ng lunch sa isang fastfood restaurant malapit lang din dito.
"Nag-uusap naman kami." Sabi ni Lucas. Hindi ako sumagot at nakafocus lang ako sa pagkain. Pinabayaan ko na muna silang mag-usap.
"So, makakalipat ka na ba next week? Aalis ka na ba?" Tanong ulit ni Elize kay Luke. Isang linggo nga lang pala siya doon magsastay sa condo namin.
"Uh, Eli, wala pa 'kong nakikitang ibang titirhan eh. 'Wag kang mag-alala naghahanap naman ako. Wala kasing sakto sa budget ko." Paliwanag ni Lucas.
"Okay lang naman sa akin na magstay ka pa ng longer sa condo namin. You have a room naman and mas malapit din siya sa studio." Sabi ni Eli.
"Yes, Lucas. Doon ka muna tumira sa amin kahit hanggang one month lang. It's more convinient dahil mas malapit sa studio." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong sumang-ayon sa sinabi ni Elize. First of all, ayaw kong magpatira ng lalaki sa condo namin pero kung si Lucas naman 'to ay okay lang. Nakita ko naman ang ugali niya at alam kong matino siyang tao.
"Kung ganoon, dyan muna ako titigil. Basta promise ko sainyo, pagkatapos ng isang month, makakakuha na ko ng trabaho at makakalipat na din ako." Sabi niya.
"Sige. Tatagal pa nga yung peste sa condo namin." Sabi ni Elize.
"Akala ko ba okay lang bat ganyan ka, B? Masyado tong ano eh" sabi naman ni Lucas. Hindi ko alam na 'B' pala yung tawagan nila.
"Joke lang, ito naman!" Tapos sinabunutan niya ng mahina si Lucas. Di na gumanti si Lucas at kumain nalang. Nakatingin lang siya ng masama kay Elize. Mukha namang magkaibigan lang sila no? Parang 'di ata nila alam na nandito ako.
YOU ARE READING
Huling Sayaw
RomancePaalam sa 'ting huling sayaw, may dulo pala ang langit. Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw~ "Let's dance until we can't feel anything. Until we can't feel all the pain of the bad yesterday. Until we can forget the memories of the past...