Dalawang araw na ang nakalipas at naging busy lang ako sa studio. Bigla kasing may binigay sa amin na invitation sa isang dance competition. If we will win in this Division, we have a chance to go to Finals. That's my big dream ever since. Hindi kasi kami nakakapasok ng Finals dati kaya gusto ko na ngayon ay makapasok na kami roon.
"We'll start practicing by next week after we choreograph your dances. Apat ang sasalihan nating category, ballet, contempo, hip-hop and ballroom. Mag-prepare na kayo. Eat healthy food and go on a diet. Para sa mga ballet dancers, ipractice niyo na araw-araw yung pirouette niyo. Yung iba nahihirapan pa din don. We're now done and wala na din tayong pag-uusapan. Class dismiss." I said.
Pagkatapos umalis ng mga students ko, nagmeeting na kaming mga teacher para sa gagawin naming choreo at sa kung sino-sino ba ang isasali naman para sa competition.
"Ms. Athena, kailangan natin ng lalaking teacher for ballet. Isang babae at lalaki ang isasali natin sa duo, mahihirapan tayo kung tayong dalawa lang ang magtuturo nito." Shelly said. She's my co-teacher in ballet.
Naiisip kong tama nga siya. Mahihirapan kaming magturo sa duo kung walang lalaking teacher. In fact, kulang din kami sa choreographer. Kailangan namin kaagad na makakuha na ng isa pang choreographer at ballet.
I remembered Luke, sinabi nga niya pala sa akin na kailangan niya ng trabaho ngayon. Bagay naman siya dito at kaya naman niya 'to dahil isa din siyang ballet dancer. I'll ask him nalang din.
"I think I can recommend someone." I said to them.
"Lucas!" pagtawag ko sa kanya. Nasa balcony siya ngayon ng condo. "O, bakit?" Tumingin siya sa gawi ko at lumapit sa akin.
"Gusto mong maging ballet teacher sa The Move? We need a ballet teacher na kaya din magchoreograph and I think your fit for it." I said excitingly.
"Sige ba! Kailan ba ang start nyan?" He asked.
"Sa isang araw na."
Si Lucas na ang gumawa ng steps sa duo at si Shelly ang naka-assign sa solo. Ako naman ang gumawa ng steps sa group. We get along very well. Late na din kami nakakauwi dahil ang goal namin ay matapos ang sayaw ng tatlong araw.
Hindi ko na masyadong nakikita sina Serene at Elize kahit nasa iisang bahay lang kami.
"Lucas! Sumabay ka na sa akin. Parehas lang naman tayo ng inuuwian." I said. Tumango lang siya at sinabing kukunin lang niya ang mga gamit niya.
Tinanong niya sa akin kung anong pangalan ng bluetooth ng sasakyan ko. Siya daw yung magpapatugtog.
"Ang sarap talaga sa feeling na nagagawa mo yung gusto mo 'no?" He said while I was driving.
"Super. Kaya nga pinili kong dito mag-focus sa dancing." I said.
"You know what? You are so lucky to have friends na parehas kayo ng gustong gawin. Dancing."
"Parehas din naman kayo ng gusto ng mga kaibigan mo diba? I heard you're in a band." I asked.
"Oo" tas biglang siyang tumawa. "Ako yung vocalist ng banda namin. Akalain mo 'yon?" Then he smiled. I imagined him singing his heart out loud. I want to hear him sing.
"Talented naman pala." Tapos tumawa din ako.
"Alam mo ba kung bakit 'Ikaw Lamang' yung sinuggest kong kantahin mo non?" He said.
"Hindi. Nagulat nga ako sa'yo non eh. Actually nakaka-badtrip ka non" I said while laughing.
"Kasi ayon yung kanta ko sa ex ko na palagi din naming kinakanta sa banda. Favorite niya yon eh. Siya yung gitarista namin dati." Sabi niya.
"May ex ka na pala?" Gulat na tanong ko.
"Oo. Bakit? Hindi ba halata?" Tanong niya.
"Halata. Mukha ngang madami ka nang ex eh" I said jokingly.
"Isa palang." Then he laughed.
"Ikaw?" Tanong niya.
"Anong ako?"
"May ex ka na?" Nagulat ako sa tanong niya. Bakit naman napunta sa akin yung usapan?
"Wala pa. Mabait ako eh." Sabi ko. Never pa akong nagkaroon ng ex. Siguro mga fling lang pero wala pa yung tunay na relationship.
"Bakit?" Tanong niya.
"Secret."
"Okay." Sabi niya. He doesn't look dissappointed at all. Akala ko maiinis siya sa akin dahil sa hindi ko sinabi yung rason ko. Iniisip kong sabihin ko na din dahil alam na naman ata ng lahat yung rason kung bakit wala pa din akong jowa kahit nasa tamang edad na naman ako.
"Hindi ako makamove on sa nangghost sa akin last year." That's it. I spilled it.
Biglang nag-play yung "Beer ng Itchyworms" pagkatapos na pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Saktong-sakto pala yung kanta saiyo." Tas bigla siyang tumawa.
"Anong nakakatawa?" Sabi ko.
Hindi siya sumagot at kinanta lang niya yung 'Beer'. I hate him.
"Nais kong magpakalasing, dahil wala ka na. Nakatingin sa salamin at nag-iisa. Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa'kin nang tayo'y maghiwalay. Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer ayaw pang mamatay" feel na feel pa niya yung pagkanta kaya mas lalo akong nairita.
But as I felt annoyed, I also feel the urge to sing with him.
"Tama na." I said.
"Saan mo ba nakilala yon?" Tanong ulit niya. Ang dami naman nitong tanong.
"Malalaman mo din yan kapag trip kong sabihin sa'yo." I said.
"Siguro minahal mo talaga yung tao 'no?" He said.
"No. I don't love him and I don't wanna love him." I said. "Bakit nasa akin na yung topic? Ikaw naman iinterviewhin ko. Bakit kayo naghiwalay ng ex mo?" Tanong ko.
"Pagod na daw siya. Na fall out of love lang daw siya."
"Baka may iba." I said.
"Ewan ko. Choice niya 'yon. Sabi niya naiisip na daw niya dati pa na hindi niya ako mahal." Sabi niya.
"Do you consider it love?" I asked.
"Maybe."
"Falling out of love. Huh. I think that's not... true love."
"Ano siya?" Sabi niya.
"Teka, ilang taon ba kayo nagtagal?"
"4 months."
"Huh?" I can't believe.
"Feeling ko nga fling lang yon. Nilagyan niya lang ng label." Sabi niya. "Siya pa naglagay ng label ah."
"Infatuation. Not love." I said.
"Parang ganon na nga." He said.
"Love is when you see the flaws and the bad side of the person, and you still love them. For who they are." I said.
YOU ARE READING
Huling Sayaw
RomancePaalam sa 'ting huling sayaw, may dulo pala ang langit. Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw~ "Let's dance until we can't feel anything. Until we can't feel all the pain of the bad yesterday. Until we can forget the memories of the past...