"Syempre hindi yon totoo. Nasaan si Elize?" Tanong niya sa akin. Rinig na rinig yung tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Akala ko totoong pumunta talaga siya dito para makita ako. As if naman.
"Nasa work. Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?"
"Wala. May sasabihin lang." Sinuot niya ang hawak niyang cap at tsaka kinuha ang cellphone. Itetext ata si Elize. Hindi nalang ako tumingin at kunwaring may ginagawa para naman hindi maging awkward.
"Sige na. Alis na ko, Athena." I only wave goodbye to him at tumango lang siya tsaka umalis. First time niya atang tawagin ang pangalan ko. Sabagay, hindi naman kami nagkausap ng matagal noong party dahil nag-walk out ako.
Hindi ko masabi pero parang may halong lungkot sa mata niya noong sinabi kong wala si Elize. May pinagdadaanan ba siya? Silang dalawa na ba ni Elize? Hindi ko 'to maalis sa isip ko. Kung sila na, bakit naman hindi 'to sinabi ni Elize sa amin.
Sinundo ako ni Serene sa studio at binisita din niya ang mga classes dito. Pagkatapos non, kumain kami sa isang food park na malapit na sa condo namin.
"Rene, sa tingin mo may jowa si Elize?" I asked out of the blue.
"I don't know. Pero kung mayroon na man siguro siyang boyfriend, magsasabi naman siya sa atin diba?" Sabi niya.
"Ewan ko din e. Sana nga sabihin niya saatin kung may jowa na ba siya. Gusto kong makilala." Sabi ko.
"Why did you suddenly ask that?" She laughed a little after asking me that. "Wala lang bigla ko lang naisip."
Kinabukasan ay Saturday kaya pahinga kami sa trabaho. Nagdecide kaming tatlo na pumuntang Tagaytay para mag-unwind.
Ako ang nagdadrive at nasa shotgun seat naman si Eli while Serene is at the back. Gustong-gusto ko ng tanungin si Eli tungkol sa iniisip ko kahapon pa pero parang hindi ko kaya 'to banggitin sakanya.
Tahimik lang kami sa sasakyan at nakikinig lang sa music nang biglang tumunog ang cellphone ni Eli. "Hello?" she answered.
"Bakit? Anong nangyari?" Parang may halong takot at kaba sa tono ng pagsasalita niya sa kausap niya.
"Sige, pagkauwi namin pupunta ako kaagad dyan." She said then she ended the call.
"Sino 'yon?" Tanong ni Serene.
"Si Luke. May problema daw eh. Pinapapunta ako sakanya." Elize said.
Baka kaya malungkot si Lucas nung dumaang studio dahil may problema siya at kailangan niya ng kausap. Yung kausap na yon ay si Elize. I really hope he's doing fine.
Kumain kami sa isang restaurant na kung saan makikita mo ang view ng Taal. Nagmamadali kami dahil sabi ni Elize ay kailangan na daw talaga siya ni Luke. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kaagad kami at hinatid ko siya sa bahay ng kaibigan niya.
Sa tagal na naming magkaibigan, ngayon ko lang nakilala si Lucas. Namumukhaan ko lang siya pero hindi ko siya super kilala.
Hindi ko na naabutang umuwi si Elize ng gabi dahil natulog na din kaagad ako pag-uwi pero kinabukasan ay agad kong tinanong kung anong nangyari sa pagpunta niya doon. Sabi niya ay mamaya niya na daw muna sasabihin kapag gising na ni Serene. May mahalaga daw kasi siyang announcement sa amin.
"Girls, may favor ako." Elize said.
"Sige lang. Ano yon?" I said. I was really nervous kung anong favor ba 'yon. Elize is that kind of person na hindi nahingi ng tulong hangga't kaya niya pa. She's a very independent person.
YOU ARE READING
Huling Sayaw
RomansaPaalam sa 'ting huling sayaw, may dulo pala ang langit. Kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw~ "Let's dance until we can't feel anything. Until we can't feel all the pain of the bad yesterday. Until we can forget the memories of the past...