Pag-ibig Via Messenger

265 15 7
                                    

Napatalon ako nang may marinig akong isang malakas at sunod sunod na busina sa likod ko.

"Miss pwedeng tumabi ka? Kung magpapakamatay ka, huwag mo kong idamay." Sabay taas ng bintana at harurot paalis. Grabe naman yun. Pakamatay agad?

"MAHAL NA MAHAL KO PO YUNG BUHAY KO KUYA. AYOKO  PA MAMATAY. MASAYA  PA PO AKO!" Habol kong sigaw.

Napatingin ako sa hawak kong cellphone nang maramdaman kong nag vibrate ito. Napangiti nanaman ako. Kausap ko nanaman si Brylle.

Brylle: Nakauwi ka na Be?

Hindi ko alam kung anong klaseng pagkakaibigan ang meron kami. Pero malapit na yatang mahulog or should I say tuluyan nang  nahulog ang loob ko sa kanya?

Ako: Hindi pa Be, pero malapit na ko sa bahay.

Halos dalawang taon na simula ng magkakilala kami sa isang Group Chat  ng mga magbabasa sa Facebook. Dati, lagi lang kaming nagbabasagan.

Brylle: Sge. Chat ka pag nakauwi ka na a? Ingat ka Be. Papakasalan pa kita. :*

Araw-araw kaming  magka chat, minsan magkatext at magkaskype, may endearment, nag-aasaran, nagpapalitan ng iloveyou's at kung anu-ano pang kalokohan ang ipinapamahagi namin sa isa't isa.

Ako: Wushuuu ayan ka nanaman. Pinapaasa mo nanaman ako. ︶︿︶

Naisip ko nga. Hindi ba to nagsasawa saakin? May gusto na daw siya sakin, at manliligaw daw siya. Hindi ko alam kung nagbobolahan pa ba kami, o  totoo na siya. Alam niyang nagkakagusto na ko sa kanya. Na #Sorryzoned pa nga ako nung mga panahong ni message ko sya ng "I miss you" at umamin pa  sa kanya. Naglie-low kasi kami noon. Ayaw niyang patuloy akong kausapin. Dahil hindi pa siya handang umibig ulit. At natatakot daw syang masaktan at makasakit. WTF ang weak lang diba? Pero naiintindihan ko naman sya. Gustong gusto ko pa nga  ireply sya nun ng "nasasaktan mo na nga ako". Kaso nahiya naman ako. At isa pa.  Ma pride din akong tao, at yun ang ikinalulungkot ko.

Brylle: Oyy Be?
Brylle: Tulog na ko be a? Antagal mo nanaman magreply. -_-
Brylle: Goodnight be. Iloveyou: *

Kung noon, ang bilis ko magreply ng Iloveyoutoo sa kanya. Ngayon hindi na masyado. Alam ko kasing yung akin totoo, yung kanya di ako sigurado. Ang sabi naman nya seryoso siya. Pero pano mo ba malalaman kung seryoso nga ang isang tao base sa mga letra na nitatype niya at nisesend sayo? Hayyy.

Brylle: Iloveyou :*
Ako: Uyyy bukambibig mo na yan ah?
Brylle: E kasi nga totoo na to.
Ako: Ge. Hahaha
Brylle: Puntahan kita jan sainyo?

Sge. Kung kaya mo. •﹏• Sabi ko sa isip ko.

Siguro. Baka. May pagkakataon na naniwala ako. Pero may mga pagkakataon na nananaig yung pagdududa ko. Sabi ko pa, paanong magiging impossibleng mahulog sya? E sakin nga naging possible?

Group Chat
Tin Ten: Oyyy Brylle san ka nagpupupunta?
Brylle: Dito lang. Nakakulong sa puso niya. hahaha
Tin Ten: Aywee? Kaninong puso yan?
Brylle: Hahahaha joke lang. Namiss kita Tin :3

Seen ako sa usapan nilang yan. Napansin nya  sigurong tahimik ako. Kaya nagmessage saakin.

Brylle: Be
Ako: O?
Brylle: Tss. Galit
Ako: Bakit?
Brylle: Bat ka galit? :'( :'( :'(
Ako: Bat ako magagalit?
Brylle: Bat ganyan reply mo?
Ako: Pano ba dapat?
Brylle: Halata ee
Ako: Hindi nga ako galit. Bakit? :)
Brylle: Galit ka. Kung hindi mag iloveyou ka sakin.

Yung totoo? Kinilig talaga ako jan. Hahahaha At naniniwala na yata akong totoo na.

Brylle: Porke ba sa chat at text di na pwedeng maging totoo? Kailangan ba sa personal lang lagi yung mga totoong tao?

Yan yung tanong nya pa sakin nang minsang nagsend sya  ng isang mahabang nobela. Natuwa pa ako, dahil naisip nya  ang mga bagay na yan. Alam ko naman yun. Sadyang hindi lang maiwasan, nagsimula kaya kami  sa lokohan paanong hindi ko sya  pagdudahan? Pero naniniwala na naman ako e, sadyang may pagkamatigas lang ang ulo ko at gusto ko pang malaman ang saloobin nya .

Dumating yung araw na naging busy ako. Perks of being a Teacher. Yeah. Im a Preschool Teacher and I'm just  20. :) Naging abala ako. Exam week at kailangan ko pang gumawa ng Test Paper. At i-monitor isa-isa ang mga studyante ko.

Isang linggo. Isang linggo  lang akong nawala. Nawala na rin yata siya  sa buhay ko. Wala ng text. Wala ng chatheads na mukha niya  ang nagpa-pop-up. Wala nang Iloveyou's, wala nang nangungulit. Wala na si Be.

Nung nagkaoras ako. Bumisita ako sa Profile niya. Nakita ko yung mga huling post niya. "Alis muna ako. Mamimiss ko kayo." San sya ppupunta? Bat di sya nagpaalam? Nagmessage ako sa kanya. Wala. Active 8 days ago. Nag enroll na  kaya siya ? Sige. Sana pagbutihan niya. Miss na miss ko na siya.

Nalungkot ako sa pagkawala niya. Hindi ko inakala na ganun kalaki ang epekto nya saakin. Langya. Tinamaan nga. Dumaan ang higit dalawang taon. Hindi na din ako madalas sa Facebook. Pero nakakausap ko pa yung mga kaibigan ko,namin sa aming lumang group chat. Alam kong may balita sila sa kanya. Pero hindi na ako nagtatanong, at hindi rin sila nagkkwento dahil alam nila kung gano ako nasaktan.

Araw ng Lunes. Naglalakad ako pauwi. Nagmumuni-muni. Nagpaplano sa aking isip para sa nalalapit naming Family Day sa school. Nang biglang napatalon ako sa malalakas at sunod-sunod na busina. Naghanda ako sa sigaw ng driver pero hindi ako sinigawan. Abaaa. Mabait. nasabi ko na lang.

Malapit na ako sa bahay nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniporme ko. Nakalimutan ko palang i-log out yung facebook ko kagabi. :3

Brylle Seegmiller messaged you...

Napatulala ako. Totoo ba itong nakikita ko? Mahigit sampung segundo bago ako nabalik sa huwisyo. Binuksan ko ang unang mensahe niya sa loob ng mahigit dalawang taon.

Brylle: Hi Be. Imissyou so much! :*

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. "WALANGHIYA KAAAA! MATAPOS KANG MANG IWAN! ANG LAKAS NG LOOB MO!" Sigaw ko sa gitna ng daan. Maya maya may lumapit sa akin isang lalaking naka Maroon Vneck Shirt, naka Khaki White Shorts at naka Vans na Maroon. Hindi ko maaninag ang mukha niya masyadong maraming luha na ang inilalabas na ng aking mata. Pinakatitigan ko siya. Napakapamilyar ng hugis ng kanyang mukha. At napakapamilyar din nitong aking nadarama. Maari kayang...

Hindi ako nakagalaw nang ikulong niya ako sa isang mahigpit na yakap. Ipinoproseso ko pa sa aking utak ang mga nangyayari nang may ibinulong sya sakin "Be" Napahagulhol ako. Siya nga. Hinalikan nya ko sa noo at niyakap ng napakahigpit "Be, miss na miss kita"

"San ka nagpunta? Bat di ka nagpaalam? Hinanap kita. Hinintay din." Sunod sunod kong tanong sa kanya habang patuloy na lumuluha.

Nagtilian ang mga tao sa paligid  nang bigla siyang lumuhod sabay labas ng isang puting kahon mula sa bulsa ng kanyang shorts.
"Be, sa umpisa pa lang. Alam kong totoo na to. Sorry sa mga panahong naging indenial ako. Mahal na mahal kita. Kahit umalis ako hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Alam kong mahal mo pa rin ako. Nararamdaman ko. Will you help me prove to them that forever do exist? Will you be with me for all time and eternity? Will you be my wife, Be, Marya?

Hindi abot langit kundi lagpas langit ang

kasiyahang nararamdaman ko.

"Of course I will, Be, Brylle"

Nagpalakpakan ang mga taong andun lang sa paligid. Hindi ko akalain na sa dami ng pagdududa na naramdaman ko noon, ay hahantong kami sa ganito kagandang panahon.

Isinoot niya sa akin ang singsing, at tumayo. Sabay pinagdikit ang aming mga labi. "Mahal na mahal din kita" bulong ko sa pagitan ng aming mga labi.

THE END!

Pag-ibig Online (One-shit :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon