AYESHA's POV
Kahit na nagdrama ako kagabi dahil sa taksil kong asawa...ang ganda ng tulog ko! First time ko magkaroon ng ganong ka-gandang tulog simula ng makasal ako.
Gumayak na agad ako papasok sa school, ayokong makita si Daniel paggising, ayokong masira ang umaga ko. Feel kong mag-dress ngayon at gumayak...nagpapakababae? Haha.. Since naka-dress ako hindi ako makakapag-bike..tsss. Tawagan ko kaya si Ced? Nakakahiya naman------
*pot-pot*
Napatingin naman ako sa kabilang side ng kalsada..may nakaparadang sasakyan..sasakyan ni Ced yun ah! Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan saka tumawid.
'Anong ginagawa mo dito?' tanong ko.. ngumiti naman siiya...naaaks!
'Sinusundo ka..tara?' ang bait talaga..ngumiti ako at sumakay sa passenger seat.
Tahimik lang siyang nagd-drive habang ako naman nakatingin sa labas. Hindi ko maiwasang isipin kung ano magiging buhay ko kapag si Ced ang napangasawa ko at hindi si Daniel...siguro mai-inlove ako agad kay Ced kapag nagkataon...alam kong magiging mabuting asawa si Ced kumpara naman kay Daniel..
'What if...tayo na lang...' napatingin naman ako bigla kay Ced..did he just say that? malamang..siya lang naman kasama mo sa sasakyan eh... we're thinking of the same thing..
'A-ah..wha-w-----
'You don't have to answer..' sabi niya at tumawa ng mahina.
'Malaki ang respeto ko kay Kuya Dane...I don't want to be the guy who's up against me..alam kong gusto ka rin ni Kuya Dane..hindi lang niya pinapakita..'
Gusto ako? Ah ok...gusto niya ako kaya sinama niya si Mariane sa bahay namin...gusto niya ko kaya nagsisinungaling siya....gusto niya ko kaya niya ko pinakasalan! bullshit!
'Hinto mo na lang sa tabi..' mariin kong sabi..
'Huh? We have classes today---------
'Don't ask..dali na ihinto mo lang sa tabi!' napalakas yung boses ko pero hininto nga ni Ced sa sidewalk.
Kinuha ko yung backpack ko sa backseat at saka lumabas, sinara ko agad yung pinto bago pa mana makapag-salita si Ced. Sorry Ced..pero kailangan kong mapag-isa at magisip.
Lakad lang ako ng lakad at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nag-vibrate naman yung phone ko sa bulsa ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag...si Daniel...ano naman kaya kailangan nito? Sinagot ko na lang.
[Where are you? did you have breskfast?] so concern na siya sakin ngayon?
'Hindi pa..' hindi pa naman talaga ako nagbe-breakfast.
[You're in school right?]
'No.' monosyllabic lang ako pagdating sayo..
[What? don't you have classes?]
'I do.' parang kasal lang namin all over again..pilit ang sagot ng 'I DO'
[Then where are you? are you cutting your classes-------------]
'Oh stop..you're not my dad. Let me do what I want then I'll let you do what you want...isama mo pa yung Mariane kung gusto mo..'
Pinatay ko na yung phone ko at nilagay ko sa bag ko.
Naririndi na ko eh. Umaarteng concern kahit na hindi naman! Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin...wag lang niya kong sisitahin kundi makikita talaga niya....