"I'm sorry son but we're done eating dinner, alam mo kung gaano kaimportante tong gabi na ito! San ka galing?" Medyo naiinis na yung tono ni Tito Don.
"Dad, relax.. a meeting came up, what am I suppose to do?" Ang angas naman nitong lalaking to. Nakakainis.Ugh! Ang malas ko naman!
"Sabay na kayo ni Zara, since hindi pa siya nagdi-dinner." Sabi ni Tito. Tumayo na lahat sila sa dinning area at iniwan kaming dalawa ni Daniel. Pero lumapit samin si Cedrick.
"Ingat ka kay Kuya, manyak yan." Sabi niya at tumakbo na parang si flash. Awtomatikong lumayo naman ako kay Daniel.
"Are you just going to stand there?" Masungit na tanong niya. Woah! Kanina lang ang playful ng aura niya ngayon parang ang dark na.
Naupo siya sa kabisera at tumabi ako sa kanya sa leftside niya. Nag-serve na ng pagkain yung mga maid. Damn! Food! Steak! Sure this'll fill my void! >_<
"You didn't have to pretend to wait for me para makasama akong mag-dinner." Seryosong sabi niya habang sumusbo ng stake. Grabe na siya ah!
"Excuse me, di ka inintay.. hinila lang ako ni cutie kaya hindi ako nakakain agad." Sabi ko habang masinsinang hinihiwa ang juicy stake. Yum!
"Cutie?" Tanong niya.
"Si Camille."Sabi ko habang sarap na sarap sa stake.
"Si Camy? Hinila ka? Saan? That's impossible." Sabi niya habang pailing-iling pa.
"Tss. De wag kang maniwala. Teka nga pala.. pano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko. Tumingin siya sakin, deadpan look. Damn!
Nakakahiwa ang tingin niya sa talim!
"Sa arranged at surprise marriage, you should at least know the name." Sabi niya.
"Eh? Ikaw nga di ko alam pangalan mo eh.." *subo* uhmm! >_<
"I'm done. You can go home. See you in two weeks." Tapos tumayo na siya at naglakad palabas ng dinning are habang niya-yank ang neck tie niya. Bastos! Pero syempre kailangan kong ubusin ang inihanda sakin. Tignan mo yung lalaking yon.. di inubos yung pagkain. Hm. Sayang naman. Tumayo na rin ako at dinala sa kitchen ang pinggan namin.
"Ay, Ma'am ako na po..baka pagalitan kami ni Sir.Daniel." Sabi ni Yaya.
"Pianapagalitan po kayo ni Daniel?" Tanong ko. Tumango na lang siya pero bakas sa mukha niya ang takot. Sino ba talaga yung lalaking yon?
Nakita ko yung brief case niya sa gilid ng couch. Kinuha ko yon.
"Lola, san po kwarto ni Daniel?" Tanong ko. Syempre..kailangan malaman ko ang pagkatao nitong Daniel na to.
"Sa taas, second to the left." Nakangiting sabi ni Lola. Umakyat ako. Kumatok muna ako.
"What?" Tanong niya mula sa loob ng kwarto. Tss.. manong buksan muna!
"Brief case mo po!" Sigaw ko.
"Tsss... " Binuksan niya yung pinto. O.O Nakatowel lang siya. Tumalikog agad ako. Nilapag ko sa sahig yung brief case.
"Omg, are you a virgin?" Tanong niya. Medyo playful yung tono niya.
"Umiwas lang ng tingin virgin agad?!" Tapos humarap ako pero nakatingin ako sa ceiling. Six pack! Tempting six pack! Damn!
"You're a obviously a virgin." Alam kong nakangiti siya ngayon. Jerk!
"Papasok ako ah." Sabi ko at binunggo siya at pumasok ako sa kwarto niya. Wow.. mature na mature ang kwarto! Black and white..
Naupo ako sa kama niya. Nilibot ko yung tingin ko sa kwarto niya. Ang cool naman... pero yung ugali ng may-ari bulok. -_-
"Are you planning to sleep here?" Tanong niya habang nagsusuot ng body shirt at sweat pants.
"No, anong buong pangalan mo?" tanong ko. Tumingin siya sakin pero ibinalik yung tingin sa salamin.
"Daniel August Inoue." Sabi niya. August? Wow... cute ng name niya, sana kasing cute ng ugali niya. -_-
"Ilang taon ka na?" Tanong ko ulit.
"25." Simpleng sagot niya. Di naman siyang mukhang 25, para siyang... 55. de joke.. ano mga... 21 siguro. Pero ang tanda na pala ng fiance ko. 18 ang 25. 7 years!?!?
"Stop thinking about age gap, it's not that big." Sabi niya. Nahiga na siya sa kama niya kaya bigla naman akong napatayo.
"Matutulog ka na ba?" Tanong ko.
"You think?" Sarcastic na sabi niya.
"Sarcasm is the lowest form of wit." Sabi ko, ngumiti siya ako naman lumabas na ng kuwarto niya. Sinara ko yung pinto.
Bakit?!?!?!? Bakit ang komportable ko sa presensya niya??!!?!?