Something Blue

12 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kotse. Papuntang simabahan. bakit ba ang lamig!??!?

"Manong papatay naman nung aircon.." Sabi ko. 

"Ma'am pinapatay niyo na po kanina.." Sabi ni manong. Shete. T.T Sa lamig siguro kulay asul na ko.. I'll be my something blue. T.T 

Nung nasa tapat na kami ng simabahan. Huminga ako ng malalim bago lumabas ng kotse. Kaya ko to! 

Binuksan ko yung pinto. Nung papalabas na ako....

"Ma'am.. napakaganda niyo po, alam kong wala ako sa lugar para sabihin to pero sana mahalin niyo po si Sir.Dane." Sabi ni Manong. Ngumiti na lang ko sa kanya. 

Naglalakad na ako papunta sa pinto ng simbahan. Bumukas yung pinto. Lahat sila nagsitayuan. Sila Mommy at Dad nakangiti pero umiiyak. Ang Inoue family naman nakangiti din sakin. ako? Di ko alam kung itsura ng mukha ko ngayon.. pero ngumiti na lang ako sa kanila. Tinignan ko si Daniel. Di ko mabasa yung expression niya. Nakatingin lang siya ng direksyon sakin.

Sabi ni Dad ayaw daw niya akong ihatid sa altar baka daw kasi hindi na niya ako bitawan kaya naupo na lang siya kasama ni mommy at mag-isa akong naglakad sa aisle. 

Ng makarating ako sa altar kinuha ni Daniel yung kamay ko. Nung nahawakan ko yung kamay niya parang nakuryente ako. Biglang uminit ang simbahan. 

Sinabi na nung pare ang lahat ng dapat niyang sabihin. Idi-detalye ko pa ba? Wag na. Nagpalitan na kami ng I-do's kahit na labag sa kalooban naming dalawa. 

Pero ang pinaka-ayaw kong part ay ang.. 

"You may now kiss the bride.." Sabi nung pare. Lumunok ako at huminga ng malalim. Pinikit ko yung mga mata ko. >_< 

*tsup* 0.0 What? Sa noo ako hinalikan ni Daniel. Dinilat ko yung mga mata ko at narinig kong nagpapalakpakan ang mga tao.. bakit parang disappointed ako? PWeh! No! Buti naman sa noo lang! Hmph! 

                                                                         ****Reception****

Lahat sila busy sa kani-kanilang table. May kumalabit sakin, tinignan ko kung sino. Si Cedrick. Ngumiti ako sa kanya. 

"Dance?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Kinuha ko yung kamay niya, pumunta kami sa gitna at nagsayaw. Yung mga kamay ko nasa leeg niya at yung kamay naman niya nasa bewang ko. 

*Wondeful Tonight by Eric Clapton*

"Are you happy?" Tanong niya sakin. 

"W-what?" Happy? Honestly, Di ko alam kung ano tong nararamdaman ko. 

Alone TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon