Pasakay na ko sa elevator pero pinigilan ako ni Daniel. Tumingin ako sa kanya with my most deadpan look. Nagulat siya pero tumingin din siya sakin.
"You were really good.." Tapos ngumiti siya. Ganun pa rin..malungkot na ngiti pa rin. Nakita ko sa peripheral vision ko si Mariane, ah okay.. pinagseselos mo si Mariane? Well... lumapit ako sa tenga niya at bumulong.
"You're a pretentious son of a bitch. I know what you're doing. What a show.. ha-ha.. You know what? I thougt you were different..there's a part of me that thought of you being a happy person but it was all a show.I hate people like you. Bye."
Tapos tuluyan na akong sumakay sa elevator. Nakita ko yung mukha ni Mariane. Halatang naiinis siya. Now that I thought of it..hindi naman pala siya ganung kaganda.
Sumakay ka-agad ako a bike ko at mabilis na pinaandar iyon. Huminto ako sa Cake house. hmm.. stress eating. -_- pumasok ako sa loob. Maraming students. May mga nagde-date. May mga nagpapa-aircon haha.
"Ayesha!" tumingin ako sa tumawag sakin. Si Cedrick. Kumaway ako at ngumiti. May mga kasama siyang mga lalake na kasing-edadan namin.
Um-order ako at lumapit sa kanila.
"Paupo." Sabi ko at naupo sa tabi nung isang chinito dude na mas maputi pa kay Snowwhite.Haha.
"Guys, this is.. Ayesha." Sabi ni Ced.
"Hi." Sabi ko sa kanila. Sila naman nakatulala lang. Hala..anong nangyari? Kinaway ko yung mga kamay ko sa kanila.
"Hoy!" Sigaw ni Ced at natauhan naman sila. Hahaha.. nakakatawa naman sila.
"I'm Christian." Sabi ni Chinito Dude.
"I'm Derick." Sabi nung isa na todo todo pang nakipag-shakehands sakin. Haha.. ang cute niya. Pero mas cute si Ced.
"And I'm Jaden." Sabi nung isa na nasa gilid ng bintana. Jaden? Ja----JADEN!!?!!!!!??!?!?!?
"JADEN ASH SIMON?!?!?!" OMG. Haha.. Si Jaden nga.. wow.. siya lang naman po ang first love ko!!! Grade six palang ako crush ko na siya!! OMG ang gwapo pa rin niya!
"You know me?" Nakangiting tanong niya.
"Hahaha.. crush kaya kita!." Sabi ko.
"ANO?!?!??!" Sigaw ni Derick at Christian. Nagulat naman ako. Hhaha.
"Really? I'm honored.Sa tingin ko crush na rin kita.." Sabi ni Jaden. *blush* OMG! BAKIT cRUSH AKO NG CRUSH KO!
"Excuse me, she's my sister in law." Sabi ni Ced. Napatingin kami kay Ced.
"Sister in law? As in hipag? As in asawa niya yung is---------
Di na pinatapos ni Ced si Derick.
"Yeah. Kuya Dane's wife," Parang binagsakan ng langit at lupa sila christian, Derick at Jaden. Haha.. tawa lang kami ng tawa ni Cedrick.
Dumating na yung cake ko..
0.0 ---> Sila.
"What?" Tanong ko habang sumusubo ng cake.
"M-mauubos mo yan?" Tanong ni Christian.
"Stressed ako, maniwala kayo kulang pa to." Sabi ko..hmm! choco cake! Tumawa na lang sila.First time kong makisama sa barkad at puro lalaki pa. Masaya pala..mas masaya pa sa status sa fb at tweet sa Twitter.
******************************************At home.
Nandito na kami sa gate ng bahay namin ni Daniel. -_- Inangkas ako ni Ced. Sabi niya ihahatid daw niya ako at hihiramin niya yung bike ko para mauwi sa kanila.
"Thank you Ced. Ay oo nga pala! Salamat sa gift mo!" Sabi ko.
"The guitar? Welcome." Grabe.
"Na-meet mo na ba personally si Ed Sheeran?" Tanong ko.
"No, not yet. Sasama kita kapag imi-meet ko siya." Haha. Ngumiti ako at tumango. Sumakay na siya s bike at umalis na. Kumaway siya. Kumaway din ako kahit na nakaalikod siya.
Pumasok ako sa bahay.
"San ka galing?" Tumingin ako sa gilid. Nanonood ng TV si Daniel. Tss.
"Cake house." Sabi ko.
"With my brother?" Tanong niya. Pero sa tono niya parang inaakusahan niya ako na may ginagawa akong masama kasama si Ced. Lumapit ako sa kanya. Nagulat siya dahil pinatay ko yung Tv.
"What do you-------------------
"You.I'm not like you.. Hindi lang si Ced ang kasama ko kanina, pati yung barkada niya and since this goddamn marriage kanina ko lang naramdaman ulit kung pano maging masaya. Alam mo kung ano nagpasaya sakin? Ang nagpasaya sakin ay ang mga taong totoo sa sarili nila.. hindi mapagpanggap." Sabi ko at naglakad ako palayo, umakyat na ako sa kwarto ko at ni-lock yung pinto.