Ngayon ang alis namin papuntang Sideris resort sa Batangas. Nakalagay na sa sasakyan ang maleta ko at bag ni Chase. Kausap ko sa phone si Nana Sol.
"Nana, aalis na kami. Yung mga bilin ko po dyan sa bahay. Hindi uuwi si melvin dyan kase nandun sya main house." Bilin ko bago ibaba ang tawag.
Naglakad na ko palabas. Nakita ko pang may kausap sa telepono si Chase. Nag text naman si Azalea na kumpleto na sila. Nagtext din si Bellamy na papunta na sya.
"Let's go, nandun na sila." Yaya ko.
Nagdrive papuntang company si Chase. Marami akong tinawagan habang sya naman ay kausap ang resort manager ng Batangas branch. Pagkarating namin ay saktong dating ni Bellamy. Inihatid pala sya ni Melvin. Pagbaba ko ay lumapit ako sa mga models. Lumapit sa akin si Bellamy, si melvin naman ay bumati kay Chase at nanatili don.
"Good morning Girls." Simpleng bati ko.
"Good morning po miss A." Bati nila.
"I just want to remind you. 3 days of work and 1 day for vacation. That would be your schedule. If there is any problem, feel free to ask Ellie, my secretary or Azalea your handler." Sabi ko. Tumango sila.
"This is Bellamy Sullivan, a first timer and my model. Makakasama nyo sya on your 3 days work. Get along with each other." Emotionless kong pakilala sa kanya.
Tumango naman sila at ngumiti sa isa't isa. Pinuna ko na ang 4 models sa van, tinulungan sila ni Azalea. Humarap naman ako kay Bellamy.
"I may be the sister of your boyfriend but work is work. And I'm strict when working. I'm your boss and your working for me. Understood?" Seryosong pagkausap ko sa kanya.
"Yes po, Miss A" magalang na sambit nya.
Lumapit na ko kay Chase. Nandun pa rin si Melvin. Bumuka ang bibig ni melvin pero bago pa sya makapag salita ay nauna na ko.
"Chase, let's go. I don't want to be late." Diretso akong sakay sa kotse. Hindi kinausap ang kapatid ko.
Nakita ko pang tumango si Chase at Melvin sa isa't isa. Pagpasok ay niyaya ko syang mag drive thru. Nagtext rin ako kay Ellie na idaan sa drive thru ang models.
Pagkadaan namin ay diretso na kaming batangas. Sinusubuan ko ng burger si Chase dahil nag drive sya. Matapos kumain ay nilagay ko sa likod ang natirang pagkain. Natulog ako sa byahe dahil puyat ako.
Ginising ako ni Chase dahil nasa Resort na kami. Pagdating ay nakita kong kinakausap na ni Azalea ang models at photographers. Mamaya pang hapon ang photoshoot for summer dresses. Tanghali pa lang at may oras pa magpahinga. Dumiretso na kami sa room namin. Si Chase dala ang maleta ko at bag nya. Pagpasok ay humiga sya sa kama pagkadala ng gamit namin sa harap ng kabinet.
"Sleep and rest. Ako na mag aayos ng nga damit mo." Sambit ko.
Ngumiti sya bago pumikit. Inayos ko ang mga damit namin. Sanay naman na ko dahil ganito rin kami pag bibisita sya sakin. Matapos mag ayos ay nagpadala ako ng pagkain through room service. Ginising ko rin si Chase pagkarating ng pagkain. I'm a heavy eater pero hindi ako tabain. Well I'm always exercising kaya no wonder.
Kumain na kami. Nauna akong matapos kaya naligo muna ako. Isinuot ko ang isang summer dress at flat sandals. Naligo rin si Chase after ko. Tumawag ako kay Azalea.