Chapter 5

0 1 0
                                    

Last day na namin dito sa resort. The photoshoot went well. Nag suot ako ng black two piece pinatungan ko ng see through. Suot ang sunglass ay lumabas na ko. Maagang umalis si Chase kwarto. Nag iwan lang sya ng note.

- I'll be busy this morning.
Don't forget to eat breakfast.

-Chase :)

Naabutan kong nagkanya kanyang picture ang mga models. Nang matanaw nila ako ay kumaway sila. Naupo ako sa buhangin. May payong naman kaya hindi masyadong mainit. Naupo silang 5 sa tabi ko.

"Marami pang naliligo sa beach. Ayaw ko naman makigulo dun." Saad ni Ava.

Napatango sila. Si Bellamy ay umalis sandali para sagutin ang tawag. Kanya kanyang kwentuhan ang mga modelo. Pumaling sila saken. There's something on how they move.

"Miss A, chika lang ah? Boyfriend mo po ba si Sir Morpheus?" Nakangiting tanong ni Maeve.

"You can remove the po when we are alone. I'm just few years older." Sambit ko. " To your question, it's a no." Simpleng saad ko.

"Ehhh??" Reaksiyon nila.

"Why? Is there anything wrong?" Tanong ko naman sa kanila.

"Pero kung kumilos kayo parang....." Alinlangan at nalilitong pahayag ni Phoebe.

"Couple. Well we do like each other but we're not official. Mutual Feeling lang kami ni Chase." Sagot ko naman.

"Ang tanda nyo na po para sa MU na yan. You're already 28." Ava said as a matter of fact.

Napatawa nama sila at napatango. Umiling na lang ako habang may maliit na ngiti sa labi. It's been 4 years since we admitted our feelings for each other.

Bandang hapon ay umuwi na kami. Tulog ako sa byahe dahil hindi ako nakapagpahinga kanina. Ibinaba ako ni Chase sa Basement ng building. Umalis din sya agad dahil may aasikasuhin daw sya.

"Nana Sol, kamusta dyan sa bahay?" Tanong ko sa matanda.

"Ayos lang naman hija. Kailan ang uwi mo rito?" Tanong ni nana.

"Bukas po nana. Dito muna ako sa condo ni Chase magpapalipas ng gabi." Sagot ko.

"Narito ang kapatid mo, hindi mo ba kakausapin?" Pagbabaka sakali nito.

"Sige Nana. Pagod na po ako." Paalam ko bago ibaba ang tawag.

Nahiga ako sa kwarto nya. Nagising ako sa mahinang yugyog. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sakin si Chase.

"Dinner na tayo. Nagpadeliver na lang ako ng pagkain." Aya nya sa akin.

Nagpaalam ako na mag aayos muna ng sarili bago sumunod. Nauna na sya sakin. Matapos mag hilamos at mag suklay ay lumabas na ako. Nagtungo ako sa kusina.

"Melvin is asking me if you're back." Umpisa nya. "Hindi pa rin ba kayo nag uusap?" Dagdag nya.

"Busy ako sa resort kaya hindi ko pa sya natatawagan. I'll be home tomorrow so I'll talk to him if we see each other sa bahay." Sagot ko.

Tumango sya at nagpatuloy sa pagkain. Nagpresinta akong maghugas dahil hindi marunong gumawa to sa bahay. Naupo ako sa sofa at nanood sa netflix. Sya naman ay nasa mini office nya dahil may tinatapos na papers. Nang mabagot ay natulog na rin ako ulit.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nagluto ako ng adobong manok. Pinasobrahan ko iyon para meron pa hanggang dinner. Hindi kase marunong magluto ang isang to.

"Kumain kana, I'll go ahead dahil dadaan pa ko sa bahay bago pumuntang opisina." Saad ko.

Tumango sya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Puyat sya kagabi kaya ganyan. Humalik ako sa pisngi nya. Umalis na ko at pumara ng taxi sa baba.

My Star GoddessWhere stories live. Discover now