Prologue

12 0 1
                                    

"anong ipapangalan natin sa anak natin?" Tanong ng ginang habang hinahaplos ang tiyan na sobrang laki na dahil kabuwanan na nito.

"I don't know either, honey." Sagot naman ng asawa nito na nakayakap mula sa likuran ng ginang.

Naupo ang ginang sa upuan dahil nangangalay ito dahil mabigat na talaga ang tiyan niya.

"Hon, I want water. Can you get me a glass of water? please." Malambing na saad ng ginang sa asawa.

Humalik ito sa noo ng ginang bago tumayo at nagtungo sa kusina. Ilang sandali ay nakaramdam ng kirot ng tiyan ang ginang.

"Ahh! Marvin!" Hiyaw ng ginang habang hawak ang tiyan nito.

Nagmamadaling tumakbo ang ginoo upang puntahan ang asawa nito. Nang makita ang kalagayan ng ginang ay hindi ito nag aksaya pa ng oras at inalalayan ang ginang palabas ng bahay at papasok sa kotse.

"Sol, isunos nyo na lang ang gamit ng bata. Manganganak na si Stellar." Utos nito sa kasambahay na agad namang tumango.

Mabilis na nakarating ang mag asawa sa hospital. Agad na tumawag ng nurse ang ginoo.

"Nurse, yung asawa ko manganganak na." May kabang sambit ng ginoo.

Agad na dinaluhan ito ng nurse. Mabilis na dinala ang ginang sa Delivery Room. Pinahintulutan naman ng doctor ang presensya ng ginoo habang nanganganak ang ginang.

"Misis, Ire ka pa. Isang malakas na Ire." Utos ng doctora sa ginang.

"AHHHH!!!!!!" Ire ng ginang. Naulit pa ito ng ilang beses hanggang sa mabalot ng katahimikan ang loob ng kwarto.

Ilang segundo ay napuno iyon ng nakakabinging iyak ng sanggol na isinilang. Maluha luhang binuhat ng ginoo ang anak at itinabi sa ginang.

Kinuha ang bata upang malinis na at mailipat na ang ginang sa kwarto nito. Ilang oras pa ang nakalipas ay nagising ang ginang. Una nitong hinanap ang anak nito.

"Nasan ang anak natin honey?" Tanong nito sa ginoo.

"Don't worry, maya maya ay dadalhin na sya rito ng nurse. You did a great job. Thank you for giving birth to our princess." Malambing na sambit ng ginoo at hinagkan ang noo ng ginang.

Ilang minuto ay pumasok na ang nurse kasama ang bagong silang na sanggol. Hinawakan ng ginang ang bata at maluha luha itong hinaplos sa pisngi.

Nahawakan ng sanggol ang daliri ng ina at tumawa. Kapwa natawa angbdalawang magulang dahil sa ginawa ng kanilang munting prinsesa.

"Ma'am, Sir, excuse me po. The need to know what will be the name of your baby." Magalang na sambit ng nurse na pumasok.

Nagkatinginan ang mag asawa at ngumiti kapwa sa isa't isa. Ilang minuto pa ang nakalipas at sinambit na ang pangalan ng munting prinsesa.

"Asteria"

"Mayven"

Nagkatinginan ang mag asawa at napangiti.

"Asteria Mayven Parvati." Sambit ng ginang.

Lumikha ng mumunting tunog ang sanggol na para bang natuwa sa pangalang ibinigay sa kanya ng mga magulang.

"The princess of Parvati. Our very own princess." Sambit ng ginoo bago niyakap ang kanyang mag ina.

My Star GoddessWhere stories live. Discover now