"1, 2, 3....good, now pose naturally. Laugh all natural"
Saad ng photographer. I laughed naturally when I remembered Melvin's joke. Mabilis napack up ang shooting. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Melvin.
"Baby mel, pauwi na si veven." Pagkausap ko sa kapatid ko.
"Ate, can you buy me illustration board and paint brush? I need it veven." Saad ng kapatid ko.
I walked out of the building waving at ate tansy, my manager. Matapos mabili ang bilin ni melvin ay dumiretso na ko pauwi. Pagbukas ng pinto ay nadatnan ko si melvin na busy sa sala. Nagkalat sa mesa ang mga notes nya.
"Here. Kumain ka na ng dinner? It's 7 pm already." Tanong ko habang ibinababa ang bag ko sa upuan.
"Yes Veven. Nagluto ako ng adobo, kain kana." Saad nya.
Tumungo ako sa kusina para kumain. Habang nakain ay tinitingnan ko ang schedule ko for the whole week. Medyo maluwag in terms of school. Maraming free time for modeling.
I am Asteria Mayven Parvati. I'm in my last year in college. Part time model to add to our fund. I have a brother Melvin aster, 4th year high school. Wala na ang parents namin.
Matapos imisin ang pinagkainan ko ay umakyat na ko. Pagod ako sa shooting, 3 brand din ang minodel ko today. Bukas ay monday na ulit.
Kinabukasan......
Nag inat ako at tumayo. Naligo at nag ayos na ko. Bumaba ako para magluto ng umagahan at packed lunch namin. Maya maya ay kinatok ko na si Melvin. Bumaba na sya at kumain. Matapos namin kumain ay nag ayos na rin sya. Maya maya pang 9 am ang unang klase ko at 7 am pa lang.
Nang masigurong kumpleto na ang gamit ko ay kinuha ko na ang susi ng kotse. Marami rami ng ipon ko kaya halos walang nagbago sa buhay bukod sa pagtitipid ng luho. Hindi naman mahirap yun dahil hindi kami spoiled.
Buhay pa si mama, nagmomodel na ako. It was just for past time but it turns out to be my job na. Yung extra expenses ay dun ko ibinabawas. May trust fund kami ni mel. Ang akin ay nagagamit ko na while mel is after 2 years pa dahil 16 pa lang sya.
Even though may access ako sa account na yun, I don't use it. Walang nabawas ron miske piso. I promised to my mother's grave that I will raise melvin. Nang maihatid si mel ay dumiretso ako sa klase ko.
May mga bumabati saken kaya nginingitian ko lang sila. I am pretty famous since matagal na kong nagmomodel and suki din ako sa mga pageants kaya ganun. Naupo ako sa upuan ko at nag headphones.
I was listening to my favorite song when the professor arrived. Naupo ako ng ayos.
Nakinig lang ako sa prof namin. I need to ace my subjects, hindi pwedeng bumaba ako. I am running for cum laude.
Pumunta ako sa bench malapit sa field para makagawa ng sketch ng gown para sa subject namin. Kailangan ng drafting.
Ilang buwan na lang at tapos na ko sa kolehiyo. May kumukuha na rin saking kompanya.Nasa kalagitnaan ako ng pagiisketch nang may tumama sa paa ko na bola. Nakita kong papalapit ang isang matangkad na lalaki.
Kinuha nya ang bola at humingi ng pasensya. Bumalik ako sa sketch ko at iponagpatuloy iyon. Matapos ang sketch ay nagtungo na ko sa building 3B para sa susunod kong klase. Mabilis na natapos ang klase ko. Pumunta ako sa mall para bumili ng bagong sketch notebook. Tumingin na rin ako ng mga pens at ibang gamit.