CHAPTER 1
Palagi ko naririnig ang salitang love at forever. Sa totoo lang, naiirita na ako. Galit ako sa pag-ibig, kay cupido, at sa mga taong nag papakamatay dahil lang sa pag-ibig. Is love that surreal that you'll sacrifice everything just for it?
Kaya pala ganun na lang kung makatakbo ang mga babae at nag bibigay ng chocolates and letters sa mga crush nila. Oo, Valentine's na at nag kakagulo na ang buong klase. Este, buong eskwelahan. Takbo dun, takbo diyan. Tili dun, tili dyan. May nahihimtay pa. Jusko lang, imagine niyo ang isang eskwelahan may mga banners, triple colored hearts, pulang lubid ng tadhana, mga babae nahihimatay at yung mga lalake kinikilig dahil sa mga natanggap nila. Kaninang umaga pa yan hanggang ngayong hapon. Yung iba hindi na din pumasok kasi boring lang din ang klase.
Since I don't like these cheesy and cliche things, pumunta na lang ako sa may garden ng school. Malaki kasi tong school namin, pang mayaman. But they still accept students who are poor thru scholarships. Para saan pa at nag tayo ka ng pang mayaman na eskwelahan kung hindi katatanggap ng mga matatalino kahit na mahirap sila? It's all thanks to our Prez.
I sat on the side of our garden's fountain at nilaro yung tubig. Ang ganda talaga dito. Para kang na sa isang fairytale. Flowers blooming everywhere (well, not much), flat stone pavements, a rose archway and a fountain six-feet tall. Totoong hindi ako mahilig sa romantic na bagay, but is it wrong to appreciate the beauty of nature? Besides, this garden is my special place. Tsaka mahilig din kasi si Prez sa nature kaya ako na inasign niya dito.
Speaking of Prez, na kita kong patakbo siyang lumapit sa pwesto ko.Ano na na man ang kailangan nitong baliw sa akin?
"Darylle!" pasigaw niyang sabi habang nag kakaway.
"Bakit, Clarisse?" bored kong tanong sa kanya?
"Sinabi mo sa isipan mo na baliw ako, noh?" Sabi niya ng makarating na siya sa pwesto ko. Bakit ba ang talino nitong baliw na to? Well, she's smart alright kaya nga naging president eh. Minsan kasi para lang siyang baliw kumilos. Nakita ko naman siyang tumango, nababasa talaga nito yung utak ko.
"I don't. Nakikita ko lang sa actions mo."
"Wew. Ano ba kasi yung kinikilos ko kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Well, iniiling mo ulo mo tapos nag smile ka ng creepy.." eh? Ginawa ko ba yun? "..Parang baliw lang ang peg." napatawa na lang ako.
"Pumunta ka dito para lang tawagin akong baliw, ha?" pabiro kong tanong. Dapat nga siya yung baliw eh!
"Ang tinatanong ko dapat sayo ay kung may plan ka ba sa Valentine's which is today, kaso I remembered na ayaw mo din pala sa ganun." She really understands me. Para kaming kambal. Nag babago aura ko sa kanya. We have so many things in common. Kagaya na yung ayaw sa cheesy na bagay. Kaso siya mahilig sa mga holidays kasi minsan lang daw yun.
YOU ARE READING
Forever is Just a Word
Teen Fiction[Taglish] It all started when a six year old Darylle Lopez finds her mom lying on her bedroom floor. Murdered by her one and only dad. She left him, alone. Her father got into jail. And she kept it a secret that only her best friend and cousin knows...