CHAPTER 7
Dalawang linggo ng nakalipas since nabanga namin ni Risse sila Key. And to be very honest, wala ng nangyari after that. As usual, boring pa din ang klase. Ang alam ko lang ay marami ng excited na maging isa sa mga sasama papunta sa Westchester University.
Eh ako, mukha akong sira na potato na nakatunganga. Hindi parin ako makapaniwala na childhood friend ni Risse si Eron. Ano to? Pinaglaruan ni tadhana? Ewan. Di ko nga alam kung dapat ba akong matuwa eh.
Anyways, kanina pa ako nandito sa labas ng bahay ni Risse. Hinihintay ko kasi yung baliw kong kaibigan. Ang bagal bagal mag bihis. Akalain mo yun, ginising ako ng 4 ng umaga. Pano? Pumunta siya sa bahay ko at pinagbabato ng bato yung bintana ko. Na sa may ulo ko pa naman yun. Buti di ko iniwang nakabukas.
Sabi niya may lakad kami na ewan blah blah. Di niya binigay sa akin buong details tas ineexpect niyang alam ko kung saan. Tsaka masyado pa akong groggy para tandaan.
"Hoy, tinawag mo na naman akong baliw!" I just rolled my eyes. Buti naman at nandito na siya.
"Aalis na ba tayo o ipapakain kita sa tigre?"
"Ay sorry naman po madam. Eto na po oh. Nag lalakad na. Maghintay lang, mamya maheart attack ka." Narinig ko pa siyang tumatawa. Loka loka talaga. Hayy.
Binilisan ko na lang ang paglalakad at iniwan siya.
"UYYY, RYLLE NAMAN EHH."
"Who's talking now?" Paki explain kung pano ko natiis kalokohan nitong babaeng to. Kahit ako di makapaniwala eh. I heard her saying something but I can't seem to catch it. Jumbled eh.
"San ba tayo pupunta Risse?" Tanong ko sa kanya. Siya yung nagyaya pero parang naging ako na yun.
"I was thinking since malapit na mag 'exchange' ng students, why don't we visit WCU?" She stated, looking proud and all but I just gave her a bored look.
"Oh yeah, why didn't I THINK of that?" I said, faking excitement. Pero as usual, (may maganda atang nangyari sa bruhang to) di niya na pansin.
"So you woke me up, 2 hours earlier than my morning schedule para lang dito?"
I just let out a sigh. "Eh pano tayo makakapasok? It's like," Tumingin muna ako sa relos ko. "6 in the morning." 8:30 din kasi start ng pasukan nila. Kami naman, mamyang 10 pa kaya we have a lot of time to spare thanks to Risse.
May hinalungkat naman siya sa bag niya tas may nilabas siyang card. Nilapit naman niya ito sa mukha ko habang tinitignan ako ng maiigi.
"See this? This is an exclusive VIP card--"
"So pwede siyang pang bayad ng mga bills ko for a year? Tas pag may extra mag out of town tayo--" bigla naman akong binatukan ng magaling kong kaibigan.
"Sira, tho I like your idea. Anyways, bigay to sa akin ng President nila mismo para daw I can check if there's a problem or something."
"So ginawa ka nilang mayaman na security guard?" Natutuwa ako pagtripan to. Tsaka pabayaan mo na ako, dapat nga nag mamaktol ako since ginising ako ng napakaaga eh. Dapat intindihin niya na ako. Kasalanan naman niya eh. Buti di nagising yung mga kapitbahay.
YOU ARE READING
Forever is Just a Word
Teen Fiction[Taglish] It all started when a six year old Darylle Lopez finds her mom lying on her bedroom floor. Murdered by her one and only dad. She left him, alone. Her father got into jail. And she kept it a secret that only her best friend and cousin knows...