Naramdaman ko na nasa malambot akong higaan. Mabilis akong bumangon mula sa higaan at wala akong makita kahit isa. "Kuya!" tawag ko sa aking nakatatandang kapatid. Ilang ulit ko siyang tinawag pero hindi man lang siya sumasagot.
Ilang sandali lang ay narinig kong bumukas ang pinto. "Bakit ang dilim? Wala akong makita!" narinig kong may tumawa kaya lumingon ako kung saan nagmula yon. "Sapagkat nakapikit ang iyong mga mata." nakapikit ako?
Hinawakan ko ang aking mga mata para malaman kung totoo nga. Hindi nga siya nagbibiro dahil nakapikit nga talaga ako ngayon. Agad kong minulat ang mga mata ko ngunit pumikit ulit ako dahil sa liwanag na nanggaling sa bintana at masakit ito sa mata.
"Kumusta na ang iyong pakiramdam?" wika ng isang babae. Dahan dahan ko na iminulat ang mga mata ko para makita ko ang kanyang mukha.
Napakurap ako ng ilang beses habang iniisip kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon. Napatigil ako nang mapansin kong hindi namin ito bahay. Ang babaeng nasa harap ko naman ay nakasuot ng bestidang mahaba.
"Mercedes, anong nangyayari sa iyo? May nararamdaman ka bang hindi maganda?" nag-aalalang tanong ng babae. Tumabi ito sa akin pagkatapos sinuri niya ang buong katawan ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang ma-realize ko na nakasuot din ako ng baro't saya na katulad sa kanya. WHAT THE HELL IS HAPPENING?!
"Maraming salamat naman at ikaw ay nagising na!" masayang wika naman ng bagong dating na babae. Napakurap ako muli ng ilang beses. Sino naman 'to? Wag niyo sabihin na magkasabwat sila sa mga kalokohang ito?
Katulad ko at ng babaeng unang dumating ay nakasuot din ito ng bestida. May puting balabal naman ito na nakapatong sa kanyang balikat. Isasara na sana niya ang pinto nang may pumasok na naman. Isang lalaki na nakasuot ng puting polo na may mahahabang manggas.
May dala itong gamot na sa tingin ko ay para sa akin. Wala naman akong sakit ah? Hindi kaya drugs 'to? Paano kung drugs nga? Kasi mukha silang mga nakadrugs sa mga kinikilos nila ngayon. Baka gusto nila akong isali sa mga kalokohan nila?
"W-Wag kang lalapit!" kinuha ko ang unan sa tabi ko pagkatapos tinakot ko sila na hahampasin ko sila nito. Nagtataka silang tatlo sa ginagawa ko pero hindi ako nagpa distract sa mga tinginan nila sa akin.
Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Sabihin niyong nananaginip lang ako, please! Maniniwala ako!
Sa vanity table ay may nakita akong matigas na bagay. Kung panaginip lang ito, hindi ako masasaktan kapag hinampas ko ito sa ulo ko. "Aray!" nagulat sila sa ginawa ko kaya mabilis na lumapit ang lalaki para kunin ang bagay na hinampas ko sa ulo ko.
"Bakit mo ba iyon ginawa? Huwag mong saktan ang iyong sarili." wika niya. Anong nangyayari? Ibig sabihin, hindi talaga ako nananaginip?!
Bigla akong natawa sa ginawa ko. Bakit ko nga ba ginawa yon? Kung hindi naman ako nananaginip, sino ang mga taong 'to? Pinagtitripan ba nila ako? Inutusan ba sila ni Charles na i-prank ako ngayon? Hilig niya kasing gawin sa akin yon tapos may secret camera siyang tinatago para makuhaan niya kung gaano ka-epic ang mukha ko kapag na-prank.
"Is this a prank? Where is the camera—" natigil ako sa pagsasalita dahil nagtataka lang silang nakatitig sa akin. Awkward akong napangiti dahil parang kanina pa sila curious kung bakit nagkakaganito ako. Wala? Wala talaga silang ideya sa nangyayari?
"Kailan mo pa natutunan ang salitang iyan?" sabay sabay kaming napalingon sa kapapasok lang na babae. Sa tingin ko ay nasa edad 40 pa lang siya dahil ang bata niya pa tingnan. Medyo may pagkakahawig kaming dalawa.
Parang matured version lang ng mukha ko ang kanyang itsura. Maputi, mapungay ang mga mata at mapayat din siya kagaya ko. Napatulala naman ako dahil hindi ko na talaga sila maintindihan.
Napaisip ako kung ano ang nangyari bago ako magising kanina. Ang huli kong natatandaan ay pinapanuod lang namin ang pagdilim ng kalangitan pagkatapos non ay nadulas ang mga paa ko sa lupa at bigla na lang akong nahulog sa ilalim ng dagat.
May narinig akong boses non pero hindi ko na maalala ang sinabi. May nakita din akong babae na kamukhang kamukha ko tapos nalulunod din ito pagkatapos niyakap niya ako hanggang sa wala na akong maalala dahil nandilim na ang paningin ko.
Inisip kong muli ang itsura ng babae kanina. Nakasuot din siya ng mahabang bestida at mahaba ang kanyang buhok. Sa pagkakaalala ko, hanggang bewang ang kanyang buhok at kulay itim ito.
Dahan dahan akong napalingon sa salamin ng vanity table. Napansin ko ang sarili ko na nakasuot ng mahabang bestida at ang buhok ko naman ay nakalugay kaya kitang kita ko kung hanggang saan ang haba ng buhok ko. Natulala ako nang makita kong hanggang bewang ito.
'Paano nangyari yon? Hanggang balikat lang naman ang buhok ko?'
Pakiramdam ko ay hihimatayin ako ngayon sa kinatatayuan ko. Naguguluhan na talaga ako kung paano ako napunta dito. Napatingin ako sa mga kasama ko ngayon. Gusto kong isipin na isa lang talaga itong panaginip pero hindi talaga dahil totoong totoo talaga na nandito ako.
"Maaari niyo bang sabihin sa akin kung nasaan ako ngayon?" sinubukan kong intindihin ang mga nangyayari pero mas lalo lang akong naguguluhan. "Narito ka sa ating tahanan, aking anak. Ito ang iyong silid. H-Hindi mo ba naaalala?" sagot niya.
Natulala na naman ako sa kanyang sinabi dahil wala talaga akong maintindihan. Ito na, hihimatayin na talaga ako. "ANAK!" mabilis silang lumapit sa akin pero bigla din akong tumayo. "Don't touch me!" pagtayo ko inayos ko ang mahabang bestida na suot ko pagkatapos ay hinanda ko ang sarili ko para sa isang plano.
Kailangan kong makatakas mula sa mga taong ito. Hindi kakayanin ng utak ko kapag nakasama ko pa sila ng matagal dito sa kwartong 'to! "HELP ME!" lumipat ako sa higaan pagkatapos hinagis ko sa kanila ang mga unan.
At dahil tatlong taon na akong Archery Champion, tumatama sa mga mukha nila ang unan na inihahagis ko. Inisip ko na lang na pana ang hawak ko kahit na unan naman talaga.
Sumilip ako sa bintana para malaman kung gaano kataas ang tatalunan ko. Mukhang kaya ko naman siguro itong talunin kahit na may kataasan ito. Buti na lang hindi ako takot sa matataas.
Umakyat ako sa bintana at bago ako tumalon ay, "GOODBYE, PHILIPPINES!" sumigaw ako sa kanila at kumaway na parang isang beauty queen.
Pag landing ko sa sahig, nabalot ng alikabok ang buong paligid. Narinig kong tinawag nila ako sa ibang pangalan pero hindi ko na sila tiningnan pa dahil gusto ko na makatakas sa lugar na 'to.
"That was fun!" natutuwa kong sabi habang ako ay tumatakbo papalayo sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na ito.
Sa hindi kalayuan, nakita ko ang malaking gate na may nakalagay na 'Hacienda Monteverde'. Napahinto ako sa pagtakbo dahil bigla na lang akong nahilo. Napapikit ako dahil pakiramdam ko ay unti-unti na naman dumidilim ang aking paningin.
"Ang Señorita!" napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang kabayong nagwawala at patungo na ito sa akin ngayon. Oh shoot!
Sinubukan kong tumakbo ng mabilis para hindi niya ako masaktan kaya lang bigla na lang akong bumagsak sa lupa. Hindi ko alam kung sino ang taong humila sa akin dahil napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa mahigpit na pagkakayakap sa akin ng lalaki. May itinanong pa siya sa akin habang nakatingin siya sa pulso ko pero hindi ko na narinig dahil tuluyan nang dumilim ang aking paningin.
——————————————————
Use #AThousandYearsWP on any social media account so that i can read your reactions. TY!
— chicksweetcheeks
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionShe's Namy Perez isang matapang at palaban na babae. Everybody loves her because she's good at everything ngunit lahat ng iyon ay nagbago nang magising siya at matuklasan niya na siya ay napunta sa nakaraang panahon. Isang total solar eclipse ang na...