kabanata 3

7 2 0
                                    

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko nang maramdaman kong nakahiga na naman ako sa malambot na higaan. Nandito na naman ako? "I WANT TO GO BACK!" inis kong sigaw habang ginugulo ko ang higaan. Bakit ba kasi hindi na lang nila ako hayaan na makabalik sa amin?

Kasalanan ito ng kabayong iyon. Wala na sana ako sa bahay na 'to kung hindi lang siya nagwala! "AARRGHH! I want to go back!" nanggigigil kong dinurog sa mga kamay ko ang kumot. Hanggang kailan ba ako magdudusa sa lugar na ito?! "Ayoko na! A. YO. KO. NA!!" isa isa kong sinuntok ang mga unan upang ilabas ang galit ko.

Naramdaman kong humapdi ang balat ko banda sa may pulso kaya napatigil ako sa aking ginagawa. Napansin ko ang tatlong babae na kakapasok lang sa pinto. Nakasuot ang mga ito ng kupas na bestida habang may hawak na tela at gamot. Para sa sugat ko siguro ito.

Pero naiinis parin ako kaya sinabunutan ko na naman ang aking sarili. "AARRGGHHH! Gusto ko na lang matapos ang lahat!" at sana naman ay magising na ako pagkatapos kong saktan ng paulit ulit ang sarili ko.

"Señorita, huwag niyo pong saktan ang iyong sarili!" wika ng babaeng maputi ang balat. Pinigilan nila akong tatlo sa ginagawa ko kaya hindi ko na maigalaw ang aking katawan. "Bitiwan niyo nga ako! Ano ba!" nagmumukha na akong babaeng may sapi sa ginagawa nila.

Paulit ulit kong isinisigaw sa kanila na bitiwan ako pero hindi sila sumusunod sa akin. Nakakainis na talaga!

Maya maya'y dumating ang babaeng tinawag akong 'anak' kanina. "Ano bang nangyayari? Dinig ko kayo mula sa kusina." nagtataka niyang tanong sa mga babaeng nakahawak sa akin. Ilang beses itong napakurap nang makita niya ang nangyayari sa amin.

Bumitaw sa akin ang isang babae tapos yumuko siya sa babae. "Doña Veronica, wala rin po akong ideya kung bakit po nagkakaganito ang Señorita." tugon niya. Natigilan ako sa aking ginagawa dahil may isang bagay akong na-realize.

"Nababaliw na nga talaga kayo!" sigaw ko sa kanila. Sinubukan kong kumalas mula sa mahigpit nilang pagkakahawak pero ayaw talaga nila akong bitiwan. "Ano ba! Hindi ko kayo kilala kaya pwede ba lumayo kayo sa akin?!" sinipa ko ang babaeng nasa tabi ko kaya nakatakas agad ako. Pupunta sana ako sa bintana kaya lang may harang na.

"Hindi niyo ako maaaring ikulong dito!" lumapit ako sa bintana para bungguin ito gamit ang aking balikat pero ako lang ang nasaktan sa ginawa ko. "Aw! Damnit, ang sakit!" wala akong nagawa kundi ang maupo sa sahig habang nakatulala sa kawalan.

Naramdaman kong lumapit ito sa akin pero natatakot itong humawak. "Maaari mo ba akong pakinggan?" tanong niya. Umangat ang tingin ko sa kanya kahit na gusto ko ng umiyak.

"Hindi nga kita kilala! Umalis ka sa harapan ko!" itinulak ko siya ng malakas pagkatapos ay tumakbo ako patungo sa pinto. Tatakas na sana ako kaya lang bigla akong na-guilty sa ginawa ko. Hindi ko tuloy alam kung tutulungan ko siyang tumayo ulit o hahayaan ko ang sarili ko na mahuli nila at manatili dito.

Kinakain ako ng konsensya ko. Hindi ko naman kasi talaga ugali ang manakit pero inubos nila ang pasensya ko. Hindi na sana aabot sa ganito kung kanina pa lang hinayaan na nila akong makabalik sa amin. Ano bang mahirap don?

Lumaki akong walang mga magulang. Si Kuya na lang ang kasama ko sa buhay kaya pakiramdam ko napakasama kong tao dahil itinulak ko siya. Ang mga magulang dapat ay minamahal at hindi sinasaktan pero hindi ko naman siya magulang.

Iisipin ko na lang na baliw sila. Pagbukas ko sa pinto, pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bumungad sa akin ang lalaking may katandaan na ang mukha at nakakatakot ang tindig nito.

"Aking kerubin, mabuti naman at nagising ka na." masaya nitong wika. Yayakap na sana siya sa akin pero pinigilan ko siya. Sino naman ito? At saka, anong ibig sabihin ng kerubin? Conditioner ba yon? Yong treatment para sa damaged hair?

"L-Lumayo kayo sa akin! Hindi ko kayo kilala kaya pakiusap hayaan niyo na lang akong umalis!" nagtataka lang silang nakatingin sa akin habang ako naman ay sumasakit na ang ulo dahil sa sobrang stress. Kitang kita mo sa mga mata nila ang lungkot at pagtataka.

Lalabas na sana ako sa pinto kaya lang may napansin ako sa kalendaryo na nasa tabi ng pintuan. Pakiramdam ko ay na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ito. "1875?" mukhang ilang buwan na itong nandito.

"Anak, ano ba ang nangyayari sa iyo? Hindi mo ba kami naaalala?" napalingon ako sa ginang na umiiyak na ngayon mula sa kanyang kinatatayuan. Imposible. Paano ako napunta sa panahon na 'to?

'Posible ba talagang mangyari ang ganitong milagro?'

Magsasalita na sana ako upang sagutin ang kanilang tanong ngunit bigla na lang bumukas ang pinto kaya naman ako ay nauntog at natumba sa sahig. "Aish!" dali dali akong tumayo mula sa pagkakatumba habang masama ang tingin sa lalaking kakapasok lang.

"Mercedes, hindi ko sinasadya. Ako'y nag-alala lamang sa iyo." natatarantang wika niya. Sinuri niya ang ulo ko pero inalis ko rin ang kanyang kamay. "I'm fine." inirapan ko siya pagkatapos umupo ako sa kama. Mukhang wala na akong dahilan para tumakas dito.

"Lucas, ano ang nangyayari sa iyong kapatid? Bakit hindi niya kami maalala?" bakas sa tono ng kanyang malalim na boses ang pag-aalala. Pilit man niyang itago ang kanyang kahinaan, i can still sense it. Hindi ko man naranasan ang pag-aalala ng isang ama, marunong parin naman akong makaramdam.

Pakiramdam ko ay hihimatayin ako anytime. Sumasakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip sa mga nangyayari. Do i really deserve to be here?

I just realized, tinawag akong Mercedes ng lalaking tinawag nilang Lucas. Naaalala ko pa ang pangalan na iyon at hinding hindi ko kailan man inalis sa isip ko ang mga kwento ni Lola tungkol sa kanya. Kung ano ang naging takbo ng kanyang buhay hanggang siya ay mamatay.

Hindi naging maganda ang kapalaran niya sa pag-ibig ngunit naging maganda naman ang takbo ng kanilang negosyo. Marami silang natulungan na mga nagtatrabaho sa kanilang hacienda at nagtuloy tuloy ang pagtulong nila sa mga taong nangangailangan.

"Marahil ay nawala ang kanyang alaala matapos niyang tumalon sa lawa." wika niya habang nakahawak sa kanyang baba at parang may iniisip.

Kahit ako ay napaisip rin nang marinig ko ang sinabi ni Lucas— Kuya Lucas. Naalala ko na mas matanda nga pala siya kaysa sakin. Tumalon sa lawa ang tunay na may ari ng katawan na ito sa anong dahilan? Bakit niya tinangkang magpakamatay?

Ang sakit naman nito sa ulo. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin. Tuwing iniisip ko ang mga nangyayari ay mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Ganito pala ka-stressful 'to.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pagkatapos ay hinaplos niya ako sa aking buhok. "Magpahinga ka na lamang muna upang manumbalik ang iyong lakas. Kung kailangan mo kami ng iyong Ama, utusan mo si Crisanta upang ipatawag kami." malungkot itong tumingin sa mga mata ko at pagkatapos ay hinalikan na niya ako sa noo. Ganon din ang ginawa ng kanyang asawa bago sila tuluyang lumabas sa kwarto kasama si Kuya Lucas.

Pagkalabas nila ay inalalayan akong humiga ng babaeng nakasuot ng kupas na bestida. Ngumiti lang ito sa akin pero hindi ko siya magawang ngitian pabalik dahil wala ako sa mood upang gawin ko iyon. Kailangan kong malaman ang lahat kung bakit nandito ako sa panahon na ito.

Sa pagkakaalala ko, hindi naman ako nakipag usap sa mga engkanto. Hindi ko gustong magtagal sa panahon na ito kaya gagawa ako ng paraan para malaman ko ang lahat ng mga dapat malaman. Hindi kakayanin ng utak ko kung mananatili pa ako sa panahon na ito ng matagal.

'For now, I need to act as Mercedes para hindi sila maghinala sa akin.'

Wala rin namang maniniwala kung sasabihin ko sa kanila na paggising ko nandito na ako sa katawan na 'to.

-------------------

author: Hi! Thank you dahil nakaabot kayo hanggang sa kabanata na 'to. Salamat po sa pagbabasa <3

Use #AThousandYearsWP on any social media account so that i can read your reactions. TY!

- chicksweetcheeks

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon