Narito ako ngayon sa tapat ng binata. Pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas. Ilang araw na akong nandito sa kwarto at nakakulong pero wala namang nangyari sa mga nakalipas na araw dahil puro kain, tulog at pag-iisip lang tungkol sa mga nangyayari ang ginawa ko.
Kahit na nangangawit na ang mga binti ko sa pagtayo ko dito sa bintana, wala parin akong plano na umupo dahil natutuwa ako sa mga batang naglalaro sa labas. Masaya silang nakikipag habulan sa kanilang mga kalaro habang ang mga magulang naman nila ay nakangiti lang sa kanila. Nakakamiss bumalik sa pagkabata.
Tirik na tirik ang araw sa kalsada ngayon pero hindi mo mapapansin sa mga tao na naiinitan sila. "Señorita, nais mo bang lumabas upang magpahangin?" nakangiti niyang tanong sa akin. Lumingon akong muli sa bintana upang masdan ang mga bata. Gusto ko bang lumabas?
"May gusto sana akong puntahan. Maaari mo ba akong samahan?" gusto kong pumunta ngayon sa simbahan. Hihingi lang ako ng tulong sa kanya dahil alam kong siya lang ang tanging makakatulong sa akin. "Sasamahan kita kahit saan, Señorita." nakangiti niyang wika. Bakit kaya kanina ko pa napapansin na parang kanina pa siya masayang nakangiti?
Hindi ko naman masasabing inlove siya dahil hindi ko naman makita sa mga mata niya. "Mukhang masaya ka yata?" tanong ko habang naglalakad kami patungo sa salas. Nakakamangha dahil ang lawak ng bahay na 'to at masasabi mo talagang sila ay mayaman.
Nang makababa kami sa hagdan, huminto ang mga babae sa kanilang ginagawa upang yumuko at bumati sa akin. Medyo nakakailang dahil hindi naman ako sanay sa ganito. Kahit nga ang pagtawag nila sa akin ng 'Señorita' ay nakakailang talaga.
Siguro kailangan ko na sanayin ang sarili ko habang nandito pa ako. Hindi rin naman ako magtatagal dito dahil alam kong makakahanap agad ako ng paraan para makabalik. Ayoko na magtagal pa dito dahil hindi naman ako nababagay dito.
Pagkalabas namin ni Crisanta sa bahay, may yumuko at bumati ulit sa akin. Tanging ngiti lang ang iginanti ko sa kanila dahil ayaw kong ipakita sa kanila na naiilang ako. Sa harap namin ay may nakahintong kalesa kaya naman sumakay agad kaming dalawa.
"Saan po tayo, Señorita?" tanong ni Crisanta. Inayos niya ang suot kong baro't saya pati na rin ang aking buhok. "Sa simbahan tayo." tugon ko. Agad naman pinatakbo ng kutsero ang kabayo kaya kinabahan ako.
Ito pa lang kasi ang unang beses kong sumakay sa kabayo. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti habang umaandar ang kalesa. Ganito pala ang pakiramdam ng sumakay sa kalesa? Napansin kong nakatingin sa akin si Crisanta kaya agad akong sumimangot. Baka kasi isipin niya, ignorante ako.
Itinuon ko na lang ang aking paningin sa paligid. Tirik na tirik ang araw pero maraming nagtatrabaho sa kalsada para lang may maipakain sila sa kanilang pamilya. Hinding hindi ito nalalayo sa kasalukuyang panahon dahil hanggang ngayon ay may ganito parin. Nakakatuwa rin dahil wala kang makikitang kalat sa paligid.
Ang mga tao ay masaya lang na nakangiti sa isa't isa at hindi mo makikita sa mga mata nila na sila ay nahihirapan. Siguro nga malaki ang naitutulong ng pamilya Monteverde sa mga tao dito. Sayang lang dahil nasira ang iniingatan kong libro na nagmula pa sa panahon na ito.
Matanda na kasi ang libro na yon kaya kaunting pagkakamali lang ay masisira na kaagad ito. "Señorita, malapit na tayo sa simbahan ng San Agustin." napatingin ako sa hindi kalayuan kung saan nakatayo ang isang magandang simbahan. Parang familiar sa akin ang simbahan na ito.
May naaalala ako sa lugar na ito. Parang pumunta na kami dito noon ng mga kaibigan ko pagkatapos mag camping sa paborito naming lugar.
Nang ihinto ng kutsero ang kalesa, mabilis itong bumaba upang alalayan ako sa aking pagbaba. Hindi parin talaga ako sanay sa ganitong pagtrato. Siguro kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Pakiramdam ko tuloy isa akong Very Important Person.
Hindi ko tuloy maiwasang matawa habang iniisip ko iyon. "Señorita, iba talaga ang pagmamahal niyo kay Ginoong Rafael. Makita mo lamang ang simbahan na ito, sumasaya ka kaagad." mapang-asar itong ngumiti sa akin pagkatapos ay tinusok niya ako sa tagiliran. "Crisanta, hindi ko kaya kilala ang taong tinutukoy mo."
"Pag-usapan natin ang bagay na iyan mamaya, Señorita. Sa ngayon po ay isipin muna natin ang dahilan kung bakit po tayo naparito sa simbahan." mahinhin itong tumawa pagkatapos ay naging seryoso na ulit siya.
Napailing na lang ako sa kanya habang kami ay naglalakad papasok sa simbahan. Iba talaga ang mararamdaman mo sa paligid sa oras na makapasok ka sa loob ng simbahan. Ibang iba sa pakiramdam kapag ikaw ay nasa labas ng simbahan.
Pagpasok namin ni Crisanta, lumuhod agad ako at nagdasal. Ipinagdarasal ko na malaman ko agad ang dahilan kung bakit ako napunta sa panahon na ito. Humingi ako ng tulong sa kanya kung paano ko malalaman ang dahilan kung bakit napunta dito at mahanap ang daan pabalik sa kasalukuyan.
Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin. Humingi ako ng sign sa kanya at ang susunod ko na lang na gagawin ay ang magtiwala sa kanya.
Pagkatapos kong magdasal, lumabas na rin kami ni Crisanta. "Señorita Mercedes," tinawag niya ako kaya lumingon agad ako sa kanya. "Alam mo ba, napuno ng takot ang aking dibdib nang malaman kong sinubukan mong magpakamatay sa lawa ng agos." mahabang litanya niya.
"Anim na taong gulang ka pa lamang ako na ang nag aalaga sa iyo. Itinuring na kita na tunay kong kapatid kaya masakit para sa akin kapag ikaw ay nawala." hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kirot sa aking dibdib. Siguro nararamdaman ko ang nararamdaman ni Mercedes ngayon.
Napakaswerte niya sapagkat may taong nag-aalala sa kanya. Anong dahilan kung bakit niya nagawang magpakamatay? Hindi pa ba siya nakokontento sa kung ano ang ibinigay sa kanya? Punong puno ng pagmamahal si Crisanta sa kanya at ang mga magulang naman niya ay ganon din. Ano pa ba ang kulang?
May isang bagay akong na-realize. Hindi kaya konektado ang pagtalon niya sa lawa at ang pagkahulog ko sa bangin? "Binibini, maaari ko bang mahawakan ang iyong kamay?" napalingon ako kung saan nanggaling ang boses ng isang matanda.
Kulubot na ang mukha nito pero makikita mo parin na ang lakas parin niya. Parang hindi mo siya makikitaan ng panghihina sa katawan. Hindi ba't ang mga matatanda mabilis mapagod?
"Señorita, umalis na po tayo." bulong ni Crisanta sa gilid ko. Hihilain niya na sana ako pero pinigilan ko siya. "Pakiusap, nais ko lang makita ang iyong palad." wika ng matanda. Nakangiti kong tiningnan si Crisanta pagkatapos ay hinila ko siya palayo ng kaunti lang sa matanda.
"Hintayin mo na lang ako doon." itinuro ko ang puno sa tabi ng kalesa kaya agad naman siyang napatingin doon. "Señorita, hindi kita maaaring pabayaan sa kanya. Malalagot ako kay Don Emillo sa oras na may mangyari na naman sa iyong masama."
Inhale. Exhale. Masanay ka na sa ganitong klase ng buhay habang nandito ka pa. "Sige, hintayin mo na lang ako dito sa iyong kinatatayuan. Ako ang bahala kay Papa— este kay Ama." mabilis naman siyang pumayag kaya lumapit na ako agad sa matandang babae.
Ibinigay ko agad sa kanya ang aking kamay nang makabalik ako sa kanyang harapan. Nakakunot lang ang noo nito habang tinitingnan niya ang palad ko. Parang may binabasa siya sa kamay ko kahit wala namang nakasulat.
So Weird. Siya na kaya ang ipinagdasal ko kanina sa loob ng simbahan? "Kanina ko pa nararamdaman na may kakaibang enerhiya sa iyong katawan." napahawak ako sa buong katawan ko para malaman kung totoo nga ang sinasabi niya. Wala naman akong nararamdaman na energy na kakaiba sa katawan ko.
Hindi kaya may magic siya? "Ikaw ay hindi nagmula sa panahon na ito, tama ba ako?" nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Parang na-estatwa ako sa aking kinatatayuan dahilan upang manghina ang mga tuhod ko.
"P-Paano niyo po n-nalaman?"
———————————————————
author: OMG! HELLO! Anong masasabi niyo sa kabanata na ito? Comment your thoughts about this <3
Use #AThousandYearsWP on any social media account so that i can read your reactions. TY!
- chicksweetcheeks
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Historical FictionShe's Namy Perez isang matapang at palaban na babae. Everybody loves her because she's good at everything ngunit lahat ng iyon ay nagbago nang magising siya at matuklasan niya na siya ay napunta sa nakaraang panahon. Isang total solar eclipse ang na...