kabanata 5

9 1 2
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinatatayuan ko. Ang hirap isipin na ang mga bagay na ito ay nangyayari sa akin ngayon. Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip ng mga sinabi niya. Walang ibang daan upang makabalik ako sa tunay kong panahon.

Ang kailangan ko lang gawin ay baguhin ang kapalaran. Paano ko iyon babaguhin kung wala naman akong super powers para mabago ko ito. Aish! This is so frustrating.

Pagkatapos namin mag-usap ng matandang babae kanina, bigla na lang itong naglaho na parang bula. Hindi ko napansin ang kanyang pag-alis dahil bigla na lang akong natumba mula sa aking kinatatayuan.

Ang sarap hilingin na sana isa na lang itong panaginip. Kung hindi ako nahulog sa bangin, mapupunta parin kaya ako sa panahon na ito? Kasalanan ko din naman kung bakit ako nahulog sa bangin. Hindi kasi ako nag-iingat.

Sabi pa niya wala na raw akong ibang magagawa kundi ang tanggapin na lang ang nakatadhana. Ngayong nangyari na, ang kailangan ko na lang gawin ay baguhin ang kapalaran ni Mercedes at maaari na akong makabalik.

Ang problema lang, hindi ko alam kung anong kapalaran ang babaguhin ko. Hindi na lang kasi ibinigay sa akin yong hint para mapadali na lang.

Anong kapalaran ba? Kapalaran sa pamilya? Kapalaran sa pag-ibig? Aish!

"Señorita, mayroon po kayong panauhin na naghihintay sa baba." agad akong huminto nang marinig kong nagsalita si Crisanta. Lumapit ito sa akin pagkatapos ay dahan dahan niya akong hinala papunta sa harap ng salamin at pinaupo.

Sino naman ang panauhin na yon? Ilang araw na akong tumatanggi na magpakita sa mga taong dumadalaw dito dahil sa takot na baka magkamali ako ng sasabihin sa harap nila. Kahit na ang alam nila ay wala akong maalala kahit isa sa kanila, natatakot parin akong magkamali.

Siguro kailangan ko muna kilalanin kung sino ang panauhin na tinutukoy niya. "Sino ang naghihintay sa akin sa baba?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang suklay sa gilid tapos inayos niya ang pagkakapusod sa aking buhok.

"Si Señorita Clarisa Capistrano po, Señorita." tugon niya. Ipinagpatuloy na ulit niya ang pag-aayos sa aking buhok at nilagyan niya pa ito ng gintong payneta pagkatapos ay nilagyan niya ako ng pañuelo na mukhang itinahi pa sa gintong sinulid. "Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang ugali niya?" mabilis naman itong tumango.

"Si Señorita Clarisa po ay mukhang mabait ngunit siya ay mapagmataas. Hindi niya ito ipinapakita sa kahit na sino dahil alam niya ang mangyayari." napa-ahh na lang ako sa kanyang sinabi pagkatapos lumabas na kami sa kwarto upang magtungo sa kinaroroonan ni Señorita Clarisa.

Pagdating namin sa sala, naamoy ko agad ang mabangong pagkain na niluluto sa kusina. Bigla tuloy akong nagutom at parang gusto kong magtungo roon upang kumain. Ilang araw ko na rin kasing tinatanggihan ang pagkain na ibinibigay nila sa akin dahil wala talaga akong gana kumain nong mga araw na yon.

Kumain naman ako kanina pero kaunti lang. "Narito na po si Señorita Mercedes." wika ni Crisanta. Nakayuko lang ito habang siya ay nagsasalita. Sa harap ng altar ay nakita ko ang babaeng nakasuot ng pulang baro't saya. Napansin kong mas lalong yumuko ang ulo ni Crisanta nang humarap ito sa amin.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Mercedes." dahan dahan itong lumapit sa akin pagkatapos ay tiningnan niya ng masama si Crisanta. "Nais kong paalisin mo siya sa aking harapan. Hindi ko nais na marinig niya ang ating pag-uusapan." mataray nitong wika.

Bago pa ako makapagsalita upang sabihin sa kanya na hintayin na lang niya ako sa malayo, umalis na agad siya. Tama nga ang sinabi ni Crisanta. Mukha nga talaga siyang mabait pero masama pala ang ugali niya. Sayang naman ang kanyang kagandahan kung maitim naman ang budhi niya.

"Nabalitaan ko ang iyong ginawa." bakas sa tono ng kanyang pananalita na siya ay masaya. Ganito ba siya ka-demonyita? Masaya siya na miserable ang mga taong nasa paligid niya? "Alam kong alam mo na kung bakit hindi ka niya kayang mahalin, Mercedes kaya bakit itutuloy niyo pa ang kasal niyong dalawa?"

Bagay na bagay talaga sa kanya ang suot niyang pulang baro't saya dahil kasing tapang nito ang kanyang ugali. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Bakit hindi mo na lang kausapin ang aking Ama?" kung patarayan din naman ang labanan, hindi ako magpapatalo sa kanya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya saka ko siya tinitigan sa mata. Hindi siya nagpatalo sa akin at mas sinamaan niya pa ang pagtitig sa akin.

"Lumabas din ang tunay mong ugali, Mercedes. Matagal ko na itong hinihintay na makita mula sa iyo." nakangisi itong umiwas ng tangin sa akin. Ang sarap burahin ng mukha niya ngayon. "Huwag kang mag-alala, matagal tagal mo pa itong makikita sa akin kaya sulitin mo na." tinaasan ko siya ng kilay bago ko siya iniwan ng mag-isa sa salas.

Aakyat na sana ako kaya lang may biglang humila sa akin palabas ng bahay. Narinig kong tinawag nila itong Rafael ngunit hindi sila pinakinggan nito dahil patuloy parin ito sa paghila sa akin. Maya maya'y huminto kami sa isang hardin na punong puno ng mga makukulay na bulaklak.

Namangha ako nang makita ko ang mga magagandang bulaklak. Ngunit naalala ko na may humila nga pala sa akin dito kaya mabilis ko siyang tiningnan.

"Nagtungo ang iyong Ina sa aming tahanan nong nakaraang linggo, sinabi niya sa akin kung ano ang nangyari sa iyo. Kumusta na ang iyong pakiramdam?" hindi ko alam kung nag-aalala ba siya o nagagalit dahil sa kanyang tono ng pananalita. "Ayos lang ako." tipid kong sagot.

"Pasensya ka na kung hindi tayo nakapag usap nong huli tayong magkita. Umalis na rin ako pagkatapos kitang maibalik sa inyong tahanan dahil may kinailangan pa akong puntahan." paliwanag niya. Hindi ko alam bakit hindi ako makapagsalita.

Kanina ko pa tinititigan ang kanyang mukha. Parang nagkita na kasi kami pero hindi ko lang maalala kung saan. Saan ko nga ba huling nakita ang taong ito? Naaalala ko ang makapal niyang kilay at ang malungkot niyang mga mata. Nagkita na ba kami?

Habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanya, nararamdaman ko na naman ang kirot sa aking dibdib. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Ngayon pa lang naman kaming dalawa nagkita. Posible kayang narito pa sa katawan na ito ang kaluluwa ni Mercedes kaya ganito ang nararamdaman ko?

"Oo nga pala, nong magtungo ang iyong Ina sa aming tahanan, sinabi niya sa akin na huwag na lang natin ituloy ang kasal." napatingin ako sa kanyang sinabi. Ibig sabihin, siya yong lalaking tinutukoy ni Clarisa kanina?

"Hindi dapat matuloy ang kasal." dahil hindi naman ako ang tunay na Mercedes. Hindi ko rin naman hahayaan na maikasal ako sa lalaking hindi ko kilala. "Ano ang nais mong iparating, Binibini?" naguguluhan niyang tanong.

"Hindi ba't ito rin naman ang iyong nais mangyari? Alam kong hindi ako ang tinitibok ng iyong puso kaya huwag na lang natin itong ituloy."

Baka ito ang sinasabi ng matandang babae na kapalaran na kailangan kong baguhin. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang tunay na tinitibok ng puso niya, basta ang mahalaga ay huwag itong matuloy.

'Kailangan kong pigilan ang kasal. Baka ito ang kapalaran ni Mercedes na dapat ko baguhin.'

———————————————————

author: please vote kung nagustuhan niyo po ang chapter na ito. Thank you ng marami sa inyo! <3

Use #AThousandYearsWP on any social media account so that i can read your reactions. TY!

- chicksweetcheeks

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon