Part 3: First Kiss 2

304 14 0
                                    


alam ninyo yung feeling na para kang bato na ginawang image ng isang tao? yung tipong parang wala ng nagfafunction sa mga organs ung bang tuyung-tuyo na dahil wala ng blood na dumadaloy at nasa (-) degrees C. na ang buong paligid... Ganyan ang aking naramdaman ng imulat ko ang aking mata.. And after a seconds, bumalik na ako sa tamang mundong aking ginagalawan at kahit hindi ko kayang tanggapin, wala na akong magagawa ..

Ang first kiss na sana ay para sa aking minamahal ay nakuha na ng isang ordinaryong high school kid

Flashback..
after kaming gambalain ni kuya guard sa first kiss attempt ay may second attempt pa.. pero nang pumikit na ako ay biglang may kumatok na naman sa window ng driver sit at dahilan upang imulat ko ang aking mata at muling nakita ang pag-mumukha ni kuya guard na nakakabadvibes, sobrang badvibes dahil sa naistorbo-ko-ba-kayo-smile niya na abot hanggang sa kanyang ulong walang buhok .. si Harl naman ang napalayo sakin at binuksan ang window.. sabi ni kuya guard "bro, pwede mo na ulit ibalik yung sasakyan kong saan ka nakapark kanina".. dahil sa sinabi niyang yun, parang gusto kong lumabas at ingudngud siya sa window para tuluyan ng dumikit ang kanyang mukha sa window..pero sympre good girl ako kaya hanggang sa isipan ko nalang yun.. Ngumiti lang si Harl at umalis na din si kuya guard.
Dahil sa 2 first kiss failed, narealize ko na signs un ni God na hindi pa ako ready so nagpaalam na ako kay Harl at bumaba na ng car niya..
Kahit failed yung first kiss ko, sobrang kilig parin ako noh.. feeling teenager lang ako kaya naman lagpas hating-gabi na ako nakatulog .. At dahil sa hindi nagring ang aking tunog barko na alarm, 7 am na akong nagising. Wala na akong magawa kundi maligo ng mabilis at hindi na kumain ng breakfast. Nasa dulo na ako ng pila pagdating ko sa may sakayan ng train. So ang bagsak ko?standing lang naman. Sa kagandahan kong to, wala man lang gentleman na nag offer ng seat. especially itong nasa harap ko na high school boy na nakaheadphones at parang walang balak mag offer ng seat.. Antok na antok pa ako kayat naisipan kong matulog muna ng saglit. Nakarinig ako ng ingay kayat nagising ako. Pero bago ko pa imulat ang aking mga mata ay naramdaman kong may tumulak sa aking likuran at dahilan upang ako ay mawalan ng balance at mapatumba sa aking harapan.. Ramdam kong parang may mali sa aking katawan at sa aking sarili.. Hanggang sa narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid, naramdaman kong may mali sa lahat. Kayat nang imulat ko ang aking mata, ang dating init na aking nararamdaman ay napalitan ng lamig. Dahil ang aking labi ay nakadikit sa labi ng isang lalaking ni minsan ay hindi ko pa nakita..

end of flashback...

Napahawak si Cindie sa kanyang labi at tinulak ang high school kid na nagnakaw sa kanyang first kiss. Agad din siyang tumayo at inayos ang sarili..
"walang hiya ka".sabi ni Cindie sabay hampas sa balikat ni high school kid ."bakit mo ako hinalikan hah?anong balak mo sa akin"?

"excuse me po tita, wala po akong balak sayo. saka from the first place, ako itong naka-upo at bigla mo nalang akong hinalikan". sagot naman ni high school kid

"anong ako? may tumulak sa aking likuran kayat napatumba ako. at tsaka kong wala kang balak sa akin, dapat tumayo ka na agad ng nakita mong matutumba na ako".

"ayy. ang OA mo naman tita. saka kasalanan ko bang mahina at mabagal ang functioning ng aking mechanoreceptors"? sagot ni high school kid sabay tayo

napaattras si Cindie pero "kahit anong sabihin mo, may balak ka parin sa akin. So ano balak mo sa akin?why did you steal my first kiss"? mataray naman niyang tanong

tumawa si high school kid ng sobrang lakas "anong sabi mo tita? first kiss? sa tanda mong yan, wala ka pang first kiss? haha"

"bastos kang bata ka. makatawa ka naman... close tayo ganun? che" nabwibwisit na sagot ni Cindie at agad naglakad palabas ng train

First Kiss(Age, does it matter?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon