Jaz
_______I MAY HAVE not live this long for nothing.
Since I was a child I was secluded to everyone. Itinago ako ni mommy ng maraming taon sa tunay kong daddy, tapos kung kailan nakilala ko na siya at nangakong hindi na niya kami iiwan saka naman ako nagkasakit.
Ipinanganak akong mahina ang puso. Sabi nila granny at pappy, my mom went through a lot of pain and stress kaya nahirapan siya talaga sa pag bubuntis sa akin. One factor that may add up to that was my dad. Hindi niya kasi alam noon na nasa tummy na ako ni mommy when they are still not okay.
All my life, I was destined to fight. I fight when I am still in my mommy's tummy. I fight along with mom to claimed our happiness when we had daddy.
At ngayon, I will still fight eventhough my heart keeps telling me to give up.
"D-dad..." kahit na mahina at walang lakas na ang tinig ko, still my dad heard me. Agad itong nagtaas ng tingin mula sa pagkakayukyok sa hospital bed which I'm lying. AGAIN.
Mabibilang ko lang ata ang mga araw na nagtagal ako sa tunay na bahay namin, kasi sa seventeen years ng buhay ko. Hospital na ang second home ko. I'm not complaining. Malakas ata ang fightng spirit ko. I was born to become a fighter.
"Hey, baby doll. How do you feel right now?" ang ganda ng ngiti ng daddy ko sa akin. But I know it didn't reach to his eyes.
Hindi ko ba nasabi na napaka-guwapo ng daddy ko?
Well, siya lang naman si Dr. Jed Marco Lopez. Ang kinikilalang one of the best Oncologist ng Pilipinas. Hindi na yata mabilang kung ilang beses siyang na-nominate as the best doctor sa bansa and even in other countries. Ganun ka-popular ang daddy ko. At bukod sa matalino at magaling na doctor, sobrang pogi pa niya. Sabi nga nila Tita Amanda, mana daw ako sa kanya eh, naniniwala ako doon. At para sa akin siya ang pinaka—The Best na Daddy!
"I f-feel fine, D-dad." masuyo kong hinawakan ang pisngi niya, "W-where's mom?"
"She's outside, kinakausap lang niya ang Tito Lindon mo." he gave me a quick smile bago napalitan ng malungkot na titig. Kasabay noon ang pagpasok naman ni mommy ng room. Agad niya akong binigyan ng masuyong ngiti, but like my daddy. Hindi rin umabot ang mga ngiting iyon sa mga mata niya.
"Hey, baby..." agad na nakadaluhong ang mommy ko sa tabi ko saka hinaplos-haplos ang buhok ko.
Cassiedy Hopkins-Lopez. The once famous ramp model. Kinalimutan niya ang kislap ng entablado mula ng ipanganak ako. Marami na siyang isinakripisyo alang-alang sa kaligayahan ko. At ngayon, seeing her sorrow. Kahit hindi niya sabihin, alam kong sobra-sobra na ang pagpapahirap ko sa kanya.
"Mom, I'm not a baby!" nilakipan ko ng katarayan ang boses ko na agad namang tinawanan ni daddy. Nahawa na din ako kaya tumawa na din si dad and mom also ride along.
Habang tumawa ay pinagmamasdan ko sila. My dad and my mom. Oh, hell! I missed those days na nakikita ko silang ganyan kasaya. I missed the times na nakakasama ko sila sa pag pi-picnic kasama sila Tita Amanda, Tita Freya at Tita Mira. I missed Sam, Roni, Jako, Dean ang kambal na sila Vince at Vander, pati si Kai, ang dalawa ko pang kapatid na sila Alvis at Liv.
"I will...m-miss your smiles." hindi ko namalayan na naisatinig ko ng malakas sa kanina.
Namutla si mommy, ang kaninang masayang mga mata ay napalitan na naman ng kalungkutan. Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa nakita ko.
"Don't say that, princess. P-please?" May nginig sa boses ni daddy at pagkatapos noon ay naging isang guhit na lang ang kanyang bibig sa pagkaseryoso.
Ako lahat ang may kasalan kung bakit sila nagkakaganyan. Kung bakit hindi sila masaya. Napapabayaan na rin nila sila Kyle at Kisza dahil sa akin. Mas inuubos nila ang oras at lakas nila para sa akin.
Ayoko na.
Minsan, kahit na palaban ka makakaya mong bumitiw para itigil na ang pag hihirap ng mga taong mahal mo.
"I...I love you b-both." sa mahina kong tinig habang hinihila ng dilim ang mga mata ko papikit.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
A/N
Iba ang atake ng istorya ni Jazsmine. Maraming twist and turns simula pagkabata hanggang present times. Mas madami ring drama at susubukan din nating lagyan ng aksyon para kumpleto's rekados.
Book cover by: @chikafujjjy
Ms.Therapeutic*
BINABASA MO ANG
Heart of Mine
RomanceSG: 2nd Ano ang mas mabigat? Ang mag mahal ng lubos o ang mahalin ka niya ng lubos? Ano ang mas masakit? Mahalin mo siya kahit na may mahal pa siyang iba, o ang mahalin mo siya dahil alam mong balang araw mapapansin ka din niya. Two hearts equals on...