5

13.5K 324 7
                                    




Jazs
______

ALINLANGAN man ay tinanggap ko na rin ang isang tasa ng gatas mula sa kanya.

"T-thanks," pagkasabi ko non ay saka ako sumimsim. The warmth I felt soothed and calmed my clouded mind.

Iniwan niya ako sandali sa living room kaya malaya kong napag masdan ang condo unit niya. Maayos sa gamit si Railey. Ordered ang mga kasangkapan na halos pulos black and white ang kulay. Malaki rin ang space ng unit niya para sa tulad niyang nag iisang anak.

Napatikhim ako saka napatitig sa hawak kong mug ng gatas. Hindi ko lubos maisip na aabot na si Jako sa pag gawa ng kagaguhan na ganito para lang kay Sam. Mabuti na lang at naki-ayon ang tadhana sa akin at least hindi ako masyadong nahirapan at nag mukhang trying hard para lang hindi makapunta ng party si Railey.

"How's your leg, now?" napaangat ako ng tingin sa kanya saka lang natulala ng makita ang itsura niya. Natanggal na ang kaninang coat nito at pati na rin ang pang loob niya. Naka topless siya at kitang-kita ng dalawang nag luluwaan kong mga mata ang ganda ng hubog ng katawan niya.

"B-bakit? B-bakit ganyan ang...ayos mo?" hindi ko malunok ang laway ko habang nag sasalita. Wala ring tigas ang pag kakasabi ko non. Nakakahilo naman kasi eh, hindi ko alam kung saan ko ipapaling ang tingin ko. Sa kisame ba o sa kahali-halinang katawan niya?

"As if hindi mo pa ako nakikitang hubad, Keira." pilyo nitong sabi saka umuklo sa harapan ko. Napangiwi ako ng bumalik na naman sa akin ang naging tagpo sa room ko noong pangalawa naming pag kikita na nakapag patayo ng balahibo ko.

"T-teka, s-sandali anong ginagawa mo?!" nahindik ako ng lumuhod siya sa harapan ko at saka inangat ang natapilok kong sakong. "No. H-huwag na—Ouch!" naluluha kong sigaw ng maramdaman ko ang pag diin niya sa parteng iyon ng paa ko.

"We need to treat that damn sprain, babydoll." titig na titig niyang sabi sa akin tapos ay saka inumpisahang dampian ng ice pack ang paa ko.

Nakatulong ang lamig na nagmumula sa yelong idinantay nito para pamanhidin ng tuluyan at mawala ang kirot sa paa ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang hindi maipaliwanag na init sa katawan ko na hatid naman ng pag dantay ng mga kamay ni Railey sa balat ko. Sa maiksing panahon na nakita ko at nakasama si Railey, nagagawa niyang sirain ang magandang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman kung bakit ganun na lang kung makapag-react nito sa tuwing nakikita siya.

"I-I'm sorry..." nahihiya kong sagot. He glanced at me and smirked.

"For what?" Taka nitong tanong.

"F-for trapping you now? Here? Hindi ka tuloy nakapunta sa anniversarry party." Okay. Nakukunsensya na ako, aminin ko man sa hindi. Sa nakikita ko kay Railey, at sa pag tulong niya sa akin na kahit medyo hindi maganda ang trato ko sa kanya sa duration ng pagtigil niya sa bahay namin, hindi niya ako natiis na hindi tulungan.

Nagkibit-balikat lang siya sa sinabi ko saka inabala ang pag hilot at pag lagay ng yelo sa na-sprained kong paa.

"Don't feel guilty, you're just doing your friend a favor."

"A-anong sabi mo?" nagtaka ako kung bakit iyon ang nasabi niya. Nag angat lang ito ng tingin sa akin na may seryosong anyo.

"Sa susunod, kung gusto ako ni Jako na huwag makipag kita kay Sam, tell him to confront me hindi iyong gagamitin ka niya para lang sa pansariling interest. I don't like using woman." matigas niyang turan. Napanganga ako at hindi nakapag salita.

Heart of Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon