Jazs
______NAKASIMANGOT pa rin ang mukha ko na dumulog sa hapag kainan. Bakit wala man lang nag inform sa akin na dito tumutuloy ang hinayupak na guwapong nilalang na ito? At talagang sa kuwarto ko pa talaga siya natutulog?!
"As I have said a while ago, babydoll. Railey is your childhood friend. Kung hindi mo natatandaan siya yung nakahanap sayo nung mawala ka." napatango na lang ako kay daddy. Three times na nga niya yata binanggit iyang kuwento na iyan sa araw na ito.
Lihim kong pinag masdan ang lalaking tinutukoy nilang childhood friend ko. Sarap na sarap siyang ngumunguya sa mga pagkaing niluto ng mommy ko.
Kapal. PG lang...
Actually, hindi ko masasabing childhood friend ko siya. Porke ba nakita niya akong nawawala sa park kaibigan ko na siya? E, after nga ng insidenteng iyon never ko na siyang nakita ulit eh. Tapos ngayon, iginigiit nilang lahat na mag kababata kami? Anu ba?!
Ito? Itong lalaking, brown ang mga mata na may matangos na ilong at may manipis at pinkish na labi? Itong may six pack abs na ito at may makapal at hot na bigote, childhood friend ko? No way!
Agad akong nag bawi ng tingin ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Yung puso ko feeling ko lumulundag sa excitement sa simpleng pag titig niya sa akin. Langya!
Nakakainis! Bakit ba ganito na lang ka-eksahirado ng tibok ng puso ko?
Muli ko siyang tinignan pero parang luluwa na talaga ang pusong ito ng kindatan niya ako. Walanghiya! Sa sobrang hiya ko napasubsob na lang ako sa kinakain ko at hindi ko namalayang naubos kong lahat ang pagkain sa plato ko.
"Hindi ko alam na inampon na pala ni daddy ang lalaking iyon." puno ng pang uuyam na tanong ko ng maiwan kaming mga babae sa kitchen para mag linis ng mga plato.
"Jazs, it's not what you think. Railey is a nice man. Tumutulong siya sa daddy mo sa mga negosyo ng pamilya." iyon ang paliwanag ni mommy sa akin pero hindi ko magawang maniwala. Duda ako sa kapal ng bigote niya.
"He's daddy's ex-girlfriend's son ate." nanlaki ang mga mata ko sa tsismis na shinare ni Liv sa akin.
"Mom!" napamaang ko na sabi pagkaharap ko sa kanya. Pero hindi man lang siya natinag sa pag pupunas ng mga nalinis na baso. "Why did you let him come inside our house pano kung...papano kung—"
"Walang kasalanan si Railey kung naging anak man siya ng ex-girlfriend ng daddy niyo."
"Is he...is he's d-daddy's?" hindi ako makakuha ng maayos na term sa gusto kong itanong sa kanya. Paano kung anak pala siya ni daddy sa babaeng iyon?
"No! Of course not, princess. Hindi siya anak ng daddy niyo!" irap na sagot ni mommy sa akin.
Nakakainis. Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon? Bakit naisip kong magagawa ni daddy kay mommy ang mag taksil?
"P-pero bakit? Bakit siya malapit kay dad?" naguguluhan pa rin kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi mag taka. Bakit sa dinami-dami ng puwedeng makisosyo sa negosyo namin, bakit si Railey Cervantes pa?
"Your dad has a special bond with Railey, kahit noon pa. He treated him as his own son. Masyadong kumplikado ang kuwento na iyon anak...Ah basta! Ngayon, Railey is part of this family." matapos sabihin iyon ni mommy, naiwan kaming dalawa ni Kizsa na puno ng katanungan sa isa't-isa.
"A PENNY for your thoughts?" umikot ang mga mata ko ng marinig ko ang boses niya.
"Pati ba naman dito kailangan sundan mo ako?" naiirita kong sagot.
BINABASA MO ANG
Heart of Mine
RomanceSG: 2nd Ano ang mas mabigat? Ang mag mahal ng lubos o ang mahalin ka niya ng lubos? Ano ang mas masakit? Mahalin mo siya kahit na may mahal pa siyang iba, o ang mahalin mo siya dahil alam mong balang araw mapapansin ka din niya. Two hearts equals on...