Jazs
______"Angel..."
Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero hindi ko talaga makita.
"Mahal kita, Angel..."
Naglalagos ang tinig niyang iyon hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng tuwa.
"Angel! Baka kung mapano ka!" Nag-aalala at humahangos ang boses nito habang papalapit sa akin.
"Huwag mo akong iwan. Please..."
Bakit ganon? Naiiyak ako? Gusto kong sabihin sa kanya na andito lang ako, pero hindi kayang gumalaw ng katawan ko.
"Angel..."
AGAD AKONG napamulat ng mga mata. Iyon na naman yung panaginip na iyon. Umayos ako ng upo saka sinipat si Jace sa tabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga habang pinag mamasdan ko siyang nakatingin lang sa malayo. Pinilit ko siyang umuwi dito sa Pilipinas. Gusto kong tuparin niya ang pinangako niya kay Sam noong mga bata pa kami. Alam kong hindi niya pa iyon nalilimutan. Sa tagal na naming magkakilala hindi ko na nabilang kung ilan na ang naging girlfriends ng mokong na ito. Pero ni isa man doon wala siyang sineryoso. Perhaps he was still in love with that sweet, beautiful, innocent girl he left when he was nineteen. And I want to help him. I want to help them.
"Anung plano mo pagkatapos nito, Jako?" Inayos ko na yung seatbelt ko gaya ng utos ng crew ng eroplano.
"Wala,"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya, "Anong wala? Andito ka na sa Pilipinas, magagawa mo na ang dapat na ginawa mo four years ago." tuya kong sabi sa kanya.
Hindi ako tangang katulad niya no. Alam ko namang kung may pagpipilian siya noon, hindi niya gagawin ang iwan ang babaeng pinakamamahal niya. Jace's a hopeless romantic guy.
"Things has changed, Jazs." makahulugan nitong sagot sa akin.
"Maloloko mo ang iba pero hindi ako Jace, kilala kita hanggang sa amoy ng utot mo. Kaya huwag mo akong subukan." Pinag-lololoko ba niya ako? Eh, kahit naman grade one na bata alam kung ano ang sagot sa mga tanong niya noon pa lang eh.
"Ano pa bang gusto mo Jazsmine? Sinunod ko ang kasunduan natin ng tulungan mo ako. Here I am, making my me step in this land. Again. Aayusin ko lang ang problema natin at uuwi na rin ako ng Canada. Andoon na ang buhay ko." Kahit kelan talaga, denial king itong hayop na ito. Siya na nga yung tinutulungan ang arte pa!
"So, kung ganon naman pala ang plano mo. Mabuti na ring kausapin mo si Sam, linawin na ninyo ang tungkol sa inyo. Have closure Jace, so that my friend can move on and have her life of her own." angil ko sa kanya. Pinag salikop ko ang mga braso ko saka naiinis na tumahimik na lamang. Hindi na rin nagsalita si Jace. Mabuti naman yon, dahil hindi rin naman siya mananalo sa akin.
Ako yata si Jazsmine Keira Lopez. Palaban ako. Mula bata ako iyon na ang ginagawa ko. Theme song ko ang kanta ni Cristina Aguilera na Fighter. At wala pa akong laban na natalo ako.
Maliban sa isang bagay na nagpagulo sa akin simula ng magising ako sa ospital matapos ang heart transplant ko. Creepy to say pero pakiramdam ko, hina-hunt ako ng taong nagmamay-ari ng pusong ito. Dinama ko ng marahan ang kaliwang bahagi ng dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Heart of Mine
RomanceSG: 2nd Ano ang mas mabigat? Ang mag mahal ng lubos o ang mahalin ka niya ng lubos? Ano ang mas masakit? Mahalin mo siya kahit na may mahal pa siyang iba, o ang mahalin mo siya dahil alam mong balang araw mapapansin ka din niya. Two hearts equals on...