3

15.7K 372 9
                                    




Jazs
______

HE IS the definition of danger.

Habang mataman ko siyang pinag masdan kanina. Mula sa mataas at maganda niyang pangangatawan hanggang sa matagpuan ko na lang na kinakabisado ko ang matapang niyang mukha. He has a prominent nose, a sharp jawline covered by mustache and a thin lips. Matapang at matalim ang mata nitong kulay tsokolate kung makatitig kay Jace pero bigla itong lumalamlam kapag nakatingin ito kay Sam.

"Mukhang nasa malayo yata ang isip mo baby doll, miss mo na agad yung dela Vega na iyon?"

Mula sa pagkakatitig ko sa labas ng bintana ng sasakyan nag baling ako ng tingin kay daddy. Nag hiwalay na kami kanina ni Jace sa labas ng airport habang kinakalma ito ng kapatid na si Kai. Buti nga sa kanya. Sa tingin ko parurusahan ng tadhana ng bongang-bonga si Jace dahil sa ginawa niya kay Sam at sa pamamagitan iyon ng Mister Cervantes na iyon.

"Dad...be nice to Jace. Kaibigan ko siya." kita ko ang pag asim ng mukha ni dad habang nag di-drive. Medyo naipaliwanag ko na sa kanya kung bakit kailangan naming mag panggap bilang mag kasintahan sa public pero si dad medyo may pagka old school din pala.

"Ayoko ng marinig pa iyang kuwento mo na iyan Keira. At sabihin mo kay Jace na kailangan ko siyang makausap, kailangan niyang linisin ang pangalan mo sa lahat. Isa kang Lopez, ayokong madungisan ang pangalan mo." matigas na utos ni daddy.

Napangiti na lang ako at tamang-tama naman ang pag hinto ng sasakyan dahil na ka-red light kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

Siya talaga ang nag iisang superhero ko.

"I missed you daddy..." buong pag mamahal kong sabi.

"I missed you too, my baby doll." he answered back and planted a soft kisses above my head.

Nagkasakit ako. Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses ba nilang binuksan ang puso ko sa kaka-opera sa akin nung bata pa ako. I went to a major heart transplant when I was only sixteen years old. Tumigil kami sa Canada para doon ako tuluyang mag pagaling. Akala nila daddy nalimutan ko na ang kabanatang iyon ng buhay ko dahil ni minsan walang nag ungkat pa ng mga alalaang iyon sa pamilya, kahit sila Kyle at Kizsa pa.

Pero buhay na buhay pa rin sa pusong ito ngayon kung ano ang mga nangyari. I want to know him or her. I want to thank the people behind this heart I was having now.

"Kumusta ang Tito Lindon mo?" muling ibinalik ni daddy ang mata sa daan ng tuluyan na kaming makausad.

"He's fine. Still the super busy doctor...kaya nga nagagalit si Tita Felin sa kanya eh. Yakap na din yata nito maging sa pag tulog ang mga instruments niya." biro kong sabi. Daddy just chuckled. Bilin ni daddy na palagi akong bibisita kay Tito Lindon to still monitor my condition. Kahit na sabihing wala na akong nararamdaman kahit na ano, mainam pa rin daw yung nakakasigurado. "He's happy dad, don't worry."

"You're mom misses you so much, baby doll. Pati ang mga kapatid mo..." Sumilay ang magandang ngiti sa labi ko. Habang papalapit na kami sa subdivision namin, excited na akong makita sila ulit! Mabuti na lang talaga at napilit ko si Jako na umuwi ng maaga.

Kahit mausok ang paligid, sige lang ang langhap ko ng hangin. Sawa na ako sa hangin ng Edmonton. Minsan, kahit na polluted ang hangin ng Pilipinas nami-miss ko din.

This is my home. Always.

Pagkahinto pa lang ng sasakyan nag mamadali na akong umibis palabas dito. Hindi ko na pinansin ang pag iingay ni daddy at tinungo ko ang gate saka nag tatakbo papasok. The garden that I used to play on kasama ang mga kapatid ko.. yung swing andito pa rin.. Isa-isa kong tinignan ang bawat sulok ng kabahayan namin. Isa-isa kong binalikan ang mga masasayang alaala ko dito.

Heart of Mine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon