TheaXToby: Part 2

187 7 13
                                    

TheaXToby: Part 2

~~~ 

Thea's POV

"Lexa nga pala, girlfriend ko."

Tinaasan ko ng kilay si Toby. Tangina. May girlfriend na naman siya? May bago na naman sa koleksyon niya? Hmph. Isa na naman to sa mga babaeng nabihag ng pekeng Toby. Wala itong kaalam-alam sa tunay na ugali ni Toby.

Kung tanga lang ako, siguro kanina pa akong naheartbroken. Kung makaasta kasi si Toby parang wala siyang pake na hinalikan ko siya kahapon. Pero hindi ako tanga kaya alam ko kung ano ang totoo. Sobra siyang naapektuhan ng halik kong yun, to the point na naghanap agad siya ng bagong girlfriend para isipin kong wala lang yun sa kanya.

Well, kahit papano, medyo naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari. I know for now na alam niyang mahal ko siya. Kahit alam na niya, ayaw niyang marinig yun mismo sakin. Hindi ko alam kung ano ang dumadaloy sa isipan niya at ayaw niya talaga iyong marinig pero hindi pa rin ako susuko.

"Hi! Ikaw pala si Thea? Nice meeting you!" bati nung Lexa. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

"Madaming taon na kayong magkasama di ba?" tanong niya.

"Oo. At sa lahat ng tao, ako ang pinaka nakakakilala sa kanya." I give her my evil smile.

Back off, girl, isa ka lang sa mga nabiktima ng outer side niya. Well, wala akong nakikitang kompetisyon sa mga babaeng pinapakilala ni Toby. Hindi naman kasi yung tunay na Toby yung minamahal nila e. Kaya ako pa rin ang lamang. Alam kong ako lang ang nagmamahal sa kanya ng totoo. I love him more than anyone else. Ako lang ang only one na nararapat sa kanya. Ako lang.

"Kaya nga e. Buti na lang at bestfriend ka lang niya."

Napawi ang ngiti ko. Nang-aasar ba siya? Hinahamon niya ba ako?

"OMG Toby! Kailan mo ba ko ipapakilala sa parents mo? Nakilala ko na ang bestfriend mo, sila naman sunod please?"

Nilingon ko si Toby. Halatang nag-aalinlangan siya. Wala naman yang balak e. Ni isa sa mga gf niya, hindi niya dinadala sa bahay nila.

"Ha? Saka na." pabalang na sagot ni Toby.

Mukhang nabaguhan naman tong Lexa sa narinig niya.

Yeah, Lexa, hindi siya gentle tulad ng iniisip mo.

"What I mean is, wala kasi sila sa bahay. Lagi silang busy."

Pinigilan ko ang pag-irap dahil sa sinabi ni Toby. Busy your face.

"Ganun ba? Okay. Next time, alright?"

"Alright."

Naglambingan silang dalawa sa harapan ko. Magseselos na sana ako kung hindi lang ako naiinis.

Kapag ako, may nakilalang ibang lalaki, nganga ka sakin, Toby. Hmph!

---

Inis na inis ako kinabukasan nang papuntang school. Halos mabugnot na rin si kuya dahil sa asta ko.

"Umayos ka nga, Thea. Pati ako nahahawa sa pagiging iritable mo ngayon." reklamo niya.

"Sorry kuya. Hindi ko lang talaga maiwasang maging ganto. Naffrustrate ako, sobra."

"Hay naku, gusto ko nang bawiin ang sinabi ko noon na hindi ako papayag kung hindi si Toby ang makakatuluyan mo. Mabuti pang maghanap ka na lang ng iba kaysa naman mahawa ako ng pagkabadtrip mo palagi."

"Don't worry, kuya. Malapit na tong matapos. Mayamaya boyfriend ko na ang gagong yun." pagbibida ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. May sinasabi si kuya pero lipad ang isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon