Last Part (Ending)
~~~
(Her POV)
Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko nang makaharap ko si Train.
"D-Devy, bakit ka ba nagsosorry?"
Hindi ko siya masagot. Sa sobrang pagluha ko, hindi ko na malaman kung ano ang dapat sabihin sa kanya. Sa daming nangyari, hindi ko na alam kung paano ko siya kakausapin.
"Ako ang dapat magsorry Devy. I'm sorry."
Tutunghay pa lang sana ako para tanungin siya kung bakit siya nagsosorry nang bigla niya akong yakapin.
"T-Train.. Bakit-"
"Ang pangit mo pag umiiyak Devy. Ayokong tingnan."
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya o maiinis sa sinabi niya. Kahit kailan talaga itong si Train. Tsk tsk. Pero at least, bumabalik na siya sa dati. Lalo tuloy akong naiiyak.
"Umiyak ka naman? Huy joke lang yun. Hindi mo ba alam na ikaw ang pinakacute na babaeng nakita at nakilala ko?"
Cute? Nang-aasar na naman to e!
"Devy, pwede bang humingi ng favor?"
Nakayakap pa rin siya sakin. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya. Baka kasi pag tumunghay ako, mailang ako ng sobra dahil magkalapit ang mukha naming dalawa.
"Uh.. ano yun?"
"Pwede bang hayaan mo akong mahalin ka?"
"HUH??"
Sa sobrang gulat ko, napatunghay ako sa kanya. Nagtapat ang mukha naming dalawa. Hindi ko yun ininda. Sobra kasing nakakapagtaka ang sinabi niya.
Si Train? Si Train talaga? Sasabihin yun sakin? No way. That will NEVER happen.
Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang biglang pamumula ni Train.
"Alam ko, parang ang bilis naman yata nito. Ay hindi. Alam ko namang alam mo. Kapag hindi nagwork-out ang relasyon ko sa isang babae, maya-maya may bago na akong magugustuhan. Pero sana Devy, hindi mo ako pag-isipan ng masama tungkol sa nararamdaman ko sayo. Aaminin ko, kapag may niligawan ako, hindi yun dahil sa mahal ko siya o sa gusto ko siya. Inaalam ko kung may pag-asa ba ako sa kanya bago ko siya magustuhan para hindi ako mahirapan. Yung kay Mara? Sa tingin ko, nagustuhan ko naman talaga siya. Minahal? Hindi ako sigurado."
Hindi daw sigurado? Pinagloloko niya ba ako? Halos masira niya nga yung shooting booth nun sa galit e nung malamang pinaasa siya ni Mara.
"Hindi ko alam kung tunay nga bang minahal ko siya o iniisip ko lang na mahal ko siya. Baka nga kaya ako nagalit sa kanya ay dahil sa sinira niya ang ego ko. Dahil mali ang inakala ko. Dahil nagpapaligaw siya saking gayong may tinatagpo siyang iba."
Nakatunganga lang ako sa kanya. Hindi ko to naisip. Mabilis siyang magmove-on. Masaktan man siya, maya-maya, okay na ulit siya. Siguro nga kaya ganun na lang yun kadali dahil hindi naman talaga siya nagseseryoso. Or sa tuwing nasasaktan siya, hindi puso niya yung napupuruhan kundi ang ego niya. Oo nga no. Mukhang hindi ko pa rin talaga ganung kakilala si Train.
"Devy.."
"Oh?"
"Wala ka bang sasabihin?"
"Anong sasabihin ko?"
Umiwas ng tingin si Train sakin. Kamot-kamot niya pa ang batok niya.
"Ah.. eh.. Ang lapit-lapit kasi ng mukha nating dalawa. Hindi ko na lang pinapansin pero talagang nakakawala sa sarili na ganto tayo kalapit sa isa't isa. Ayoko namang bitawan ka."
BINABASA MO ANG
Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]
Teen FictionAccording to Train, they're bestfriends. According to her, they're just childhood friends. Ayaw na ayaw ni Devy na matawag na bestfriend ni Train, kahit ang samahan naman nila ay obvious na samahan ng magbestfriend. The truth is, she's in love with...