Part 3 (Stories Untold)

243 12 59
                                    

5 years ago..

"Devy.."

"Oh bakit Train?"

"A-ano.. May itatanung lang ako sayo."

"Ano naman yun?"

"Eh kasi.."

"Ano nga? Bakit ayaw mo akong diretsahin?"

"G-gusto ko lang malaman kung anong gagawin mo pag.."

"Kapag?"

"Kapag nalaman mong may gusto sayo ang isa sa mga kaibigan mong lalaki, anong gagawin mo?"

"Sasabihin kong itigil niya yung pagkakagusto niya sakin. Kung hindi niya yun gagawin.. habangbuhay ko siyang hindi papansinin."

~~~

Part 3 (Stories Untold)

~~~

(Her POV)

"Ah! Ang sakit ng katawan ko!!" Muli akong humiga sa aking kama. Ilang araw na ba kong ganito?

"Masakit isiping maling babae yung pinili kong mahalin, pero ang malamang nagkamali din ako sa naging bestfriend ko, tangna! Mas mahirap pala yung tanggapin!!"

Argh!! Paulit-ulit ko na yang naririnig sa isip ko. Nakakairita na.

"Ala Devy! Ano?? Iiyak ka na naman?? Wala ka nang ibang ginawa kundi umiyak! Hindi ka na nga kagandahan, papangit ka pa lalo!" Dali-dali akong bumangon at humarap sa salamin. Tiningnan ko yung mukha kong magang-maga na naman ang mata.

"Tingnan mo nga yang mata mo!! Parang eyebags lang na tinubuan ng mukha! Pano na lang kung nakita kang ganyan ni Train? Uusisain ka na naman nun! Alam mo naman yung lalaking yun, masyadong matanong!"

"Masakit isiping maling babae yung pinili kong mahalin, pero ang malamang nagkamali din ako sa naging bestfriend ko, tangna! Mas mahirap pala yung tanggapin!!"

Napasimangot ako when that line crossed on my mind, again.

"Ay oo nga pala. Galit nga pala sayo si Train. Sa tingin mo ba may pake pa siya kung ganyan man yung itsura mo? Sa tingin mo ba, tatanungin ka pa niya kung bakit ka naging ganyan? Hindi na di ba? Kasi ginalit mo siya kaya wala na siyang pake sayo ngayon. Wala na siyang pake sayo.... Wala na.."

Napahawak ako sa may dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Ang sakit. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ang hirap huminga.

Dinampot ko na yung suklay ko at nagsimulang mag-ayos. Naalala kong kailangan ko pa nga palang magsulat ng script. Hindi purke wala pa ko sa wisyo ko, kakalimutan ko na lang ang mga kailangan kong gawin.

Lumabas na kong kwarto at nagtungo sa kusina kasi bigla akong nakaramdam ng gutom. Buti na lang at may iniwang lutong pancit canton sina Mommy.

Kumakain na ko nun nang marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tumayo ako para kunin yun at malaman kung sino ang tumatawag.

Si Thea. Yung kapatid ni Train.

Dali-dali ko naman iyong sinagot at bumungad sakin ang masayang boses ni Thea.

"Hi Ate!"

"Oh? Bakit ka napatawag?"

"Umalis dito sa bahay namin si Kuya Train!"

"Oh e ano naman? Talagang kailangan mo pang sabihin sakin? Nang-aasar ka ata Thea e. Namiss ko lang tuloy siya lalo."

"Hahaha! Ikaw talaga Ate Devy! Hahaha! Don't worry! Sinabi ko lang naman yun para di ka masyadong masurprise maya-maya."

Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon