TheaXToby: Part 1

162 5 9
                                    

TheaXToby: Part 1

~~~

Thea's POV

Sa unang tingin, mukhang 'good boy' itong si Toby - mabait na anak, mapagmalasakit na kaibigan, honor student, school council officer, blablabla. Yan ang tingin nila sa kanya. Well, except sa parents at tito and tita niya, parents ko, kay ate Devy, kay kuya Train, at syempre, sa dakilang si ako.

"Nakakairita sa school! Madaming feeling close! Lalapit sakin tapos sasabihing 'Toby, Toby, patulong naman dito.' Aba, kanilang assignment yun, tutulungan ko pa sila??"

Sa school siya nina ate Devy pumapasok kaya tuwing hapon at gabi lang kaming nagkikita ni Toby. Kung may tambayan si kuya at ate sa labas, kami ni Toby, andito lang sa loob ng bahay namin, minsan pa nga sa kwarto ko. Palagi kasi siyang nagrereklamo. At ayaw niyang may makarinig sa kanya.

"Aba, andito ka na naman!"

"Aba ikaw din Train! Andito ka na naman!"

Sa amin lang siya nagpapakatotoo. Mabait naman siya at masarap kasama e.

"Gago ka ba? Baka nakakalimutan mong dito din ako nakatira."

Madaling pang pakisamahan.

"Oh talaga lang ha?"

Kaso sa piling tao lang siya ganyan. He's a great pretender. Akala ng iba, napakabait niya, pero hindi nila alam, pagtalikod nila, may iba ng sinasabi si Toby.

"Mas matanda ako sayo! Wag kang ganyan!"

"Obvious nga e. Gurang ka na kasi."

Madami ding nagkakagusto sa kanya. Madami siyang nagiging girlfriend. Iba't ibang babae ang nakakadate niya. Pero lahat sila, gusto lang si Toby dahil mabait siya, gwapo at gentleman. Sa lahat ng may gusto sa kanya, walang nakakakilala sa tunay na siya, AKO LANG.

"Tapatin mo nga ako Toby. Nililigawan mo na ba tong kapatid ko?"

Napatingin ako kay kuya. Napatingin ako sa natigilang si Toby. Yes! Natigilan siya dahil dun! Yes! May pag--

"Ano?? Asa! Bakit ko liligawan ang bestfriend ko? Hindi ko siya isasama sa mga babae ko."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang yun. Dumampot ako ng isang unan tapos hinagis ko yun sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ako babae? Walang hiya ka!"

Padabog akong umalis sa sala at dumiretso sa kwarto ko.

"Hoy hoy Thea!"

Sinarduhan ko nang malakas ang pinto. Rinig ko pa ang malakas na tawa ni kuya Train. Porke sila na ni ate Devy! Hmph!

"Buksan mo tong pinto Thea!" sigaw ni Toby sa labas ng kwarto. Hinahampas niya yung pinto.

"Tseh!"

"Bakit ka ba naiinis ha?"

"Tseh! Lumayas ka na nga! Umuwi ka na!"

"Ha?? E galit ka kaya. Bakit ako uuwi-"

"Umuwi ka na!!"

Tumigil yung pagkatok niya. Inantay kong kumatok siya ulit pero hindi yun nangyari.

"Okay."

Nakarinig ako ng ilang footsteps palayo sa pinto ng kwarto ko. Bigla naman akong nagpanic.

Ang lokong to aalis nga??

"Tob-"

Binuksan ko yung pinto. Ang ineexpect ko ay likod niya ang makikita ko kaya nag-init na lang ang pisngi ko nang makita siyang nakangiti at nakaharap sakin.

Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon