I can't believe that i was accused by an arrogant guy as his stalker. Ngayon ko lang nga siya nakita! And in all fairness, he's really oozing of arrogance, kung hindi lang siya gwapo! Gwapong antipatiko.
"Q, kain tayo" my best friend, Kylee is annoyingly making cute faces in front of me, i groaned as I realized where she want to drag me again. Of course, saan pa ba? Sa East Campus na ang layo layo sa amin!
"May canteen naman dito, Lee!" Inis kong ungot sakanya habang hatak hatak niya ako, patalikod pa siyang naglalakad habang kinakaladkad ako dahil tinatamad akong maglakad, mabuti na lamang at naka flats ako, since first year pa lang kami ay hiwahiwalay ang designated room namin kada subject kaya todo ang lakaran na ginagawa namin. Yung Basic accounting namin ay nasa East Campus pa nga naka schedule pero bukas pa yon pero halos araw araw akong niyaya roon ni Lee para makasilay sa crush niya.
"Libre kita" pang uuto niya sa akin.
"Nakakapagod, Lee!" I stomped my feet, pinunasan ko ang noo kong namamawis na dahil sa init. Lee pouted her lips.
"Tricycle tayo! Sige na, please" she cutely held her hands together. I sighed and just nodded. Matitiis ko ba tong bruhang to?
"There he is!" Nakangiting turo ni Lee sa isang mesa kung saan naka upo si Lance kasama ang ilang lalaki. Halos mag dugtong naman ang kilay ng lalaking nakatingin sa akin ngayon ng direkta, kapag minamalas ka nga naman, oo!
Hila hila ako ni Lee papunta sa mesang katabi lang ng mesa nila Evan.In my peripheral vision, the guy wearing an Architecture uniform with two buttons unbottoned is blatantly smirking and looking at me, his body was a bit twisted because he's facing me now, pinaglalaruan ng daliri niya ang ibabang labi niya habang sinusuri ang kabuuan ko.
"Hi, babe!" Walanghiyang bati ng kaibigan kong bruha sa crush niyang si Lance. Rinig ko ang ilang tawanan ng mga lalaking kasama nila.
"Girlfriend mo, Evan?" Rinig ko pang tukso nila kay Lance, at si Lee naman ang sumagot ng oo. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng ito.
"Kukuha lang ako pagkain" tamad na paalam ni Lance, at ang gaga kong kaibigan ay sumunod naman agad sakanya, iniwan akong mag isa rito.
"Birds with the same feather, flock together" the arrogant guy lazily said then chuckled, pailing iling pa siya habang nakatingin sa akin.
"Excuse me?" Hinarap ko siya, i crossed my arms on my chest and had my brows up, kulang na lang ay umabot iyon sa ceiling fan ng canteen.
"Stalker" he mouthed at me then clicked his tongue before tearing his eyes off me. Napasinghap ako dahil sa kayabangan niya, at ano ang ibig niyang sabihin sa birds with the same feather, flocks together? Hah!
"Excuse me, Mr. Antipatiko, I am not your stalker. I don't even know you!" Salubong ang kilay na saad ko sakanya.
"Really? Then why are you here?" Nakakalokong sambit niya sa akin, pinasadahan niya pa ang kabuuan ko hanggang sa dumako ang mga mata niya sa dibdib ko, he was smirking like an evil!
"Edi, kakain! Alangan naman matutulog ako rito?" Inis kong sabi, natatawa ang mga kasama nilang lalaki.
"Dito talaga, miss? Ang alam ko may canteen naman sa CBEM" amusement was all over his face, he was talking about our department. Kasalanan mo to, Kylee!
I was about to bombard him with my words when a hand draped on my shoulders.
"You're here." Kalvin was sitting now beside me. "I asked my sister to bring you with her" he smiled at me before looking at the arrogant guy abreast our table.