Buong foundation week ay kasama ko si Uno. Lee was with Lance too, hindi na ako nag usisa kung ano ang nangyayari sakanilang dalawa. Lee was happy during those times but i can sense some sadness in her eyes after that week.
Si Uno naman ay halos gabi gabi ay niyayaya akong lumabas and this weekend niyaya naman niya akong pumunta sa isang pasyalan. Overlooking ang City mula roon and this time I'm wearing jeans dahil halos trenta minuto ang byahe, sasakay kami ulit sa motorsiklo niya. Dala ko rin ang camera ko, we can't bring back the days and times that have passed but we can always look back through our memories, through photographs too.
May ilang kabayong pwedeng sakyan roon kung magrerent ka. Kinunan ko si Uno ng picture habang nakasakay siya roon.
"Turuan mo naman akong mangabayo!" Masiglang sabi ko kay Uno habang pababa siya sa kabayo. Muntik pa siyang mahulog dahil nawalan siya ng balanse.
"What?" Tila gulat na sabi niya sa akin kaya inginuso ko ang kabayo sakanya.
"Sabi ko turuan mo akong mangabayo. Hiyaaaaah!" Labas ang ngipin akong ngumiti sakanya, nakita ko naman ang pag iwas niya ng tingin sa akin at bumaba taas pa ang adams apple niya.
"Doon na lang tayo sa ATV. Safe don" nauna na siyang maglakad kaya naman sinundan ko na lamang siya. I just shrugged, sa susunod na lang ako magpapaturo sakanyang mangabayo.
Sumakay nga kami sa ATV, nakisuyo kami sa ilang naroon para kunan din kami ng pictures. Ngayon ko lang din napansin na puro couple ang nandito.
"Pizza for Quinne" malawak ang ngiting inilapag ni Uno ang pizza sa lamesa, may kiosk rito na pahingahan, may iilang stall ng pagkain rin na nakapalibot sa lugar, iyon nga lang ay may kamahalan ata dahil wala naman ibang mabibilhan rito sa itaas.
Uno's staring at me intently na para bang may iniisip siya na malalim.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sakanya habang pinapahiran ko ang mukha ko ng tissue. Umiling siya sa akin saka umiwas ng tingin sa akin.
Litong tumango na lamang ako, baka kinukwenta niya sa isip ang mga nagastos niya ngayong araw. Tatanungin ko na lamang siya mamaya kung ilan ang ibibigay kong share sakanya, nakakahiya naman kasi dahil lagi niya akong nililibre nitong mga nakaraang araw.
There's a cute puppy na nilalaro ni Uno, naka upo lamang ako sa kiosk at siya naman ay nakikipaglaro sa tuta, dala iyon ng isang babae sa kabilang kiosk. Kinuha ko ang camera ko at kinunan sila ng picture. Dog lover din pala itong lalaking to, I didn't know but i smiled as i stared at him, bumaling siya sa akin at mas lumawak ang ngiti nang mapansin niyang kinukunan ko siya ng pictures.
I tilted my head to the left as I check his photos, tumigil iyon sa isang close-up picture niya na nakangiti siya ngumit kita ang isang peklat sa may gilid lamang ng pisnge niya. Hinaplos ko iyon ng bahagya. Hindi nakabawas ng kagwapuhan niya ang peklat na iyon, bagkus ay tila nakadagdag iyon sa appeal niya. Hindi naman gaanong pansin ang peklat na iyon kung hindi mo gaanong tititigan.
He's handsome, sporty, matalino---- I can say na he's almost perfect, an ideal man pero bukod doon ay may mga bagay na nakakapagpatunay na hindi siya perperkto kagaya ng peklat niyang ito. Naalala ko ang usapan ng kaklase ko noon tungkol kay Uno, na maari naman daw nitong ipaalis ang peklat na iyon, nakakasira raw sa hitsura ni Uno. Hindi daw perfect ang mukha ni Uno dahil sa peklat na iyon.
Para sa akin ay hindi, ang peklat na iyon ay kasamang bumubuo kay Uno, ang kwento niya sa akin ay nakuha niya ang peklat na iyon noong iligtas nito ang kapatid na muntik ng matamaan ng matulis na bagay noong mga bata pa sila. It's part of him, maaring sa iba ay maituturing na flaw iyon ni Uno pero para sa akin at maging sa kapatid niya siguro, parte iyon ng katauhan ni Uno bilang isang mapagmahal na kapatid. Flaws are reminders that we are perfectly imperfect, nasa sa atin kung paano natin titingnan at tanggapin ang imperfections natin at ng mga tao sa paligid natin.