02

6 0 0
                                    

"Escoffier"

I stood up and cleared my throat as I answer the question given by our professor in Philo.

"It is important to let your partner grow individually, let him or her grow on her/his own. Let him/her discover things on his/her own too. Being in a relationship doesn't necessarily mean you should insist what you knew and what you want, you can grow together individually. Hindi nakakasakal" my professor nodded his head, seems like he is convinced with my answer.

"Right. Support and trust is needed hindi lang puro i love you ang tapos wala ka namang suporta sa partner mo" dugtong ng prof namin habang papaupo na ako. He continued his discussion until the clock hits 3 o'clock in the afternoon.

"Excited na ako sa freshmen welcome party!" My friend is happily bouncing while holding my hand. Ano kayang nilaklak na vitamins ni Tita noong pinagbubuntis niya itong si Kylee at sobrang hyper lagi?

The freshmen welcome party will be held next week, month of September na halos isang buwan na mula ng magsimula ang pasukan, pero dahil pinaghandaan nga naman talaga ng USC ito kaya naman natagalan.

"Yayayain ko si Lance magpakasal!" Kinikilig na sambit niya pa.

"How sure are you na papayag yon?" Pambabara ko sakanya.

"Wala kang ka support support! Hindi mo ako mahal ano?!" Sighal niya sa akin kaya natawa ako. She's pertaining to what was discussed earlier about support, love and such.

"Mahal kita kaya sinasampal ko sa'yo ang realidad" i nodded my head to convince her more at ang gaga pinalo lang ako sa braso habang nakanguso.

Hindi ko alam kung bakit green ang napiling kulay ng department namin. Yung medyo matingkad na green pa talaga. Oh well, wala rin naman kaming magagawa at napagpilian na rin iyong mga shirts kaya malaki sa akin ang suot kong shirt ngayon for the welcome party rito sa grounds ng University. May iba't-ibang stall ng pagkain ang narito, marami ring hinanda na pakulo ang University student council. Mamayang gabi ay may pa rave party pa daw.

First year lang ang walang pasok since para sa amin ang party na 'to kaya naman ang mga higher years ay naka uniform at tila naiinggit sa amin dahil naka civilian kami today at wala pa kaming klase buong araw.

"Free hugs!" Sigaw ng isang babae sabay turo sa kanang bahagi ko, sinundan ko nang tingin ang itinuro niya sa kasama niya at nakita ko ang isang cutie piggy na lalaki at may nakadikit sa damit niyang free hugs pero wala naman lumalapit sakanya, kung meron man ay kinakausap naman ng isang lalaking malapit doon sa pwesto ni piggy saka aalis ang mga taong nagtatangkang yumakap. What the? Pinipigil niya ba? Kawawa naman si piggy kung ganoon.

I found myself infront of the guy who's wearing the mask, he's kind of tall? May suot siya sa ulo niya, uh? Baboy na cute ang tumatakip sa buong mukha niya kaya hindi ko siya makilala, hinintay kong lapitan ako ng lalaking pumipigil sa mga lumalapit kanina pero hindi niya ata ako napansin dahil nakayuko ito sa cellphone niya.

I extend my arms as i step my feet until i reach for cutie piggy. I hugged him and i can say na mabango siya. He's too tall, parang kasing tangkad niya si antipatiko.

I felt cutie piggy stiffened as i hugged and tapped his back, i smiled at him as soon as let go. Naglibot libot pa ako hanggang sa makita ko na si Lee kasama si Lance na nakabusangot ang mukha.

"Magpapakasal kami, maid of honor ka!" Nakangiting balita sa akin ni Lee, hatak hatak niya kami ni Lance papunta sa marriage booth na katabi ng photo booth.

"Ayoko nga sabi" nakabusangot na reklamo ni Lance.

"Anong ayaw mo? Ayaw mo na patagalin?" Tanong naman ni Lee, halatang iritado na si Lance dahil halos magdugtong na ang mga kilay nito.

What She SawWhere stories live. Discover now