Uno:
I'll pick you up at 7pm.Hindi ko maintindihan pero nag aayos ako ng sarili dahil nga sasama ako kay Uno mamaya. Nakakagulat lang na bigla bigla na lang kami naging ganito, is it safe to say na magkaibigan na kami? Sinabi ko rin ito kay Lee, at ang bruha. Um-oo lang sa akin, baka daw type ako ni Uno. Well, i must admit na attracted naman din ako kay Uno, noong una pa lang. He has this aura that you can't resist, there's something in his eyes that if you stared for too long you might drown and there's nothing you can do that can save you from it. Tingin ko nga ay unti unti kong ninanais na madiskurbre kung ano ang mayroon sa dagat ng itim niyang mga mata. He's eyes were unreadable, he's too good to hide those emotions he has or so i thought? Kailan pa ako naging interesado sa isang lalaki?
Pagkakain ng dinner ay umalis rin siya kaagad dahil may pupuntahan raw siya at ngayong pagkagising ko ay nakareceive nga ako ng text mula sakanya.
Pinili kong suotin ang kulay puti kong dress na 1 inch above the knee, ipinares ko ang kulay puti kong sapatos. I tied my hair into a half ponytail. I sprayed my favorite perfume and I'm good to go, liptint lang din ang nilagay ko sa mukha ko. Hindi naman ako mahilig sa make-up, ako yata ang babaeng hindi marunong magkilay.
Isang mahinang katok ang narinig ko sa pintuan pagpatak ng alas siete ng gabi. Uno's wearing a leather jacket at itim na jeans. Sumalubong agad sa akin ang pabango niyang hindi kinaiinisan ng ilong ko.
He surveyed me and he was hesitant to say something.
"Sorry, i forgot to tell you, motor ang sasakyan natin" he apologetically said. "but you look so good tonight"
"Motor? Okay lang. Naka shorts naman ako" i want to hit myself, alangan naman nakapanty lang ako sa ilalim ng dress ko di ba? Pero bakit pakiramdam ko namumula ako sa sinabi kong iyon?!
"Are you sure? Hintayin na lang kitang magbihis" tila hindi naman siya kumbinsido sa sinabi niya.
"Okay na to. Tara na, birthday boy!" Nakangiti kong sabi sakanya.
Glimmering city lights were all over. Nakalusot kami sa mga sasayang nakaharang sa traffic dahil na rin sa nakamotorsiklo kaming dalawa, sana lang ay hindi maging putim ang kulay ng damit ko mamaya dahil sa usok ng ibang sasakyan.
"Wow" i raked my hair using my free hand while looking at the sea in front of us.
"Kain muna tayo" Uno said after he parked his big bike. Napili naming kumain sa isang seafood restaurant. Si Uno na ang kumuha ng order at naupo kami sa 2nd floor ng resto kung saan kitang kita ang dagat.
"First time mo dito?" Tanong ni Uno. Mabilis naman akong tumango habang nakatingin pa rin sa dagat. Galing ako ss province e, hindi rin naman ako gaanong gumagala at isa pa ngayon lang din ako niyaya ng isang lalaki. I felt my cheeks heated as i thought of that, hindi naman ito date, Q! Maghunos dili ka nga, nakakahiya ka!
"Ako na maghihimay" Uno insisted hawak niya ang sugpo at hinihimay na ito. May crabs din siyang order, grabe naman naglalaway na ako, favorite ko ang mga to!
"Hindi na. okay lang, ako na. Nakakahiya naman" tipid kong sabi sabay kuha ng isang sugpo.
"Madudumihan ang damit mo, I insist" wala na akong nagawa dahil tama naman siya, bakit ba kasi ito ang sinuot ko?
"O...kay" i answered in defeat. Busog na busog ako, gosh! Ang dami kong nakain at napadighay pa talaga ako sa harapan ni Uno, medyo nakakahiya. He was even hiding his smile while drinking his water!
We agreed to take a walk pagkatapos kumain, medyo malayo layo na rin ang nalakad namin at halos kakaunti na lang ang tao nang makalagpas kami sa tulay, wala na ring ilaw dahil nasa dulong bahagi na ito, iniwan lamang namin ang motor niya sa ilang hilera ng mga motor na nakaparada rin kung saan may street lights.