Simula

130 9 0
                                    

"And so, Cinderella and the prince were married, and they lived happily ever after," wika ko at saka isinara ang libro. 

Nakangiti akong tumingin sa mga batang nasa harapan ko, nakangiting sinalubong pagwawakas ng kwentong binasa ko. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na't tuwang-tuwa sila dahil sa mga kwentong ibinabahagi ko, naging bata rin naman ako at kagaya nila tuwang-tuwa ako sa tuwing nagiging masaya ang mga karakter sa kwento.

"Nagustuhan niyo ba ang kinuwento ni Ate?" tanong ko sa mga batang naulila at nandito na lamang sa bahay-ampunan namamalagi.

Nakangiti silang tumango-tango na sumang-ayon naman, kaya hindi naalis sa labi ko ang saya roon at isa-isang tinititigan ang mga batang maituturing na biyaya ngunit napabayaan na ng mga magulang. Noon pa man ay mahilig na ako sa mga bata at hindi na iyon maalis sa buong sistema ko.

Ngunit may isang batang babae na nakaagaw ng atensyon ko. Nakatitig lamang ito  sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil blangko lamang iyon kaya minabuti ko itong ngitian at kinawayan.

"Hi! Ella! May problema ba?" malambing kong pagkakatanong, nahinto naman ang iba sa mga ginagawa nila at saka nagtuon sa amin.

"Puwede pong pagtanong, Ate Cath?" kunot noong tanong nito sa akin.

Nagtataka man ay pinilit kong hindi alisin ang ngiti sa labi ko kahit na nakakangalay na.

"Oo naman, 'di ba ang sabi ni Ate Cath, kapag may tanong 'wag mahihiya sa akin, so anong tanong ng Ella namin?" Umayos ako ng upo sa lapag at saka muling tumingin sa kaniya.

Titig na titig ito sa akin na animo'y para akong pinag-aaralan. Nakakatuwa lang dahil para itong dalawang taong gulang na hindi pamilyar sa mukha ko ngunit ang totoo ay anim na taong gulang na ito.

"Ate Cath? Totoo po ba sila Cinderella? Makikita po ba namin sila?" inosenteng pagkakatanong nito sa akin dahilan para tingnan din ako ng mga bata na naghihintay ng aking sagot.

Ngumiti ako rito at saka marahang umiling. "Mga bata, ang mga nababasa nating kuwento sa libro katulad na lamang ng kwento nila Cinderella ay hindi totoo, may makukuha tayong aral dito ngunit ang mga nangyari ay hindi totoo," nakangiting pagpapaintindi ko sa kanila na sana nga ay naintindihan nila.

Nagtaas ng kamay ang batang Buboy ang pangalan at saka iyon ikinaway kaway kaya tinaguan ko ito na pumapayag upang siya ay magtanong.

"Ibig sabihin Ate, lahat po ng kinukwento ninyo sa amin ay gawa-gawa lang?" maingat akong ngumiti at saka tumango, "Whooaahh!  Ang galing pala," dugtong nito nang sumang-ayon ako.

Muli akong tumingin sa batang Ella na ngayon ay mukhang hindi pa rin kuntento sa pagsagot ko.

"May tanong ka pa ba?" yanong ko na ikinatango niya ng dahan-dahan kaya hinintay ko na lang ang tanong nito.

"Kung hindi po totoo si Cinderella, ibig sabihin po ba, hindi na rin totoo ang happy ending?" tanong ng isang batang babae na akala mo ay may nalalaman na sa reyalidad.

Tanong na hindi 'ko masagot dahil hanggang ngayon ay pati ako ay naguguluhan. Tumingin ako sa batang babae na nakangiti na akala mo ay may maisasagot na ako.

"Depende," maikling sagot ko.

"Depende po? Bakit po?"

Marahan akong ngumiti sa kanila at saka itinabi sa gilid ang kaninang librong binasa ko. "Depende sa susunod kong Ikukuwento, kaya mga bata, handa na ba kayo?" masiglang pagkakasabi ko sa kanila kahit na pilit ang mga iyon.

Ang kaninang mukha na naguguluhan ay napalitan ng saya at pananabik.

"Opo! Ate Cath!" sigaw nila na umayos na ng upo.

"Makinig ng mabuti sa ikukwento ni Ate Cath."

My Dream Wedding Ceremony | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon