Kabanata 6

20 5 0
                                    

Masaya ang lahat, nakangiting nag-aayos ng pila ang lahat ng estudyante. Nakasuot ng isang damit na paborito ng lahat, ang toga. Dahil naabutan kami ng K-12, hindi pa kami makakapag-graduate dahil dagdag dalawang taon pa ang kailangan naming bunuin. Grade 10 completers pa lang kami. At ito ang moving up namin. 

"Puwede bang mag-rally sa harap ng Malacanang? Bakit ba kasi dinagdagan ng dalawang taon? Edi sana college na tayo!" gigil na gigil na sambit ni Mich na palinga-linga. 

Kanina pa nito hinahanap ang Mama niya na katabi lang naman ng magulang namin ni Gerald. 

"Kailangan nga raw kasi nating sumabay sa globalisasyon kaya dinagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral natin, at isa pa, wala rin naman akong pera pang-kolehiyo," natatawang wika ko.

Iyon naman kasi ang sinabing dahilan sa amin kung bakit dinagdagan ng dalawang taon ang pag-aaral namin. Habang tumatagal daw ay nag-iiba na ang mga pangangailangan sa mundo at mas dumarami na ang mga tao. Pati mga kumpanya ay naglalaban-laban na, hindi rin daw imposible na palitan ang mga manggagawa ng mga robot dahil sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya, kaya gano'n na lang ang pagdagdag ng K-12 para mas hasayin pa kami. Hindi ko alam kung makakatulong nga ba talaga ito o mas lalo lang sasakit ang ulo ng ibang mga tao.

"Kahit na tih, papasukin ko ang bloggerist, ano naman kinalaman non sa globalisasyon?" inis na pahayag nito.

"Exactly, sinabi rin ni Ma'am 'di ba na marami na ang magkakalaban, sa larangan din naman ng ganiyan magkakalaban pa rin kayo. Hindi lang naman ikaw ang nag-iisang balak maging blogger, ginagamit na rin "yan para makabenta 'no," pagpapaliwanag ko.

Umiling na lang ito at hindi na nagbigay pa ng opinyon. Tumayo na rin kami dahil sa pagtawag sa aming seksyon. Masayang pumila ang lahat sa amin sa mismong gilid habang ang mga magulang ay isa-isang pumupunta sa tabi namin. Moving up pa lang naman ito pero tuwang-tuwa na si Mama, ang dahilan niya, malaking bagay ang matapos ko ang aking sekondarya. 

"Catherine Orihuela."

Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na't nang makatungtong ako sa mismong stage, maraming mga estudyanteng makikita sa ngiti at mata na masaya sila sa lahat ng pinaghirapan nila. 

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Mama sa akin kasabay ng pag-flash na nagmumula sa kamera. Isang ngiti ang iginawad ko bilang panukli sa mga pinaghirapan ko ngayong sekondarya. Natapos ang lahat ng maayos, kaniya-kaniyang kuhanan ng litrato ang mga kaklase ko habang ako ay sapat ng makigamit ng ibang selpon para naman may remembrance kami ni Mama. 

"Ikaw chingchong, saan ka mag-aaral ng senior high?" tanong ko kay Gerald.

Inalis nito ang toga saka pinaypayan ang sarili gamit ang hawak ng kaniyang nanay kanina.

"Mag-aaral pa ba?" tanong nitong biglang ngumiwi.

Napamura naman ng biglaan si Mich dahilan para umalingawngaw ang tawa nila sa aming silid. Mabuti na lamang at wala ng mga magulang dahil naiwan sila sa court kung saan pag-uusapan ang iba pang mga kailangan ipasa o kailan makukuha ang mga papeles na kakailanganin namin para makapag-enroll sa ibang school.

"Baka mag ABM ako o HUMSS, o baka GAS na lang pala," singit ni Mich. 

Wala rin naman siyang partikular na kurso na naiisip ngayon, hindi ko alam kung may mga balak ba sila sa buhay nila dahil parang hindi nila sineseryoso ang ganitong usapan.

"Buset talaga, akala ko rati sa strand na GAS, literal na gas, 'yong sa Petron, pota talaga," naiiling na sabi nito.

"Kahit ako rin naman," bulong ko.

Hindi ko naman kasi alam kung ano ang GAS, mabuti na lang at tinalakay yon. Unti-unti na akong nahahawa sa mga ito eh.

"E, ikaw Cath? May strand ka na?" tanong ni Mich.

My Dream Wedding Ceremony | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon