Kabanata 14

18 7 0
                                    


Naputol ang iniisip ko dahil sa biglaang pagsiko sa aking tagiliran. Kunot-noong napatingin ako kay Mich na nakangiting pinandidilatan ako.

Problema nito?

Mula sa ibaba ay napansin ko ang isang pamilyar na sapatos na madalas isuot ng isang taong pinag-uusapan nila. Tumingala ako. Halos mapapikit ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mga mata ko, mabuti na lang at mabilis niyang iniharang ang kaniyang ulo kaya tuluyan ko itong nakilala.

"Pareng Han! May date pala kayo? Nakakaabala ata tayo Mich," pang-aasar ni Gerald na tumayo na.

"Maghihintay na lang ako rito kung 'di pa kayo tapos mag—"

"Naku Han, 'wag na. Hindi ka ba napapagod maghintay?" malakas na sambit ni Mich sa dulong bahagi nito dahilan para kurutin ko ito ng pasimple.

Mabilis kong inayos ang mga certificate at ipinasok sa envelope saka inilagay sa string bag. Tumayo ka rin ako saka sila tiningnang tatlo. Presko sa mata si Yohann ngayon dahil gaya ng nakagawian ay naka puting polo ito at maong. Pigil na pigil ang tawa nitong tinitingnan ang dalawa kong kaibigan na bakas sa mga mata ang pang-aasar.

"Tara na nga Mich, hahanapan kita ng Arabo," natatawang sabi ni Gerald. "Han! Iuwi mo yan ng maaga ah," habol nito.

Sumaludo si Yohann dito saka humarap sa akin.

"Bakit na naman?" kunot-noong tanong ko.

Araw-araw na lang madalas kaming lumalabas, hindi naman ako nagsasawa, pero baka siya.

"Wala lang. Ipapakilala kita kay Tita," ngiting sabi nito.

Automatikong kinabahan ako dahil sa sinabi nito, hindi pa naman pormal na kami pero kung umakto siya, parang kami.

"A-Ano? Bakit? Tsaka-—"

"Chill Cath, pupunta tayo sa bahay ampunan, obviously maraming mga bata roon. Baka kasi gusto mong bumisi—"

"Oo naman, okay lang sa akin," mabilis na sagot ko.

Ayoko ng tumanggi dahil oportonidad na naman ang bagay na to.

Ngumiti ito sa akin saka inalis ang sumbrero niyang itim sa ulo nito at mabilis na inilagay sa akin.

"Great. Malapit lang 'yon sa school natin, mag-commute na lang tayo. Tara na?" tanong nitong ngumiti sa akin.

Kung gaano ako kabilis tumango, gano'n naman kabilis ang paghawak ng kamay nito sa akin. Walang ano-ano ay ibinaba niya lalo ang sumbrero dahilan para tanging diretsong daanan lang ang makita ko.

"You will be safe as long as you have my cap," yukong sabi nito na natatawa pa saka tumuwid ng tayo.

Napangiti na lang din ako dahil sa pagiging maparaan nito sa lahat ng bagay. Dalawang Jeep lang naman ang sinasakyan namin papunta sa Manila mula rito sa Quezon city. Hindi ko inalis ang sumbrerong pumoprotekta sa akin, nakakatawa man pero mas okay ka rin ito. Naiintindihan naman niya ako.

Nang makababa na kami ay bumungad sa amin ang mga isang malaking gate, nasa loob non ay mga batang nagbibisekleta na hanggang gate lamang at mukhang hindi talaga sila palalabasin. Muli ko na namang naramdaman ang kamay ni Yohann, mainit iyon pero pakiramdam ko ay sobrang lamig nito. Para akong baliw na palihim na tumitingin sa paligid para lamang siguraduhing walang tao.

"Hey, don't be afraid. Mukha kang kriminal," pang-aasar nito na mabilis kong sinamaan ng tingin.

Nagawi ang paningin ko sa loob ng bahay-ampunan na iyon, may isang batang kalbo at nakasuot ng kulang pink na bestida. Babae siya. Sa unang tingin ay aakalain mong lalaki. Kumaway ito at titig na titig sa akin kaya mabilis akong ngumiti at kumaway, napansin kong napalingon din doon si Yohann at mabilis na kumaway. Nagsimula na kaming maglakad, pinagbuksan agad kami ng gate ni kuyang guard na bahagyang ngumiti sa amin. Mukhang madalas siya rito dahil mabilis lamang na nakapasok ito, sa pagkakatanda ko ay mahigpit ang pamamalakad dito at kailangan pang maglaan ng schedule.

My Dream Wedding Ceremony | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon