Kabanata 11

20 7 0
                                    


"Oh," lapag ni Billano ng isang plastic cup sa mesa ko.

"Salamat," pasasalamat ko.

Hindi na ako nag-abalang lingunin siya dahil kaunting oras na lang ang natirira sa amin. Malapit na matapos ang break time namin at kailangan ko na ring matapos ang assignment na ipapasa mamaya. Hindi ko naman naasikaso ang mga assignment ko dahil ginawa ko ang mga module ng kapatid ko.

Mga maliliit pa sila kaya ako na ang tumutulong sa pagpapaliwanag at kung minsan ay ako pa ang naghahatid sa kanila.

"Ako na diyan Cath, kabisaduhin mo na lang 'yong ire-recite natin mamaya," seryosong sabi ng bakla.

Napatingin pa ako sa kaniya at halata sa mukha nito ang pagiging sinsero. Walang salitang ibinigay ko sa kaniya ang aking notebook at ngumuya na muna ng fishball saka nagpasyang magkabisa. Pinilit kong ipasok sa utak ko ang mga nakasukat sa malinis na papel para kahit papaano ay may marka ako, sobrang ingay ng silid at kung puwede lang sumigaw ay ginawa ko na. Nakalimutan kong hindi pala ako nakikipag-usap sa kanila.

Natapos ang lahat nang matiwasay, hindi ko alam kung paanong pangalawa ako sa pinakamataas na nakakuha ng marka kasunod ni Billano. Napatingin ako rito mula sa aking gilid at saka ito kumindat.

"Ginawa mo?" bulong ko.

Ngumiti ang bakla nang nakakaloko."Wala ka kasing bilib sa 'kin tih," mahinang sabi nito na na nananatili ang mata sa harapan.

Umiling na lang ako rito saka nakinig sa mga tinuturo ng guro naming lalaki. Nang matapos ay nagpasya kami ni Billano na lumabas na muna ng silid dahil dalawang teacher ang absent... Uso pa pala iyon.

"Tara na! Punta tayo sa kabilang building! Doon sa Stem student!" sigaw ng kaklase kong babae na sobrang puti ng mukha.

Natatawang umiling na lang kami ni Billano dahil sa mga babaeng nag-aayos ng sarili.

"Weak naman, pupuntahan ninyo pa 'yong kabilang building para lang makakita ng mga future engineer samantalang 'yong isa rito siya ang pinupuntahan," pagpaparinig ng isang bakla na napatingin sa akin.

Bahagya pa akong siniko ni Billano saka umimpit ng tili. Kanya-kanyang dalang gamit ang mga kaklase ko, ang iba ay may mga bitbit na tennis equipment at aakalain mong may labanan na mangyayari. Natatawang bigla na lang binato ni Spencer ang bola sa ulo ni John.

Volleyball? Pero mga lalaki. Wow!

Automatikong biglang bumuo ng grupo ang mga kaklase kong mga lalaki, nahahati sa dalawang grupo. Nakuha ng ilan sa mga ito ang atensyong ng ibang estudyante na dumadaan lang.

"Ayaw mong sumali?" tanong ko kay Billano.

Mabilis itong umiling at napaurong pa dahil sa tinanong ko na ewan ko ba kung may mali.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Mas matangkad ka pa nga kaysa sa akin eh," natatawang sabi nito.

Binalik ko na lang ang tingin sa mga naglalaro. Hindi naman sukatan ang tangkad kung volleyball ang pag-uusapan, sa pagkakaalam ko basta't malakas humapas ng bola at marunong, okay na.

Ako lang ata ang babaeng hindi marunong mag-volleyball.

Habang patagal nang patagal, naburyo ako sa nakikita ko. Nagdesisyon akong gumuhit na lamang ng mga nakikita ko ngayon dahil napansin kong madalas ako naka-pokus sa mga gown.

Hindi na ako nahiya kay Billano na mag-drawing malapit sa kaniya dahil sanay ako sa mga lait niya, lait na hindi naman masakit at kung tutuusin ay mas maayos ko pa. Magsisimula na sana akong gumuhit nang mahagip ng aking paningin si Yohann na may kasamang babae, ngiting-ngiti ito at halos isiksik na ng babae ang kamay niya sa siko ni Yohann.

My Dream Wedding Ceremony | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon