PROLOGUE

20 1 3
                                    

Papasok na ako sa bago kong iskwelehan kung saan wala ako ni isang kakilala.Hindi ko din alam kay papa kung bakit dito nya ako pinapasok,eh hindi ko naman gustong pumasok dito.Pero sabi ng aking magaling na ama ito daw ang makakabuti sa akin dahil para daw ma expose ako sa gantong lugar.

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay dederetso na sa ako na sa aming kotse na nakaparada sa labas pero nakita ko si papa na nagkakape sa lamesa sa kusina wala na sila kuya pumasok na siguro ang mga yon.

Pinuntahan ko si papa upang magpaalam na pero sa halip na makaalis na ako ay niyaya naman ako ni papa na mag agahan.

"halika langga,mag-umagahan ka muna bago ka pumasok."napa ismid nalang ako dahil ma lalate na ako,unang araw ngayon ng pasok at ito na naman malalate na naman. Bakit ba naman kase lagi nalang akong ganto?wala na bang magbabago sa buhay ko?Imbis na isipin ko yon ay umupo na ako at kumuha ng tinapay at ipinalaman ito sa hotdog,uminom nadin ako ng gatas.

Mina madali ko na ang pagkain dahil malalate na tlaga ako.Napansin ako ni papa kaya naman ay sinuway nya ako at sinabing magdahan dahan daw ako.napasabi nalang ako sa isip ko na "okay fine".

Nang matapos ako ay nagpaalam na ako kay papa,para pumasok na sana pero ang sabi ay sya na daw ang maghahatid sakin.Sya Lang talaga naman maghahatid sakin dahil kanina pa nakaalis si la kuya. Gusto kong sumigaw sa inis pero hindi ko magawa dahil ayukong sirain ang araw ng lunes ko.

"Paaaaaa! Malalate na ako paa!"sigaw ko kase hindi pa sya lumalabas sa kwarto nya.Ano paba kaseng ginagawa ni papa e!

"teka langga!" sigaw din nya.

Maya maya ay lumabas si papa,kaya naman ay tumayo na ako at nauna na sa sasakyan namin.Tinignan ko ang relo ko at mag 7:30 na at mahuhuli na talaga ako sa klase ko.Naiinis na talaga ako dahil uang araw ng pasukan ay huli ako sa klase ko.

Hindi ko namalayan na andito na ako,agad akong nagpaalam kay papa at lumabas ng sasakyan.Narinig ko pa siyang nag goodluck sa akin pero hindi ko na iyon pinansin.

Halos ginawa ko nang takbo ang paglalakad dahil late na talaga ako. Habang nasa hagdan ako at naglalakad ay natalisod pa ako pero hindi ko na yon pinag tuunan ng pansin dahil ang inaalala ko ay late na ako.Nasa tapat na ako ng classroom naming at saktong nagpapakilala na sila,agad na nagtinginan saken ang mga bago kong kaklase maging ang aking adviser.

"Oh Hija, tamang tama lang ang dating mo dahil ikaw nalang ang hindi nakakapagpakilala.Pasok ka na at magpakilala kana sa mga kaklase mo."saad ng adviser ko habang naka ngiti.Ngumit lamang ako at pumunta na sa unahan.

Nahihiya ako dahil bago tong mga kaklase ko,dati naman ay hindi ako ganto.Dati naman ay makapal ang mukha ko pero ngayon ay talagang nahihiya ako pero kelangan ko itong gawin para makaupo na ako.

"Hi!Goodmorning ma'am and classmates, I'm Mariella Laurize Abellera Cariño and I'm 17 years old.Nice meeting you guys!" ngumiti ako ng peke dahil diko na kinakaya sobra na talaga akong nahihiya sa lagay ko na ito.

"Okay, Mariella you may take your seat."Saad ni Maam.
Agad agad akong naghanap ng bangkuan at ang tanging bakante nalang ay yung upuan sa likod.Katabi nang Gwapong lalalake,wala na akong choice kundi ang doon umupo gwapo naman yung katabi ko e,di na masama. Kesa wala naman akong maupuan diba?magpapaka choosy paba ako?di naman ako maganda e HAHAHAHA joke.Umupo na ako at pagkaupo ay agad namang nagpakilala ang aming adviser.

"Hello class! I' am Cathalina Samiguin and I am your new teacher and also your adviser.You can call me ma'am cathia and its nice to meet all of you."ngiting saad ni maam.

Bago ko malimutan guys, ako pala ay Stem student.Sa totoo lang hindi ko talaga gusto mag stem dahil mag teteacher ako.According sa research ko dapat nasa Humss ako ngayon pero sabi ng mga magagaling kong kuya mag stem ako dahil madami daw benefits kuno.Pero kase gusto ko din mag stem pero gusto ko ding mag hums.Ah basta ewan gulo ng life ko.

It takes time  #RoleplayseriesWhere stories live. Discover now