Umagang umaga ang boses ni kuya ang aking naririning,hindi na nauta sa kakasigaw hobby niya na yon.Minsan hindi ako sa alarm ko nagigising kundi sa boses nyang kaylakas e.Naiisip ko nga minsan hindi ba siya nahihiya sa mga kapitbahay namin dito,e puro boses nya ang maririnig tuwing umaga.
Mag dadalwang linggo na simula nong nag umpisa ang klase.Ngayon ay araw ng lunes at sa araw na ito ay kay quiz kami sa genmath at sa ethics.
Andito ako ngayon sa labas ng village at nagiintay ng masasakyan kong jeep papasok sa school,hindi pa naman ako late dahil meron pang bente minutos.Nakapara ako ng jeep at na pansin ko na maraming estudyante ang nagjejeep papasok.
Naisip ko na magjejeep nalang din ako papasok sa school namin dahil para hindi na ako ihahatid nila papa o ni kuya at tsaka iwas abala nadin sa kanila.
kakarating kolang ng school,ito ako naglalakad papunta sa room namin.May biglang tumawag sa akin kaya napahinto ako.
“Pstt!ella?”tawag sakin,agad akong humarap upang malaman ko kung sino yon.
Ah sila mira at maui lamang pala.“oy,goodmorning!”ngiting bati ko sa kanilang dalwa.Nginitian at binati din naman nila ako pabalik at sabay sabay na kaming naglakad papunta sa room namin.
Dumaan ang aming quiz sa genmath at pagkatapos ng second subject namin ay walang klase dahil may meeting daw ang mga teachers.
“Oy!mars!”lumapit sa akin yung dalwang babae.
“oh?ano ganap?”tanong ko sa kanila.Sila naman ay humila ng bangko at umupo sa tapat ko.
“Mars may irerecomend kami sayo,maganda to!"nakangiting sabi ni maureen.Lumapit sila ng bahagya sa akin at bumulong.
“Mars,mag rp ka”bulong ni mira saken at sabay tawa.
“Huh?!rp?!ano yo-?!”tinakpan naman nila parehas yong bibig ko.
“shhh!!huwag kangang maingay!”Suway sa akin ni mira.
“Ano ba kase yang rp r-”pinutol nila sasabihin ko.
“shhhh!!marss wag kangang masyadong maingay may makarinig sayooo!!”saway ni maureen.
“Ano ba kase yon?”mahinahong tanong ko sa kanila,umayos naman sila ng upo at kinuha ang kanilang mga cellphone.
Pinakita nila sa akin ang mga profile picture ng mga diko kilala kong sino yong mga yon.
“Yan mars,yan ang rp.”Pakita sa akin ni mira.
“huh?!diko gets”sabi ko sa kanilang dalwa.
Nagkatinginan silang dalwa at sabay na bumuntong hininga at umayos ng upo.
“Paliwanag mo nga mira”Sabi ni maureen.
“Okay,ganto yan mars ah”sabi ni mira.
Sinabi lahat sakin ni mira kung ano yon maski mga patakaran at mga hood don.Saktong pagkatpos nya ay agad na nagbreak time kaya lumabas na kaming tatlo nila mira.
“Mars ano? G ka? Hahahaha add ka namin ni maureen sa hood namin HAHAHAHA”sabi ni mira sa akin habang papasok kami sa canteen.
“Ah eh, wala akong pangalan na ilalagay e”sambit ko naman.
“Simple,then create a name duh? ”pagtataray ni mira.
“Duh din, i mean di ako magaling gumawa ng name unlike sa inyo”sabi ko naman.
“Ahm,no problem gurl,i am a wattpadian,basic.Wait lemme think”Saad ni Mira,si maureen naman ay nakangiti lamang at nagpaalam na sya nalang daw ang oorder.
