Chapter II

7 1 0
                                    


 

Halos ilang araw nadin ang nakalipas simula ng  nakausap ko si Daniel na maattitude.Hanggang ngayon inis padin ako kay kuya Justine,dahil alam nyo ba napilitan akong mag jeep mag Isa at malapit na mag alas syete na ng makarating ako sa bahay.Nakakainis yon pero mabait naman akong tao kaya napatawad ko na si kuya.Pero hanggang ngayon ay iniisip ko padin yung paguusap namin ni Daniel gosh! diko talaga enexpect yon gurl.

Bago magkalimutan ngayon ay araw ng linggo at dahil walang pasok ngayon plano kung maglinis ng bahay.Maglalaba din ako mamimili mamayang hapon ng mga kailangan dito sa bahay.

Alas otso na ng umaga ako bumangon sa aking hinigaan at naisipan lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ko ay wala akong nakitang tao,si papa ay nagpaalam kanina na may maning sya,sila kuya Justine at kuya jamesone ay may pupuntahan daw.So ako lang dito sa bahay kaya makakapaglinis akong mabuti.

Pagkatapos kong mag agahan ay inumpisahan kung linisin ang aming kusina.Nilinis ko lahat dahil simula ng lumipat kami dito nong nakaraang buwan ay malimit itong linisan dahil wala kaming kasambahay at hindi naman maasahan ang mga kuya ko lalo na si papa dahil may trabaho.Ako naman ay madalas na tinatamad maglinis ngayon nalang ulit ako sinipag linisin tong bahay. 

Halos abutin ako ng trenta minutos para linisin ang kusina naming dahil talagang hinugasan ko yung mga gamit naming hindi na nagagamit at pinaglalagay ko na din sa isang lagayan para hindi na pakalat kalat.Pagkatapos ay sinunod ko ang banyo namin. 

Ng matapos ako sa banyo ay nag salas naman ako.Nilinis ko lahat sa sala,pinalitan ko ang mga kurtina at mga cover ng sofa.nilinis ko din yung electrecfan namin sa sala,nilinis ko din ang mga sulok sulok sa sala.

Matapos kung linisin ang sala ay tinignan ko ang oras at nakita ko na alas onse na umaga,hindi naman na ako matatagalan dahil wala namang masyadong kalat sa mga kwarto nila papa at kuya.Isa pa ay tamang walis lamang ako at punas sa kwarto nila dahil ayuko ng pinakikialaman ang gamit ng mga yon tanging kwarto ko lang ang talagang inayos ko.
.
Mabilis akong nakatapos maglinis ng buong bahay,umupo ako sa sofa upang makapagpahinga saglit kinuha ko din ang phone ko para mag fb at instagram.Pagkabukas ko ay alas dose na at mag ala una ng hapon kaya naman ay tinigil ko na ang pag cecellphone at nagluto na ako ng makakakain ko at ni papa at nila kuya kung sakaling umuwi sila.

Kakatapos ko lang kumain at siya namang dating ni papa,kaya naman ay lumapit ako sa kanya at nagmano.

“oh langga?kumain kana?”tanong nya sakin habang inaalis ang sapatos na suot suot nya.

“opo pa,kayo po?kain na muna kayo,nagluto ako ng adobo,kain nah o kayo.”saad ko.

“Masarap ba yan?kagaya bay an ng niluluto ng mama mo na adobo?”ngiting tanong nya sakin habang hinahain ko ang niluto kong ulam at kanin.

“opo naman pa!baka little Mirna to HAHAHAHAHA”saad ko at tumawa pa ganun din ang ginawa ni papa.

Nagpaalam na ako kay papa na papasok lang ako sa loob at babalik din para hugusan ang pinggan na pinagkainan naming dalwa.Sila kuya awan ko kung nasan yung mga yon.Nakalipas ang labing limang minuto ay lumabas ulit ako para tignan kung tapos na si papa.Nakita ko na si Papa ay nagsusuot ng sapatos.

“oh pa?aalis na kayo?”tanong ko
“oo langga,ingat ka dito
ah,magmamaning na uli ako”saad nya habang nagsisintas ng sapatos.

papa ay isang real state agent at itong village na ito ang kanyang pinagtatrabahohan Kaya dito nadin kami tumira nila papa.

“Ah pa,bibili po sana ako ng mga kailanga natin dito sa bahay para sa araw araw.”sabi ko sa kanya ng matapos syang magsapatos.

“ah oh ide bumili ka.” Kaswal na saad nya.

It takes time  #RoleplayseriesWhere stories live. Discover now