Nagising ako sa tunog ng alarm ko,gising na ako pero yung diwa ko tulog pa.Napaiktad ako ng biglang pumasok si kuya Justine at naging sisisigaw sa aking kwarto at pinagbabato pa ako ng unan.
"Mariellllaaaaaa!!! Bumangon kandyan!malalate ka na naman!!hobby monalang laging di maaga nagigising ano kabaaaa?!Bumangon kana dyannn biliss!!pag ako pumasok na hindi na kita maiihahatid kase sila kuya at papa nauna naaaa!Labas na at kumain kana!"Sunod sunod na sigaw nya saken.
"Kuya kaaga aga puro ka sigaw ah!ito na lalabas na!"lagi nalang naka sigaw ewan ko ba dyan sa kapatid kong yan lagi nalang nakasigaw.Haybuhay parang life.
Kakatapos kolang kumain at maligo,binilisan ko na talaga dahil sisigaw na naman yung isa dyan.Nagmadali na akong magbihis at magayos ng sarili at saktong 7:15 ay Tapos na ako.Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko si kuya na tapos na at ready ng umalis.
"Buti naman at tapos kana,oh tara na!"yan nakasigaw na naman sya.
"Kuya Justine di kaba napapagod ng kakasigaw?"tanong ko sa kanya pero inirapan nya lang ako.Awan ko ba ditto parang lagging galit broken ata to.Tatanongin ko sana sya pero wag nalang baka ibangga nya pa tong sasakyan naming,iisa na nga lang to at tsaka ayuko pang mamatay no,diko pa nahahanap destiny ko!
"Oh andito na,bumaba kana malalate na ako."inirapan ko lang sya.
"Okay fine,sunduin moko maya kuya ah.Ingat"Nag bye din ako sa kanya bago sya umalis.Pag kakita ko sa gate naming nakita ko yung name ng school na to.Sya nga pala diko nasabi dahil late ako kahapon at wala na akong panahon para sabihin kung ano pangalan ng school na to pero ngayon sasabihin ko na. Ito ang Luis Y. Ferrer Jr.Senior Highschool dito sa General Trias Cavite oo tama dito.Mukhang pang mayaman na school no?Pero hindi pangmahirap lang la
yarn,HAHAHAHAHAHAHA joke lang naman.Dere deretso ang lakad ko papunta sa classroom namin.Di ko na pinapansin yung ibang tumitingin sakin.Pagpasok ko wala pa si Ma'am Cathia,umupo na ako sa aking upuan.Pagkaupo ko ay binati naman ako nila Clark.
"Hi Mariella!"sabay sabay nilang bati pero yung attitude na si Daniel hindi ako binati,ide don't."Hello!"Bati ko din sa kanila at umayos na ako ng upo dahil dumating na si Maam Cathia.
Grabe pangalawang araw palang ng pasukan pero nahihilo na ako.Ebarg ang genmath namin.Hindi nakikisama grabe.Lalong lumala ang hilo ko pagdating sa earth science sobrang lala ha, wala akong naintindihan sa diniscuss ng prof namin,ano ba kase pumasok sa isip ko at nagstem ako e,may pa sabe sabe pa kaseng "mas maganda ang machallenge"oh ito ngayon ako.Pero para sa ekonomiya ng bansa laban lang!HAHAHAHAHA jok.Pero legit ah,sa tingin ko papahirapan talaga ako nitong dalwang subject na ito di sila marunong makisama.
Oral communication ang sumunod naming klase okay lang ang subject na ito di naman masyadong mahirap kase wala namang pa keme keme ang prof naming si sir Raval.Pagkatapos ng klaseng yon ay break time kaya nakahinga ako ng maluwag.Papatayo na sana ako pero lumapit yung dalwa kong kaklseng babae sakin.
"Hi! Mariella ka nga no?"tanong nitong babaeng maputi.Maganda sya, wavy yung hair nya,may katangkaran din tapos ang ganda ng mata nya parang mata ng pusa.
"ako nga,bakit?may kelangan kayo?"tanong ko sa kanila pero nginitian lang ako nitong babaeng mala pusa ang mata.
"HAHAHAHAHA wala kaming kailangan.Gusto ka lang naming yayain para kumain sa canteen"Yung kasama naman nya ang sumagot.
Halata namang wala silang masamang balak saken kaya sinabi ko na sige.Tuwang tuwa silang dalwa,lakas ng amats ah.
Pagkarating naming sa canteen agad kaming nag order pagkatapos ay naghanap ng bakanteng mauupuan.
