Handa na ang lahat,nakaluto na kami ni papa.Hinihintay nalang namin ang kaibigan ni papang late na ng bente minutos.
“Ano ba yan, kakarating ko palang naamoy ko na agad ang baho ni Mariella, aba maligo din naman ah”Unang sabi ni kuya pagkarating nya sa bahay.
“HAHAHAHA,oo nga langga maligo ko muna habang hinihintay natin ang kaibigan ko dahil mamaya pa daw sila makaka punta,may inaasikaso pa kaya maligo kana muna para presentable ka.”Dugtong naman ni papa sa sinabi ni kuya.
“Wow pa,ginatungan mo pa talaga si kuya ah.Mabango padin naman ako kahit di ako maligo no!”inirapan ko si kuya at tumayo na para maligo.
“maligooooo kanaaaa!Bahong baho mo naa,kadiri kaa!HAHAHAHA”Dagdag pa ni kuya.
Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok na ako sa banyo para maligo.Labing limang minuto akong nagtagal sa banyo dahil ayuko munang maasar ni kuya.
Saktong labas ko ng kwarto ay sila namang dating ng kaibigan ni papa.Buti na lang at naayos ko ang sarili ko bago sila nakadating.
Hindi mawala ang tingin ko sa kasama nyang babae na sa tingin ko ay asawa nong kaibigan ni papa.
“tuloy kayo” ngiting saad ni papa ng makita nya ang kaibigan nya.
“Pare,oh ano't gwapo padin tayo dyan?HAHAHA”saad ni tito.
“HAHAHA anong ako?ikaw dyan ang gwapo padin,kamusta naman?upo kayo”saad ni papa.
Umupo na sila at nagusap ng kunti bago napagdesisyonang kumain na.Kanina pa sila naguusap,ako'y gutom na gutom na dito pero diko pinapahalata nakakahiya naman sa kanila.
“Oh isa lang anak mo pare?”Tanong ni papa habang naglalakad sila papunta sa kusina.
“Ah,oo nga pala si Gabriella ang bunso ko at si o asan ang kuya mo gab?”napatingin si tito sa labas ng bahay namin
“Gab,puntahan mo muna ang kuya mo sa labas.”Utos ng mama niya.Ang cute cute ni gab,ang puti puti nya kaya halatang halata ang pagkapula ng labi at pisnge niya na halatang nan sa mama niya ang kaputian nito,sa tingin ko ay six years old palang si gab,napatingin naman ako sa mama niya.Ang ganda ganda ni tita Geninna hindi halata na nasa thirties na sya,ganun din si tito darwin lalong nagpagwapo sa kanya ang pagiging moreno niya at ang katangkaran niya.
Binalik ko saglit ang aking mga mata sa cellphone ko dahil bigla itong tumunog.
“Ma,pa ito na si kuya daniel!”malakas na sigaw ni gab,napapitlag ako sa narinig kong pangalan dahil hindi ko alam kung siya yon o kapangalan lang nya.Binaling ko ang aking mga mata sa kakapasok na lalake at nanlaki ang mata ko at sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako.
“Ikaw?!”sigaw ko at nagitla naman sila papa sa ginawa ko pero inirapan niya lang ako at lumapit sa mga magulang niya.
“Mom,dad”salita niya,bumaling siya saglit sakin at agad namang nawala ito ng lumapit ang kapatid nya sa kanya.
Nginitian niya ito at bumaling kay papa at kay kuya na nakatayo sa tabi ko.
“Hi po tito”ngiti niya kay papa ganun din kay kuya pero sa akin di nya man lang ako nginitian.Napakaattitude talaga e.
Nginitian siya ni papa at ni kuya“O siya,kumain na tayo at nagugutom na ako magsiupo na tayo.”Si papa yon hindi ako,akala ko ako lang ang nagugutom siya din pala.
Pagkaupo namin ay Kinalbit ako ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.
“hoy,ano meron?lalake mo?”bulong nya sakin ni kuya.
Magkatabi kami sa upuan at si papa ay yung nasa pina unahan magkatapat sila nu tito darwin.Kaharap ko si gab tapos katabi ni gab si tita tos si daniel tos si tito.Yan ang aming posisyon habang kumakain kami.