Part 30 (Sirang pamilya)

57 2 0
                                    

KRISTINA's Point of View



"Namiss ko yung dati." Saad ko at nakatayo sa tabi ng dagat habang pinagmasdan ang sunset na palubog na, simoy ng hangin at tangi ko nalang marinig ay ang bawat paghampas ng malakas na alon.

"Ano ang namimiss mo Kristina?" Biglang tanong ni brylle habang ito'y papalapit sa akin.



"Namimiss ko yung bata pa kami ni ate, kadalasan kaming pupunta ng tabing dagat, maglalaro kasama rin si mommy at daddy, ang saya noon at kita ko pa ang saya nila mommy pero ngayon halos problema na lahat, parati na silang nag aaway walang araw o gabi na di sila mag aaway." Humihikbing saad ko tinuon lang ang paningin ko sa dagat.



"Ang lahat ng problema'y may kataposan Kristina kaya wag kang mawalan ng pag asa matatapos din 'yan." Nakangiting saad ni brylle, kahit paminsan nakaya niya pang pagaanin ang loob ko.



"Buti kapa nga may mga magulang, eh ako? Bata palang ako ng mawala na sila mommy at daddy." Kwento ni brylle nasa tabi ko ngayon habang naka toun lang din ang pananaw niya sa malawak na dagat.

"Ano ang dahilan ng pagkawala nila?" Kalmadong tanong ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Car accident, matagal na 'yun sa subrang busy nila wala na silang time sa amin ni kuya hanggang sa dumating 'yung araw na umuwi sila galing ng states, gabi 'yun ng nabangga ang sinakyan nilang kotse, patay silang dalawa kaya mula noon si kuya na ang tumayo bilang magulang ko, dalawa lang din kaming magkapatid." Mahabang kwento ni brylle at hindi niya na namalayan na tumulo na pala ang mga luha niya.

"Wala kayong katulong?" Tanong ko uli.

"Noong bata pa kami, meron si yaya AGA pero iwan saan na siya, lumisan lang 'yun ng hindi nagpaalam at 'yung driver din namin nawala rin tapos namatay din sila mommy kaya di na kami kumuha pa ng katulong." Putol putol na saad ni brylle.

Malungkot din pala 'yung buhay niya, pareha lang kami, hindi man patay ang mga magulang ko pero parati naman nag aaway.

Tumingin ako sa kaniya at pinunasan ang mga luha na ngayon ay tumulo na.

"Wag kana malungkot brylle, nandito naman ako, siguro masaya na sila ngayon kung saan sila kaya wag kana malungkot." Pagpagaan ko ng loob at ngumiti naman si brylle ng bahagya.

"Tigilan na nga natin ang pag eemote, tumayo kana diyan at gabi na, ihatid pa kita." Pag iiba niya ng topic at pinisel niya ang pesngi ko.

"Arayyy! A-no ba?" Ngusong saad ko.

"HHAHAHA sorry ka HAHAHAHA." Asar niyang saad at tumakbo.

"Hoy antayin mo ako." Sigaw ko.






KRISHNA's Point of View



"Pano dito lang ako, see you tomorrow." Pagpaalam ni Sean sa akin.

"Di ka na ba tutuloy?" Tanong ko sa kaniya.

"Wag na Krishna may gagawin pa kasi ako sa bahay eh." Pagpaalam niya at ngumiti nalang ako ng bahagya, ilang sandali pa ay pinaandar niya ang kotse senyales na umalis na siya, agad kong sinara ang gate at pumasok ng bahay.

Gaya nung dati ang naabutan ko si mommy na naman at si daddy.

"W-walang hiya ka cris." Rinig kong sigaw ni mommy kay daddy.

"Sino ang walang hiya sa atin? Pinakasalan lang kita dahil nabuntis ka, wala akong choice kasi buntis ka at ang saklap ay kagagawan mo naman ang lahat para mabuntis ka." Sambit din ni daddy kay mommy.

Hindi ko mapigilang mapaluha na sa bawat katagang mabigkas ni daddy ay siya ring pag tulo ng aking mga luha.Ang sakit, ako 'yung tinutukoy nila na anak dahil ako 'yung panganay.Sana di nalang ako naisilang kung ito din naman ang dahilan ng pag aaway nila.

"P-putang ina mo cris, nasarapan Karin naman sa akin nong gabing 'yun! Na buntis lang ako dahil gusto mo 'yun at ginusto ko, nagmahalan tayo cris." Sigaw ni mommy at sa huli niyang binanggit ay kumalma na ito.

"Kahit kailan lina hindi kita minahal, I'm drunk that time Lina hindi ko alam ang nangyari, alam mo 'yung saklap Lina, iniwan ko 'yung babaeng pinakamamahal ko ng dahil sa kagagawan mo! Akala mo ba hindi ko alam 'yun, nilasing mo ako para lang may mangyari sa atin dahil alam ko kung gaano mo ako ka mahal." Mahabang paliwanag ni daddy at halos umalingaw ngaw dito sa loob ng bahay ang tangi ko nalang ginawa ay ang humikbi dito sa loob ng kwarto ko at niyakap ang unan habang naka upo sa maypintuan.


Pakk-kkk! Pakk-kkk!


"Arghhhh tulongg." Rinig kung sigaw ni mommy na halos hindi na makapagsalita, kinabahan ako at agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kanilang kwarto, nadatnan ko silang diniinan ni daddy ng unan ang mukha ni mommy kaya hindi ito maka hinga.

"Fuckkkk! W-wala akong asawa na kagaya mo Lina." Sigaw ni daddy.

Kinuyom ko nalang ang kamao ko habang pinagmasdan silang dalawa na nagpapatayan at nagbubugbugan na.

"T-amaaaaaaa naaaaa huhuhuhu." Sigaw ko na halos umabot sa kapit bahay, dahilan kaya sila napatigil at namula na si mommy.

"Dad hanggang kailan kayo titigil? Wala man lang kayong isang respeto sa amin ni Kristina, dad ang sakit lang kasi pagmasdan kayong ganiyan na halos walang araw na hindi kayo mag aaway away." Humagulhol na sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Kung kayo sa katayuan namin ni Kristina hindi niyo rin kaya 'yung nararamdaman namin, kung nasasaktan kayo mas nasasaktan kami dahil bunganga parati ang bumungad sa amin sa umaga o di Kaya sa gabi.Mom,dad saan na ang dating saya?" Namamaos kung saad sa kanila.

Kinabahan ako ng biglang lumapit si daddy sa akin.

"Wag ka ng aasang sasaya pa ang pamilyang ito." Tipid na sagot ni dad at tuluyang lumisan sa kwartong 'yun, minuto ang lumipas ng marinig kong umandar ang kotse ni daddy senyales na umalis na naman.

Lamig sa gabi, bituing nagniningning, buwang kay bilog at heto na naman ang mga butil ng aking mga luha, kinikimkim ang sakit at pinipigilan ang butil ng aking mga luha habang pinagmasdan ko ang pamilyang nagkakagulo na walang pag asang maayos pa.

Hanggang kailan kaya matatapos ito?

Sabi nila lahat ng problema may kataposan.

Nandito ako ngayon sa sahig nakaupo at tinatanaw tanaw ang bawat sulok ng bahay at kahit paningin ko'y nanglabo na.

Mga tanong na nanatiling iniisip at hinahanap ang sagot.Sagot na walang katiyakan na kung ito'y tama o mali.

"Ate, mom! A-anong nangyari dito?" Napalingon nalang ako sa gilid ko ng pagmasdan kong nakatayo si Kristina.

Dahan dahan akong tumayo at pinunasan ang mga luha.

"Alam mo naman talaga kristina,diba? wala namang kasiyahan ang pamilyang ito! Kaya wag kang magtaka sa mga nakita mo ngayon o sa mga darating na bukas dahil walang pagbabago ang pamilyang ito." Kalmadong saad ko kay Kristina at kita ko naman na dahan-dahang tumulo ang kaniyang mga luha habang nakatingin ngayon kay mommy na naninigarilyo.

Oo, minsan naninigarilyo si mommy! Sabihin niyo sa akin.

Mabuti pa ba siyang ina?

Pati si daddy!

Mabuti paba silang magulang para sa amin?

Halos silang dalawa ang nakikita nila, hindi nila alam na may mga anak silang nag aantay ng ligaya at pagmamahal.

Hindi ko na kaya to!

Wag naman sana darating sa punto na don na sila mag sisi.











Anjeasians/My Readers

BRØKÊN FÂMÎLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon