Part 19 (Lakas loob)

51 9 0
                                    

Kath's Point of View

"Talaga bang bibilhin mo 'yan?" paninigurado ni Lina, tumango ako at ngumiti.

Nandito kami sa isang mall, sinasamahan namin si Carla namimili ng mga panibagong make-up brush.

Naisipan ko narin na maglibot-libot baka may magugustohan ako, nahagip sa aking mga mata ang isang longsleeve kulay puti at may desinyong parang pabilog-bilog na kulay itim. Napakaganda nitong tingnan, bumagay sa shorts nitong hanggang paa lang ang iksi at kulay blue. Hinawakan ko ang tela nito, at napakalambot.

I love it! natutuwang aniko sa aking sarili.

"Nagbabago kana talaga, Kath," nabaling ang atensiyon ko sa sinabi ni Lina.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Huh, why? Is there something wrong about me?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Ahm--- I'm sorry if I'm acting like this. Medyo nakatutok ako sa damit na ito, I really love this!" dagdag paliwanag ko pa.

Baka nga nagtampo ito sa akin dahil hindi ko nabigyan ng pansin. Mariing sabi ng aking kaisipan.

Pero imbis na sagutin niya ako ng seryoso, mariin niya lang tiningnan ang buong katawan ko. Para bang may mali sa sinusuot ko.

"Unbelievable!" sambit niya. "Naninibago ako sayo. Napapansin ko mas lalo kang gumaganda, you look stunning, Kath. Ibang-iba kana talaga," dagdag kumento niya pa, hindi mawalay sa akin ang tingin.

Siguro nga naninibago siya sa akin dahil no'ng una kahit lipstick hindi ako naglalagay pero ano nga ba ang silbi ng ating kagandahan kung hindi natin dadagdagan, diba? Hindi naman masama itong aking ginagawa, wala naman akong asawa.

Buo na ang pasya ko sa magiging desisyon ni, Gabrhyl. Kung magfile siya ng annulment for us then I don't care! I'm eager to sign it para matapos na ang lahat.

Tumawa akong tumingin sa kaniya. "Suss, tumigil ka nga!" suway ko. Tinawag ko ang sales lady para kunin ang damit na nagustuhan ko na nakasuot sa isang mannequin.

"Oh my god. Matanda kana para suotin ang mga ganiyan ka iksi na mga damit. Jusko naman. Hindi kana teenager dzae!" suway niya sa akin na parang hindi makapaniwala.

Napairap akong tumingin sa kaniya. "Grabi ka sa matanda ah! Parang tingin mo talaga sa akin senior citizen," nagtatampong sagot ko.

Ano naman ngayon kung may edad na talaga ako? May batas bang bawal magsuot ang mga may edad sa ganitong mga suotin? Hindi naman siguro kung ito ay pasok at bagay sa iyo.

"Hindi naman sa ganoon, Kath. I mean, kwarenta e kuwatro kana at may asawa pa. Paano kung matulad ka sa iba diyan, naging bayaran sa kanto dahil iniwan sila ng kanilang mga asawa," prangkang sambit niya. Napansin ko sa bawat salitang binitawan niya may nakakubli itong pag-alala.

Gano'n talaga pagsubrang nag-alala sayo 'yong tao kahit sa ibang gawain kaya kang ikumpara. Hindi naman ako gano'n.

Kunot-noo ko siyang tiningnan at nameywang. "Lina, wala akong asawa dahil magdi-divorce rin kami. Madali man o matagal, alam kong naghahanda si Gabrhyl ng annulment for us at kung hindi siya gagawa, ako ang gagawa para sa ikabubuti ng lahat. At kung mangyari man 'yon hindi naman ako magiging bayaran, ano kaba naman Lina? Hindi gano'n kakitid ang utak ko para gawin ang mga bagay na iyan," mahabang litanya ko sa kaniya ngunit tama lang ang boses ko para hindi marinig ng karamihan.

Matapos kong banggitin ang mga katagang iyon nagsimula na akong maglakad. Patuloy sa pagsasalita si Lina habang sumunod ito sa akin. Sa dinami-dami ng pumasok sa utak ko hindi ko namalayan napunta na kami rito sa mga school supplies.

"Kung ipatuloy mo ang binabalak mo, Kath, paano si Karhyl, huh?" napahinto ako nang marinig ko ang sinabi ni Lina.

Maawtoridad akong tumingin sa kaniya. "Lina, it's not a problem, okay? Karhyl, needs to choose one of us. It's either me or Gabrhyl," mariin na sabi ko sa kaniya.

"What? Nababaliw kana ba talaga, Kath?"

"Lina, kung hahayaan kolang na ganito, patuloy akong kakainin sa bangungut kong ito. Mas mahihirapan ako, mas mahihirapan si Karhyl. Nakita naman natin, diba? Lina, may iba na siya," paglilinaw ko sa kaniya.

Matapos kong banggitin ang mga katagang iyon, sinipat ko ang mukha niya na ngayon ay mapapansin ko ang kalungkutan sa mukha niya.

Pinipigilan ko ang aking mga luha na hindi tutulo. Fortunately, hindi nga ako umiiyak. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagsisimulang maglakad.

Dapat may pagpipilian siya sa aming dalawa ni, Gabrhyl, at desisyon niya kung sino sa amin ang gusto niya, nasa kaniya rin kung pareho niya kaming piliin. Alam kong mahirap ito pero ayaw kong mas lalo siyang mahirapan at aasa sa mga bagay na hindi na talaga babalik. Gusto kong manibagong buhay, mananatiling ganito at walang kikilaning ibang tao.

Palinga-linga akong naglalakad at hinahanap si, Carla. Saan naman nagpunta ang baklang iyon! Halos nalibot na namin ang buong mall at wala akong nakikitang isang bakla na may maiksing buhok.

Sa hindi kalayuan. Napansin kong abala ang mga tao, parang may nagkagulo.

Tinapik ni Lina ang balikat ko. "Kath, anong meron do'n?" tanong nito sa akin sabay turo kung saan ang mga taong nagtipon-tipon. Dali-dali kaming lumapit ni, Lina, doon sa mga taong nagkakagulo.

Hindi kopa nakita ang mukha ni, Carla, pero nakakasiguro akong boses niya iyon. "Punyeta ka! Halika rito at babalatan kita ng buhay," galit na sigaw ni, Carla, at hawak-hawak nito ang buhok ng isang babae.

Nagsilapitan ang dalawang guwardiya at pinag-aawat sila. Dali-daling lumapit si, Lina, sa kanila. Sumunod ako at marahas kong hinablot ang bakla.

"Fuck you bitch!" mariing sabi ng isang babae. Nanginginig ang tuhod ko habang hinila-hila si, Carla. Nararamdaman ko ang lakas niya habang nagpupumiglas ito sa aming pagkakahawak ni, Lina. Patuloy siya sa pagsisigaw habang unti-unti ng lumiliit ang kinatatayuan nila, agad kaming lumabas sa isang mall at sumakay sa kotse.

"Kung hindi niyo sana ako inaawat mapapatay ko talaga ang mga hinayupak na iyon. Kaso buwesit e, umepal pa kayo!" Kunot-noong  nakatingin sa bintana si Carla, nakakrus ang dalawang braso nito.

Ows! Kami pa talaga ang may kasalanan?

"Tumigil ka nga, bakla! Kung hindi ka namin inawat, siguro gutay-gutay na 'yang damit mo. Ano namang laban mo do'n? Nag-iisa ka, tatlo sila," mahabang sermon ni Lina.

"Kahit malaglag pa panty ko dapat pinapabayaan niyo ko, no!" arteng sambit ng bakla.

"Tumigil ka nga! Palibhasa asal pusa ka e kaya, tadiyakan kita d'yan e!"

"Tsk!"

Umirap nalang ako at sinabing, "Tama na nga 'yan. Pare-pareho lang kayo, parang mga bata!" suway ko sa kanila ngunit ibinulong ko ang huling tatlong salita.

Patuloy sa pagmamaneho si Lina. Nasa front seat ako at nasa passenger seat naman si Carla. Tiningnan ko siya mula sa rearviewer at nakasimangot parin itong nakatutuk sa bintana. Walang naging kiboan ang lahat hanggang nakarating kami sa bahay.

Nadatnan ko si Karhyl na may kausap na lalaki na hindi pamilyar ang porma. Tama rin na napansin nila ang presensiya ko dahilan ng kanilang pagkagulat.

"M-om?" Lumapit siya sa akin at nagmanu.

Tumayo naman ang isang lalaki. "Good evening po ma'am. Nice to meet you po," galang na bati nito, ngumiti ako bilang tugon.

"Have a sit, hijo! Anong gusto niyong kainin, huh? Magluluto ako."

"Ah... hindi napo ma'am, uuwi narin ako. Nagpunta lang po ako dito dahil may pinapasabi lang sa akin si sir Feuntes kay Karhyl." Matapos iyon ay umalis na ang isang lalaki.

Nameywang ako at nagkasalubong ang aking kilay. Who's Fuentes?

BRØKÊN FÂMÎLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon