Part 17 (Phria's Back)

48 9 0
                                    

PHRIA's Point of View

"Na mahal kita."

"Hindi itong phria ngayon na nakalimutan ang lahat at nag-iba ang ugali kundi yung dating phria na nakilala ko na nagpatibok ng puso ko."

"Phria mahal ko yung dating perla na sinamahan akong mag linis ng cr."

Perla?

Perla?

Perla?

Parating bumabalik sa isipan ko ang pinagtapat ni kevin kahapon at naalala ko na ang lahat.

Naalala ko na ang lahat lahat.

Si sethdria ang dahilan ng aksindenting nangyari sa akin.

Mga hayop nagawa pa nilang kunin ang atensiyon ko.

Humanda ka sa akin seth at kate,ngayon bumalik na ang dating phria hindi ko hahayaang magawa 'yun uli.

Naalala ko lahat ng efforts na ginawa nila kevin ay para sa akin lahat 'yun para lang bumalik ang alaala ko.

Ang tanga ko sa lahat ng ginawa nila di ko man lang 'yun na appreciated at ang mas saklap pa ay ang salbahi kung anak.

Trinato kung ibang tao ang nagbigay ng buhay ko.

Bakit ko 'yun nagawa?

Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko sa mga nagawa kung mali sa mga mahal ko sa buhay.

Babawi ako.

"Ate krishna doon nalang tayo kay phria." Rinig kung saad ni Kristina kay Krishna at nanatili akong nanahimik kunwari hindi ko narinig sila.

Hindi pa nila alam na bumalik na alaala ko.

Ano kaya magiging reaksiyon nila pag malaman nilang bumalik na ang alaala ko?

Masaya ba sila?

Hindi ako makapag-intay na sabihin 'yung totoo sa kanila.

"Phria pwede maki upo?" Singit ni Kristina dahilan kaya bumalik ako sa realidad.

"Sure." Tipid kung sagot at ngumiti naman sila.

"Phria bakit di mo kasama sina seth at kate diba kaibigan mo 'yun?" Tanong sa akin ni Kristina at bigla namang uminit ang dugo ko ng marinig ang pangalan nila.

Kating-kati na ang mga kamay ko sa dalawang 'yun e.

Pekeng kaibigan ginamit lang nila ako.

"Hindi ko sila kaibigan wala akong kaibigan na katulad nila." Sarkastiko kung saad at kita ko sa kanilang mga reaksiyon ang pag kabigla nila.

Habang hinahagip ko ang preskong hangin dito sa backyard ay naalala ko 'yung kantang parati naming awitin kapag andito kami sa backyard nakatambay.

Hindi ko na sila inantay na magtanong pa sila at pinaghandaan ko talaga ang araw na ito.

Bumuntong hininga at nag simulang umawit,awit na kahit kailan parts ng pagsasama namin.

TROPANG MAKULIT


Kwentuhan na
kabulastugan
Hindi malimutan ang
Asaran na mayroong
Pikunan lalo na rin
Unang niligawan unang
Kabiguan at d'yan
Nag seseryoso ang usapan
ang pagdadamayan.

Habang umaawit ako kita ko naman ang reaksiyon nila na parang hindi ito makapaniwala.

Nang tunay at tapat na
kaibigan o mga buang
kaibigan lubhang maaasahan
Ooohhh...

BRØKÊN FÂMÎLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon