Chapter 3

4.4K 97 12
                                    

SHE WOKE UP feeling energetic. Sino ba namang hindi. Nakachat niya ang crush niya maghapon kahapon at hinintay pa siya nito na maka-uwi para masiguradong safe siya. Dinaig pa niya si Angelina Jolie sa ganda.

Dinaig pa ni Sim ang boyfriend na iniingatan ang girlfriend niya. Feeling niya ang ganda-ganda niya. Pang-miss universe ang ganda.

Sim Sebastian ang nag-chat sa kanya! Ang naghintay sa kanya para makauwi. Grabe namang swerte ang dumapo sa kanya kahapon kaya hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. Pero hindi niya i-ku-kwento kay Zavaiah ito dahil alam niyang pagsasabihan siya ng kanyang kaibgan.

Zavaiah kept on reminding her that internet or social media was not always a happy place. Na maraming nasasaktan din dahil doon.

Natawa siya ng marahan dahil sa sinabi ni Zavaiah, kasi. . . si Zavaiah, may FB, twitter, at IG. Dinaig pa siya. Siya naman ay FB lang gang gamit niya at minsan lang din siya mag-browse. Ngayon ngayon na lamang siya nagiging active, simula nang mahagip ng mata niya si Sim. Kaya lang naman siya gumawa noon para magkaroon ng kasiyahan sa buhay. Pero ngayon. . . tila nag-iiba na—para makausap na si Sim.

Sino ba namang hindi magkakagusto sa binata. Kitang-kita niya sa mga naka-tag dito na hindi lang siya guwapo. May mga charity events din itong pinupuntahan. Well, he was a complete package.

Bumangon na siya at tsaka tinignan ang maliit na litrato ng kanyang ina sa kanyang bedside table.

"Mommy, good morning. Pakisabi naman kay God, salamat. Alam ko, siguro kinausap mo siya na replyan ako ni Sim myloves ano?" she joked.

"Maggagayak lang ako, Mommy, ha? Mag-re-review nga ako saglit. Need ko mag-aral para mabili natin 'yong lupang sinasabi mo sa Pampangga." She chuckled.

She opened her phone and then messaged the man of her dreams.


Facebook Messenger

Sim Sebastian Reyez

(8:34 am)

Aria:
Hi
Hello
How are u?
Yeah, I'm good. Hbu?
Hakhak.
Godmurneng! Simcard!
HAHAHAHAHA.

(9:50 am)

Aria:
Hey?
Yow.
Wazzup?
Busy ka?
Oki okiiii.
Take care.

(11:56am)

Aria:

Hi!
Mukbang busyng busy tayo tsong a!
HAHAHHA.
Dapat nagvavitamins ka.
Vitamin A.
Vitamin Aria.
HAHAHAHAHHAHAHAHAHA
KUYA SIMMMMM!
TAGAL NAMAN MAGREPLY HUHU.
Baka busy ka nga haha.

(1:45 pm)

Aria:
Hi.
Kumain ka na?
Busy ka ano?
Ingat ka palagiii. Mwa!
Hakhak.
Tulog muna ako.

(4:32 pm)

Aria:
Busy ka ?
Yangsa naman, dami ko pa sanang ikukwento sa'yo. Charot.
Hmm.

Seen

(4:45 pm)

NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon