"MUKHA KANG MASAYA, Marky baby, ha?" Zavaiah asked her while giving her a cup of coffee.
She looked at her friend. "I know this is kinda rude, Zammy. Pero, papaano mo nakakalimutan na mas gusto ko sa green tea kaysa sa kape?" she asked.
Halos humagalpak sa tawa ang kaniyang kaibigan at tsaka siya nito binato ng karton ng tsaa na hindi niya alam kung saan pinulot ni Zavaiah.
"Ayan, magsawa ka." Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nagmistulang anghel ang kaibigan niya sa oras na iyon.
She grinned and then looked at Zavaiah. "GAga ka! Binilhan mo talaga akooo?! I love you!" she screamed.
"Shh! Kaloka ka! Huwag kang maingay, marinig ka nila Sister Esme." Saad ng kaibigan niya habang pinanlalakihan siya ng mata. Medyo mahigpit kasi si Sister Esmeralda sa kanilang dalawa. Lalo na kay Zavaiah pero naiintindihan naman nila dahil ito na ang nagpalaki sa dalaga.
"Sabi ko nga quiet na'ko, Madam." Kitang kita niya kung papaano kumalma si Zammy. "Madamdamin." She added.
"Mark!"
"Jokeness lang naman! Ikaw naman 'di ka ma-joke. HB ka masyado. Ganyan ba kapag iniiwan?" she grinned. Kitang-kita niya kung papaano paikutin ni Zavaiah ang mata nito na para bang nagpipigil ng tawa sa kanya.
"Sus. . . sabihin mo, hyper ka masyado ngayon kasi may jowa ka na," her friend grinned at her. Namula naman ang mukha niya.
"W-Wala, ano ka ba!" she defended herself. Wala naman talaga siyang jowa. Ka-chat mayroon. She let out a small chuckle at that thought. Good thing her friend didn't saw it.
Isang buwan mahigit na silang magkausap ni Sim at walang araw na pumalya ang binata sa pagsama sa kanya kapag uuwi na siya. Well, hindi naman talaga pagsama ang tawag doon. The man knew how to make a woman's heart flutter! As in! Nitong nakaraan ay kilig na kilig siya sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Sim.
She couldn't help but to smile everytime he replies. Pakiramdam niya ay ang swerte niya. Sobrang swerte. That was Sim Sebastian, a well known young entrepreneur. Pero, kahit magkausap na sila at komportable sa isa't isa ay hindi pa rin siya tinatanong nito ng mga personal information. Kahit nga kung saan siya nag-aaral ay hindi tinatanong ng binata.
Gagi...is this real life or it is just fantasy? Ginagaya gaya pa niya ang melody ng Bohemian Rhapsody sa kanyang utak.
"Hoy! May jowa ka na?" Mabilisang lumapit si Zammy at tsaka umupo sa tapat niya. Nasa kusina kasi sila ng simbahan kung saan tumutuloy ang kanyang kaibigan. Minsan talaga ay gumagawi sila rito.
"Wala nga," pagpupumilit pa niya.
Tinaasan siya ng kilay ng kaibigan niya. "'Di ako naniniwalang wala. 'Yang ganyang klase ng mukha naranasan ko na rin 'yan."
"Kay Kiro?" she teased her friend.
"Haha. Ikaw na lamang 'di nakakamove-on, friend," Zammy laughed.
"Sabi mo, eh. Sana okay ka lang," she joked. Nagtawanan sila at tsaka niya inilagay sa bag niya ang isang maliit na karton ng green tea na regalo ni Zammy sa kanya.
"Salamat sa tsaa. Gago, late na tayo!" she hissed.
Dali-daling tumayo sila ni Zammy at tumakbo palabas ng kusina ng simbahan.
"Magdahan-dahan naman kayong dalawa," Sister Esme scolded them. Kaya naman napatigil sila ni Zammy sa pagtakbo at dahan-dahang lumapit sa madre.
"Sister, aalis na po kami. Late na naman po kami ni Zammy, hehe." Nagmano pa siya at tsaka niya nginitian ang madre. Kitang-kita naman niya kung papaano lagyan ni Sister Juliana ng towel ang likod ni Zammy.
BINABASA MO ANG
NOT AGAIN (Cruel Reality Series 4) [COMPLETED]
Romance[WARNING: R-18 MATURE CONTENT] # Series 4 Mark, a student of education, is a thrill seeker. She believes that life would be too boring if she didn't have it. So, to pass the time, she made a fake account in the hopes of meeting her one true love on...