MAHAL PARIN KITA

4 0 0
                                    

Hindi kita pipilitin na bumalik saakin,
Hindi din kukulitin na ako'y kausapin.
Sa papel ko nalang itatala ang
kwentong 'di naging atin.
Hahayaan ang tintang mag sasaad ng
tunay kong damdamin.

Oo nga'y minsan karin namang
naging akin, ngunit ang storyang binuo natin ay kailangan nang tapusin.
Masakit ngunit kailangan kayanin,
unti-unti ko namang din tatanggapin.

Na may mga bagay talagang hindi nakalaan saatin.
Teka, kaya ba talaga kitang palayain
Siguro nga ay dapat ko nang gawin
At sa tulang ito nalang sasabihin,
Na mahal pa kita 'di ko lang maamin.

THE TRUTH OF LIFEWhere stories live. Discover now