PANGARAP

4 0 0
                                    

Sa buhay ng tao 'di mawawala  ang
Mga pag subok, hahamunin ka nang
Iba't ibang problema't suliraning may kadena.
At sa maingay na lipunang 'di guminhawa
Ikaw ay makukulong sa sariling bansa.

Ngunit ang sabi nga ni inay
Nasa tao din naman kung paano mamumuhay
Kung paano aangat at makisabay
Sa daloy ng buhay saatin ibinigay.
Pagsisikap ang susi sa magulong buhay.

Kaya lumaki akong mataas ang pangarap
Tulad mg bituin sa alapaap
Imposible man ngunit may liwanag,
Liwanag ay siyang pag asa at tanging kalasag
Sa pag lalakbay patungo sa hinaharap na magandang- bukas.

THE TRUTH OF LIFEWhere stories live. Discover now