HINDI NAMAN TOTOO

3 0 0
                                    

Hindi kita hinihiling sa mga butuin,
Dahil hindi ako naniniwalang ibibigay ka nila saakin.
Hindi kita ibubulong sa hangin,
Dahil hindi ako naniniwala na aabutin ka ng
Mga salita mula sa ihip nito patungo sa iyong damdamin.

Hindi kita hiniling sa mga balon na
Hinahagisan ng barya, dahil alam kong
Maubos man ang aking pera
Hindi karin naman magiging akin sinta.
Hindi ako naniniwala sa mga ito.

Kung meron man akong ginawa o inasahan
Iyon ang pagpikit tuwing gabi,
Dahil alam kong mas makapangyarihan ang
Panalangin kumpara sa hinihiling
Iyon ang alam ko, at mananatili ako rito.

THE TRUTH OF LIFEWhere stories live. Discover now